LEVEL 1: The Night Of The Tournament

1.4K 53 2
                                    

THE BEGINNING

2050 present year.
Sa taong ito wala ng imposible, lahat ay pwede, your fantasy is this year's reality, nothing is impossible everyone is capable of everything, sa taong ito mas malakas mas maraming pumapanig, mas kilala mas maraming kayang gawin.

•••

Quin's POV

"Class dismiss." Kamot ulo akong tumayo mula sa aking desk, everyday same routine, sumasakit na ang mata ko sa technology na nakadikit sa desk, we should change seats atleast.

Maglalakad ako magisa palabas ng campus papunta sa parking lot, kukuhanin yung aerobike, the bike didn't need a gas to work, it floats, pagkatapos mong itapak ang sapatos mo dito, it will detect you as the owner and you're ready to go.

Plus hindi ito nagcacause ng traffic dahil pwede mong itaas ang aerobike at lagpasan lahat ng sasakyan. Gravity is not a problem today. Magbabike pauwi at makakasalamuha ang mga kapwa estudyante, story of my life.

"Miss Good night!" Said a random stranger. Catcall still exist, should've been the first to wash out.

"

Quin, pen mo!" Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses, si Nigel, nasa kamay niya pen ko, at importante sa akin 'yun.

Inilapit ko ang aerobike sa tabi ng kaniya para kuhanin iyon ngunit inilayo niya ang badge sa abot ng aking kamay.


What do I expect? Nigel to make it easy for me? Pretty sure superiority complex is still existing in this time, so people like him and his petty friends still find joy in tormenting people who find peace like me, alone.

Natigal kami nang bungguin ng kaibigan niyang si Xenon ang aerobike niya para hablutin ang pen ko, I felt a slight relief sa pagaakalang ibabalik niya iyon sa akin.

Jokes on me dahil initsa niya iyon pababa kaya napilitan ako bumaba ng aerobike para kuhanin iyon. Mahalaga ang pen na 'yon dahil handmade ni Papa sa 'kin iyon.


Sa huli ay sumakay nalang ako sa aerobike nang mabilis at umuwi. Kahit hinahangin ang skirt ko ay wala akong pakielam gusto ko ng umuwi. I don't get why our ancestors once called school 'a second home' when it doesn't feel like it at all. Feels like a factory to me.

Sikat lang naman 'yang sila Xenon dahil mga game monsters sila, that's what makes them different to other people in our campus. Cyber monsters.

I'm sure they use their skills sometimes to take advantage of any platform and program they have. I heard Xenon once hacked the school system to help Nigel win a game.

They are something when facing the computer screen.


Pag dating ko sa bahay ay agad kong binati si mama.

"Ma? Si papa?" Napailing nalang si mama sa tanong ko, malamang nandoon sa kwarto niya, nakasubsob sa screen ng tatlong Monitor na nakaharap buong mag hapon.

May kapatid din akong mas matanda sa akin si Stella, bihira ko lang siyang makita dahil katulad ko ay mailap siya dito sa bahay. Pagkagaling sa school at trabaho, kwarto lang ang diretso niya.

GAMEOVER: The World Of DandelionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon