Kabanata 4

20 4 0
                                    



         Dali-dali silang umalis ng Villa upang makapagsimula muli ngunit hindi pa sila nakakalabas ng Villa ng makita nila ang magulang ni Vhanity.

Gulat na gulat ang dalawa dahil hindi nila inaasahan ang pag-abang ng magulang nito sa kanila.

Inilagay ni Jade sa kanyang likod si Vhanity upang ito ang humarap sa mag-asawang Monteverde.

"Lumayo ka sa anak ko isang hampas lupa!" si Hanz.

"Mahal ko po ang anak niyo Senyor!" matapang na sinabi ni Jade.

"Isang malaking kahibangan ito anak, Vhanity!" ani Sharifa.

"Ang lakas rin ng loob mo Jade ngunit hindi mapaapkain ng tapang mo ang anak ko, hindi mo mabubuhay ang anak ko sa pagmamahal mo lang!" sabi ni Hanz.

"Ama parang awa muna! Lubayan niyo na lamang po kami ni Jade!" pagmamakaawa ni Vhanity sa kanyang ama.

"Sisikapin ko pong punan ang mga pangangailangan ni Vhanity sa abot ng aking makakaya Senyor!"

Hawak-hawak ni Jade ang kamay ni Vhanity habang nasa likod niya ito.

Biglang inilabas ni Hanz ang kanyang pistol at walang takot na itinutok ito kay Jade.

"Ama!" pagmamakaawa ni Vhanity.

"Hanz!" agad na hinawakan ni Senyora Sharifa ang kanyang asawa sa braso.

"Umalis ka sa tabi niya Vhanity, tigilan mo na ang pag-iilusyon mo!" galit na sabi ni Senyor Hanz.

"Hindi ama! Hindi ako aalis sa tabi ni Jade!" humihikbing sagot ni Vhanity.

Hindi nagdalawang isip si Senyor Hanz na iputok ng tatlong beses ang baril na siyang pagpunta ni Vhanity sa harap ni Jade galing sa likod upang masalo ang bala na siya ring nasalo ang pangalawa at pangatlong bala kay Jade nang mayakap niya si Vhanity na dahilan ng kanilang unti-unting pagkahina at dahan-dahang pagbagsak.

"Anak!!!" sigaw ni Senyora Sharifa.

Agad niyang nilapitan ang anak na umuubo ng dugo, umiiyak na niyakap niya ito.

Hindi makagalaw si Senyor Hanz sa kanyang kinatatayuan dahil sa nangyari.

"Ma..hal ko po ka...yo..." sabi ni Vhanity na umuubo na ng dugo ganoon din si Jade.

"Anak!!!!!,huwag mo 'kong iwan anak!!!"

"H-hindi ko na kaya i..na.." naghihingalong saad ni Vhanity.

Dahan-dahang kinuha ni Jade ang kamay ni Vhanity.

"Ma...hal...na.. ma..hal kita Vha..ni..tyy" kahit nahihirapang magsalita si Jade ay nakayanan parin niyang tapusin ang kanyang mga sasabihin.

Napaiyak na lamang si Vhanity at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Jade bilang pagtugon nito kay Jade dahil hirap na siyang magsalita.

Dahan-dahang ipinikit ni Jade at Vhanity ang kanilang mata nang mapayapa.

Na mas lalong nagpabuhos ng luha ni Senyora Sharifa.

Pabagsak na napaluhod si Senyor Hanz nang makumpirmang wala nang buhay ang kanilang unicaija.

"Anaaakkk!!!"


NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon