Kabanata 3

22 4 0
                                    



          Madaling araw na't gising parin ang diwa ni Vhanity at hindi mapakali, dahil sa kanyang mga nalaman.

Kanina pa siya siya pabalik-balik ng lakad upang pag-isipan ng mabuti ang hakbang na gagawin.

Habang nasa kwarto ay isang desisyon ang pumasok sa kanyang isip.

Ang lumayas kasama ang kanyang mahal nang walang pag-aalinlangan.

Kaya't dali-dali niyang inimpake ang kanyang mga gamit upang maka-alis sa mansyon.

Hating gabi niya naisipang lumayas upang hindi siya makita ng kanyang mga magulang.

Tinakbo ni Vhanity ang kahabaan ng kanilang hacienda patungo sa sapa.

Kahit puro putik at sugat sugat na ang kanyang paa ay hindi niya ininda alang-alang sa pag-asang makatakas sa kamay ng kanyang mga magulang.

Agad niyang pinuntahan si Jade sa kubo nitong malapit sa tirahan ng mga alaga nilang hayop.

Kinatok ni Vhanity ang tagpi-tagping pinto ni Jade sa maliit na kubo na gawa sa nipa.

"Mahal, kailangan na nating umalis dito" pagsusumamo ni Vhanity.

"Bakit Mahal? Anong nangyari? Bakit ka balisa?" sunod-sunod na tanong ni Jade kay Vhanity.

"Lumayas ako sa amin dahil tutol sila sa pagmamahalan natin, gusto nila akong ipakasal kay Samosa, sa taong hindi ko naman iniibig" paliwanag ni Vhanity.

"Hindi iyon maaari mahal ko! Mamamatay muna ako bago mangyari iyon!" galit na sabi ni Jade.

Dali-dali silang nag-impake at hindi nagdalawang isip sa posibleng kahihinatnan ng kanilang pagtakas.

Tumakas sila kasama ang pag-asang matatapos rin ang suliraning kinakaharap nila.

NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon