LEVEL 2: GAME ON

724 38 0
                                    

Xenon's POV

"Dude ako lang ba ang nakakaramdam na parang ikaw ang trip ng MC nayun?" Biro ni Devin. Hell no. Kahit ako pa ang pinaka magaling dito, hinddiko susubukan ang larong 'yan. There's a limit to everything.

Dandelion is a prestigious game where if you're, weak you will lose, the battle is happening inside a virtual reality world, that world is connected to the screen where every audience will witness the battle.

The contenders have their own Avatar inside the game. Those avatar were connected to their brain. Means, their unconscious mind is inside the game as an Avatar. The wires, scanners, and apparatus that's surrounding them is helping the game access their features and characteristics for graphics.

Napaka mapanganib ng larong 'yan lalo na pag na expose sa virus at radiation ang utak ng contenders sa laro, hindi na sila magigising, that's why I will never risk my life there.

Napabalikwas ako nang sikuhin ako ni Nigel sa tagiliran nang ako ang tapatan ng Spotlight. I won't step my feet on that stage.

"Go, try it." I bit my tongue as I contemplate.

"Talunin mo na 'yan." Sumulyap ako sa babaeng iyon sa entablado, Quin Quest. This is not the best way to introduce myself but you know what, fuck it.

Umakyat ako ng stage para ipakitang petty ako at hindi ko uurungan ang hamon na 'to, that's how far my competitiveness could go.


"Let see. Quin on the Blue suit and Xenon on the red." Umakyat ang mga mag a-assist samin sa pagpasok sa isang glass room sa loob na kulay gold na incubator wala naman itong ibang kulay kung hindi Gold.

Parehas kaming pumasok sa loob habang ihinihiga kami sa incubator. Ikinabit nila sa sintido ko ang isang red na bagay na konektado sa wire, this is it. That's what im talking about ang nagkokonekta sa avatar at sa contenders.

Binulungan ako ng staff na pumukit, and so that's what i did. Pumukit na ako. Wala nakong narinig pa kung hindi ang huling salita ng MC na...

"Let's start the game."

Quin's POV

"Let's start the game." Yun lang ang tanging narinig ko, kasabay na ng pagsakit ng ulo ko ay ang pagdilim ng paningin ko na nagpabigat ng talukap ng nga mata ko, walang ano-ano'y naramdaman ko ang dilim.

Nung una nahirapan pa 'kong idilat ang mata ko pero ng kalaunan ay naidilat ko din ito.

Papikit-pikit pa ako dahil sa liwanag. Nang luminaw ang paningin ko ay tumambad sa akin ang kapunuan. Ngayon ko lang napansin ang huni ng mga ibon.

Tinayo ko ang sarili ko at pinagmasdan ang buong lugar, parang totoo, pero hindi bat nasa loob kami ng laro? Bakit ganto ang itsura.

Makatotohanan ang lahat, nakikita kaya nila ako? Hindi na rin ganoon kasama ang suot ko, berde ang suit ko na yumayakap sa hubog ng katawan ko, sa bewang ko naman nakasabit ang mga paraphernalia, sa likuran ay... bow? at kasama na nito ang set of arrows. 

Pag-bukas ko naman ng palad ko ay isang asul na ilaw ang sumalubong sa'kin, tila lumulutang ang letra ng pangalan ko rito.

Naginat-inat ako at naglakad papunta sa isang lugar na nakaagaw ng aking atensyon, ang city,  nahahati ang liwanag ng siyudad sa kabila ay madilim habang sa isang dako ay maliwanag.

GAMEOVER: The World Of DandelionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon