Pagdilat ng mga mata ko nasilaw ako sa liwanag na nakita ko at sa may nakita akong tao sa gilid ko. “Ice, ikaw ba yan?” pinipilit kong makita kung sino yun. Para talagang si Ice yung nakatayo sa gilid ko “Ice kung ikaw yan give me pat.” Hindi pa din siya kumikilos “Umayos ka naman Ice tinatakot mo ko.” Oh sh*t patay na ba ako? Namatay ba ako dahil sa allergy reaction. Oh no! “Sino ka ba? Namatay na ba ako? Nandito ka ba para kunin na ako?” Sunod-sunod ang tanong ko sa kanya pero hindi pa din siya kumikilos.
May naramdaman akong patak ng tubig sa kamay ko “Patay na ba talaga ako para umiyak ka at sino ka ba talaga?” nakakaba naman ‘tong tao na ‘to. “Ano bang pinag-gagawa mo sa buhay mo?” napatigil ako sa narinig ko. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig iyon. “Mahirap talaga na iwanan ka. Kailangan palaging may nagbabantay sayo. Akala ko magiging okay ka, pero akala ko lang pala. Paano ako mapapalagay kung palaging ganito sa mga desisyon mo. Think about yourself naman Krim” pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yun ay biglang nagliwanag ang paligid ko at narinig ko ang boses ni Mama “Doc, magiging okay naman po ang anak ko ‘di ba?” pagdilat ko nakita ko si mama at papa na kausap ang isang lalaki na naka white coat. “For now, okay naman po siya, but later we’re going to run some test para makasigurado kung okay na siya.” Umalis si Doc at lumapit sa akin sila mama “Okay ka na ba Krim? May masakit pa ba sayo? Bakit mo ba ginagawa ‘to? Alam mo naman na bawal sayo ang squid pero kinain mo pa rin. Ano bang nangyayari sayo? Please Krim tell me.” Tuloy-tuloy sa pagsasalita si mama at napansin ko na naluluha na siya. Nakakaiyak na makita si mama na ganito. Ito ang iniiwasan ko kaya ko tinago sa kanila ang pangbu-bully sa akin ni Clarence pero iyon pa rin ang naging dahillan kung bakit ko napaiyak si mama. “Ma, Sorry hindi ko po napansin na may nakahalo po na squid doon dahil maliit yung pagkahiwa” yinakap ako ni mama “Okay, pero anak please mag-ingat ka na naman ang daming nangyari sayo simula nang lumipat tayo dito you almost died twice ayoko na dumating tayo sa point na mawala ka na talaga. “Sorry po Ma” pumasok si Lance sa kwarto kasama si Zara “Mama Prim” nag bless si Lance kay Mama at sinundan din yun ni Zara “Lance buti nandito na kayo may bibilin lang kami ni Papa Jeric niyo sa baba kayo muna ang magbantay kay Krim” tumango si Lance at lumabas na sila mama at papa.“Krim hindi mo pa din ba sasabihin kay Mama ang tungkol kay Clarence? Eh yung pagsagasa niya sayo? Krim you’ve been sleeping for months sa ICU and still wala ka pa ding guts na sabihin sa kanila ang lahat ng ‘to” umupo ako “Lance we’re not sure kung siya talaga yun. Hindi naman niya ina---” he cut me out “Hindi inamin, Oh, come on Krim sino pa ba ang makakagawa ng lahat ng ‘yun at siya ang mismong nagatawag sayo na pumunta sa lugar na yun itatanggi mo pa din na hindi siya ang may gawa noon ng dahil lang sa hindi mo siya nakita sa ng personal” Hinawakan ni Lancce yung kamay ko. “I want to, but I shouldn’t Lance alam mo naman na nandito lahat ng pinagkakakitaan ng pamilya namin.” Gusto ko, gusto ko na talagang umalis pero hindi talaga pwede. “Krim, makinig ka na, pwede naman tayo mag rent mag sama-sama tayo” sabi ni Zara “But ayaw ni mama na mahiwalay ako sa kanila.” Biglang nagsalita si Lance “Kaya ang point doon kailangan na nila itong malaman. No, more excuses Krim.” Nakatitig sa akin si Lance desidido na talaga siya na sabihin kanila mama at papa ang lahat “Pero Lance alam naman natin na wala tayong ebidensya na siya talaga ‘yun and sa nangyari sa canteen it was my choice kaya hindi natin masasabi sa kanila ‘to at alam mo naman kapag nalapit ‘to sa school wala din naman mangyayari dahil sa papa ni Clarence.” Binitiwan ni Lance ang kamay ko at sinipa niya yung tsinelas ko. “Zara, pakalmahin mo naman siya” hindi ako makatayo kaya inutusan ko siya. Nang hinawakan ni Zara si Lance sa braso ay agad niyang inalis yung kamay ni Zara dahilan para mapatumba si Zara “Hoy! Lance hindi ka ba kakalma babae yan Lance. Tingnan mo naman yung pinaggagawa mo. Lumabas ka nga muna at bumalik ka na lang kapag ayos ka na.” Tinulungan niyang tumayo si Zara “Sorry” sabi niya at lumabas na siya. “Okay ka lang?” Tanong ko at tumango siya. Minsan talaga napaka hot headed ng lalaking yun e. Mabuti na lang kahit na mainit ang ulo niya nakikinig pa din siya sa akin.
Gusto ko na din lumipat pero iniisip ko pa lang kung anong mga pwedeng gawin ni Lance ay agad na nagbago ang desisyon ko. May kumatok sa pinto ko at pumasok yung Nurse. May inabot sya sa akin na plastic “Ano po ‘to?” tanong ko “Hindi ko din alam pinapaabot lang yan ng lalaki na nasa labas ng kwarto mo kanina pinapapasok ko siya kaso nagmamadali daw siya.” Pagbukas ko ng plastic ay bumungad sa akin ang gusto na gusto ko na manggang hinog at condense milk maliban sa mga magulang ko ay wala ng nakakaalam na hinahaluan ko ng condense yung mangga kahit sila Lance at Zara hindi nila alam yun. “Nurse, sinabi niya ba yung pangalan niya?” umiling si Nurse “Anong itsura niya nakita mo ba?” sino kaya iyon “Naka cap kasi siya kaya di ko nakita ang mukha niya masyado, pero matangkad siya.” Matangkad? Napatingin ako kay Zara sino naman kaya ‘yun? “Bakit Krim ano ba iyan?” Pinakita ko sa kanya yung plastic “O mangga pero bakit may condense sino naman ang kakain niyan sobrang tamis” tinignan ko ng masama si Zara “Ako, bakit may problema ka? Ang sarap kaya kapag natikman mo yan magugustuhan mo din.” Pagkatapos ni nurse sa ginawa niya ay lumabas na siya. Noong nilabas ko yung pagkain sa plastic may nakita akong papel na nakasulat na. “KK pagaling ka. -CC” KK sino yun nagkamali ba siya ng napagbigyan pero nasa tapat siya ng kwarto ko. Ay bahala na nga lang kasalanan naman niya kung mali yung napagbigyan niya. Binigyan ko si Zara pero nakakaisang subo palang siya ayaw niya daw sobrang tamis daw kasi.
Maya-maya pa ay dumating na ang magulang ko at may kasama silang lalaki na matangkad at maganda ay este gwapo pala may pagkaseryoso siya tingnan. “Krim!” at bigla niya akong yinakap. Okay sa tono ng pananalita para siyang na excite na bata kaya yung pagka seryoso niya, ay binabawi ko na. “Sino ka ba?” tanong ko at kumalas siya sa pagka-yakap sa akin “Krim, hindi mo na ako nakikilala? Mama Prim akala ko allergy lang meron siya bakit nagkaroon din siya ng amnesia?” pagkasabi niya noon ay tumingin siya sa side ni Zara “Zara!” Yinakap niya din si Zara “Na-miss ko kayong dalawa ng sobra” napatingin ako kanila mama at binigyan sila ng tingin na ‘who the heck is he?’ “Gian, nak matagal na ata masyado noong huli ka nilang nakita kaya hindi ka nila maalala.” Halata sa mukha niya ang pagkagulat “Hala, bakit niyo ako nakalimutan ako nga hindi ko kayo nakalimutan palagi ko kayong inaalala tapos ako hindi man lang niyo naalala yung pangalan ko. Classmate niyo ako noong elementary Gian, wala talaga?” Pinipilit kong alalahanin pero wala talaga. Kaya umiling-iling ako “Okay, I give up sa pagpasok niyo na lang sa school papakita ko yung albums natin” sa school din siya nag-aaral? Bakit di ko siya nakikita “Okay Okay.” At binigyan ko na lang siya ng ngiti. Kung ano-ano ang pinagkwe-kwento niya kahit hindi ko naalala lahat ay natatawa pa din ako dahil sa mga pinaggagawa namin dati kapag na imagine ko yung kinikwento niya ay hindi ako makapaniwala. Paano ba naman hindi ko matandaan na mahilig pala akong manghuli ng insekto dati at yung mga nahuhuli ko daw ay binabalot ko sa papel tapos nilalagay ko daw sa bag ng mga kaklase ko o kaya minsan daw inaabot ko pa daw ng personal. Meron pa noong hindi pa daw kami magkaibigan sinabi niya daw sa akin na gusto niya na maging magkaibigan kami pero ang sabi ko naman daw sa kanya “Kung gusto mo ako maging kaibigan kailangan matalo mo ako sa takbuhan.” Pumayag naman siya pero dahil sobrang bilis ko daw tumakbo ay nahirapan siya na habulin ako at hindi daw kami tumigil hanggang nahimatay na siya dahil sa pagod dahil daw nakonsensya daw ako kaya pumayag ako na maging kaibigan siya. Nakakaloka yung mga pinag kwe-kwento niya pero masaya dahil may mga nakaka alala ng mga bagay na hindi ko na matandaan. Nag paalam na siya “See you na lang sa school.” Nag-wave siya ng kamay at tuluyan ng umalis.

BINABASA MO ANG
Falling Star
Teen FictionI met a guy who is a Star that came from heavee. He said he will be my guardian angel. Will he be able to do his duties? Will he be able to make my life better? Let's see and read together "FALLING STAR"