“Clif” sigaw ni Lance napadilat ako Clif, nasaan si Clif?
“Clif tanggalin mo yung nakaharang.” Shit bakit ngayon lang nagpakita ‘tong si Clif kanina pa kami nagsisigaw dito. Pagkatanggal ni Clif sa nkaharang agad akong tumakbo kay Zara.
“Zara naman ano bang pinag-iisip mo? Akala ko talaga iiwan mo na ako ngayon. Sa amin ka muna matulog ako ng magpapaalam sa mama at papa mo.” Hindi pa rin siya natigil sa pag-iyak.“Miss Puablo you need to go to guidance office, now.” Tinapik ko yung likod niya at tumango para malaman niya na okay lang. Sumama na siya kay Sir Rodriguez.
“Hoy Clif ano bang naisip mo may kasama ka na magpapakaamatay tapos wala ka man lang balak gawin? Paano kapag tumalon na siya paano kapag nahuli kami? Kaya mo ba siyang panagutan? Isa ka pa naman sa mga top student ng school. Ah! siguro nga wala ka ngang pakialam kasi kapag natuloy yung pagtalon niya ikaw na ang magiging top sa school na ‘to at habang nandito si Zara you will be always the number two.” Gusto kong sapakin ang pagmumukha niya. “Huwag kang mag magaling na alam mo ang nangyayari, at hindi ko kasalanan na ginusto niyang tumalon it’s her choice kaya ‘wag mo sa akin ibuntong lahat.” Aamba na sana ako nang pinigilan ako ni Lance “Tama na Krim tapos na wala na tayong magagawa” Lumabas na si Clif “Matalino naman siya bakit hindi niya gamitin ng tama. What a real bastard he is.” tinanggal ko yung pagkahawak ni Lance sa kamay ko. Nakakapanggalit ang mga nangyayari sa school na ‘to.
Pagkadating ko sa room ko agad na sinalubong ako ni Clarence “Oh Krim sabi ko sayo bilisan mo, magpasalamat ka at kasama si Sir sa pinatawag sa guidance dahil sa kaibigan mo.” Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit “Ano ba Clarence nasasaktan ako.” Pinipilit kong pumiglas sa paghawak niya pero masyado siyang malakas. “Kapag nagpumiglas ka mas lalo kang masasaktan” Hinila niya ako papunta sa may dulong upuan na malapit sa bintana. “That’s your seat ‘wag kang lilipat dahil ayoko na malayo ka sa akin” nakatitig lang yung mga kaklase namin sa amin hindi man nilang magawang pagsabihan si Clarence. Ah, sino nga naman pala ang magbabalak na ipagtanggol ako na nasa mid-level lang at kapag lumaban sila kay Clarence nakasalalay ang pag-aaral nila sa school na ‘to. Nakakainis isipin na sa pera lahat umiikot ang patakaran. Basta may pera ka makakalusot ka at iba ang tingin nila at pakikitungo nila sayo. Nang matapos ang klase namin ay madaming nag-abot ng baong pagkain kay Clarence pati ang mga estudyante galing sa ibang klase. “Thank you guys I really appreciate sa pagdala niyo ng pagkain sa akin, but the thing is I have a lunch meeting later kasama ang daddy ko. I don’t want to waste your effort. So, pwede ba natin kay Krim na lang ipakain ito? sisiguraduhin kong mauubos lahat ng dinala niyo.” Napalaki ang mata ko sa sinabi niya lagpas sa 30 ata ang nagdala ng pagkain sa kanya at sa akin niya ipapakain ang lahat ng yun? Shit. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila “Okay” Pilit na sabi nila. Tatayo na sana ako ng hinawakan ulit ni Clarence ang kamay ko “At saan ka naman pupunta? Pumayag sila na sayo ko ipakain ang bibigay nila. “Sayo yan ibinigay kaya dapat ikaw ang kumain” Binitiwan niya na ang kamay ko “Okay, pero kapag sinabi ko sayo na kapag kinain mo ang lahat ng ito ay tutulungan ko ang kaibigan mo na hindi maipatawag ang magulang niya.’ Napatigil ako sa binitiwan niyang salita napaisip ako dahil kapag napatawag ang magulang ni Zara mas lalong ma de-depress si Zara at baka mamaya ay maisipan na naman niyang magpakamatay. Tumitig ako kay Clarence. “Paano naman ako makakasigurado na gagawin mo iyang sinasabi mo?” Tumayo siya at sinabi na “Sasabihin ko na ngayon kay Sir Rodriguez at kung gusto mo samahan mo pa ako para makasigurado ka, pero kapag hindi mo naubos yung pagkain anong kaya mong ipalit? Will you be my slave for the whole year or will you die for her sake?” hindi ko na alam ang gagawin ko gusto ko matulungan kahit minsan si Zara ayoko ng nahihirapan siya “Okay deal kapag hindi ko naubos lahat yan I’ll be your slave for a year. Let’s go to the guidance now” Ngumiti na naman siya ng nakakaloko he claps his hand “That’s my girl, that’s a very wise choice.” Papunta na kami ng guidance nang may bumangga kay Clarence “Sorry, sorry nagmamadali kasi ako pinapatawag kasi ako ng adviser ko sa English department.” Sabi ni Secret at nag lakad na ulit siya nang hindi pa siya nakakalayo ay nalaglag niya na naman ang librong hawak niya kahit kalian talaga napaka-clumsy talaga niya “Ano na may balak ka pa bang pumunta sa guidance ‘wag mong sayangin ang oras ko, bilisan mong kumilos’ sumunod na ako kay Rence. Pagkapasok naming namin ay agad kaming sinalubong ni sir Rodriguez “Oh, Clarence anong kailangan mo?” bungad niya “Sir Rodriguez I have a request” ngumiti siya. Nakakatakot talaga ang pag ngiti niya. “Ano, ang request mo? Hanggat kaya ko gawan ng paraan “Can you delete the report about sa nangyari kanina kay Miss Puablo at huwag mo na din ipatawag ang mga magulang niya.” Hindi mapakali si Sir Rodriguez “In exchange i’ll tell my father na mag donate pa para sa renovation ng school na ‘to.” Agad na kinuha ni Sir Rodriguez yung papers na nasa table niya. What a pathetic looser he is, hindi kapani-paniwala ang ginagawa niya how could he call himself a teacher kung ganun ang pinag-gagawa niya. He is the first teacher that I saw this pathetic, so unbelievable. Inabot ni Clarence yung papers sa akin “So, Krim let’s go down to our little business. Pagkababa namin ay dumiretso agad kami sa canteen so nakita ko sa isang lamesa na nakaayos na ang mga pagkain na binigay sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Wala naman akong nagawang kasalanan sa kanya, hindi naman siya ganito sa ibang estudyante. Gusto ko talagang malaman kaya naglakas loob akong magtanong sa kanya “Bago ako magsimula kumain Clarence gusto ko lang tanungin bakit ako ba ang pinag-iinitan mo palagi?” humarap siya sa akin “Hindi kita pinag-iinitan Krim you get me wrong, ikaw ang pinaka paborito kong kaklase and this? This is just part of our deal hindi naman kita pinilit. It’s your choice my dear.” He pats my head, and give me a smile that is hard to read na ngayon ko lang nakita sa kanya nakakatakot kasi kahit ngumiti siya parang wala siyang emosyon. “Krim start, mahuhuli tayo sa klase. I started to eat sana maubos ko ang lahat ng ‘to. An hour has already passed I was in my last lunch box. I was shock. What the hell is this. I saw a squid in that lunchbox “I can’t eat this Clarence may allergy ako sa squids. “Oh, sorry don’t worry just be my slave ‘wag mo ng kainin ‘yan” hinatak niya ako patayo. “Mas okay na mamatay ako kaysa maging slave mo, remember I almost died before dahil sa pinaggagawa mo.” I cried just remembering that experience. I don’t know kung siya talaga ang may gawa noon pero there is a part of me na siya ang may pakana ng lahat ng iyon. “Okay, madali lang naman akong kausap.” Umupo ulit siya sa tabi ko. Nang isusubo ko na dapat yung kutsara ay may humawak sa kamay ko “Lance?” hinagis niya yung kutsara “Akala ko ba tumigil na siya pang bu-bully sayo?” tanong niya sa akin. “Ikaw na hayop ka, babae ‘yang pinapatulan mo hindi ka ba nahihiya sa pinaggagawa mo?” hinahawakan ko yung kamay ni Lance “Tama, na Lance we just have a deal. Kasalanan ko ‘to this time.” Tumingin siya sa akin “Kakasabi mo lang sa kanya na may allergy ka sa squid. So, kung tao talaga siya marunong siyang makunsensya” pinipilit kong pakalmahin si Lance “But I’m not.” Nakakalokong sabi ni Clarence. “Make a choice, Krim.” Kinamay ko yung pagkain at agad kong sinubo pinipililit kong nguyain at ubusin ang lahat. “I will never change my mind hindi ako papayag na magpaka-alila sayo Clarence” at ilang saglit ay nahirapan akong huminga ang kati ng lalamunan ko. Patuloy lang ako sa pag ubo mamatay na ata ako. Umiikot na ang paningin ko hindi ko na kaya. Biglang nagdilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Falling Star
Novela JuvenilI met a guy who is a Star that came from heavee. He said he will be my guardian angel. Will he be able to do his duties? Will he be able to make my life better? Let's see and read together "FALLING STAR"