NAPAKAGOD yan ang salitang iniisip ni Marielle ngayon. Kakatapos niya lang maglinis ng buong condo unit. Ang ginagawa niya na lang ngayon ay nag-hahanda ng lulutuin niya para sa amo niya.
Tutal nasabi ni Ma'am Lorei niya na mahilig 'to sa adobo 'yun na lang ang kanyang lulutin, hindi sa pagmamayanang masasabi ni Marielle na magaling siyang mag-luto dahil siguro nasanay na siyang mag-luto sa bahay nila dahil panganay siya at siya lang ang maaasahan sa bagay na 'to.
Naghiwa siya ng bawang, sibuyas, at yung karne na lulutuin niya. Kinuha na rim ang kawali at sinalang sa gas stove. Nakita niya 'to sa ilalim na sofa habang naglilinis siya ng sala kanina. 'Napakaburara ng may-ari nito.' Yun ang nasaisip niyan. Ng simulan niyang mag-luto at napaindak na lang siya sa saliw ng musika galing sa kanyang telepono. Tutal tapos na siyang maglinis mag-sa-sound trip na lang siya habang nagluluto. Habang tumutogtog ang kantang 'Best friend by Jason chan'
"Do you remember when I said I always be there lala~ lalal~ lala~." Kanta niya habang sinasabayan ang alam niya na lyrics. Hindi niya pa kabisado ang kanta kaya ganyan na lang ang lyrics kumbaga ni-re-remix niya lang.
"Now I realizes you are the only one hmm ~~." Kanta nito habang may hawak-hawak na sandok. Kung iba siguro ang makakakita dito magpagkakamalan siyang baliw.
Tumigil muna si Marielle sa pagkakanta, at tinikman ang luto niya. 'Hmmm...masarap na. Ayos na 'to.' Pinatay ni Marielle ang gas stove at nanguha siya ng Tupperware para 'dun niya ilagay ang niluto niya. Ayos na ang lasa ng niluluto niya tama lang ang alat at asim nito.
Tinignan niya muna ang condo unit. Nang kontento siya na siya sa linis nito, nilagay niya na ang adobong niluto niya sa ref nito na kapag kalaki-laki. At pagbukas niya tumambad ang maayos na ref. Sa buong condo unit ito lang yata ang masasabi niyang malinis.
'Hindi siguro masama kung pagsasabihan ko siya no?' Tanong niya sa kanyang isip. "Ay bahala na!" Nanguha siya ng papel at sinimulan ang pagsusulat dito.
Dear; Sir Lyon.
Ako nga po pala ang bago niyong tagalinis ng condo. Kung pwede lang po sana, pwede bang maging malinis naman po kayo sa condo niyo? At please lang po paki tago naman niyo po yung mga condom niyong nagkalat, hindi ko po alam kung anong gagawin ko sa mga 'yan. At nagluto din po ako ng adobo nan'dun po sa loob ng ref.
From: Meya.
"Ayan, ayos na yan." Sabi ni Marielle bago naisipan na idikit 'to sa ref.
Pinagmasdan muli ni Marielle ang buong condo bago maisipan na lumabas. Maghahapon na kasi at kailangan niya ng pumasok bilang waitress sa isang restaurant. Tutal malapit lamang ang condo na isipan niyang maglakad na lang, habang nasaloob pa siya ng Condominium. Masasabi mong yayamanin talaga ang mga nakatira dito. Sa entrada ng building makikita mo ang salamin na pinto, habang ang lobby naman ay gawa sa marmol ang sahig ang kisama naman ay masyadong mataas at ang kahoy na gamit para sa dingding ay masasabi mo rin ng mamahalin. Habang ang mga dingding naman ay may mga nakasabit na painting na gawa siguro ng mga sikat na pintor. At ang Chandelier na nasa gitna ng lobby ay sobrang laki at ang ibang bahagi ay gawa sa ginto. Pinagkagastusan talaga ang buong building na 'to.
Nang makarating siya sa labas ng Condominium. Ilang gusali lang ay maari niya ng makita ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Tatawid na sana siya sa kabilang kalye ng may nakasalubong siyang lalaki na binunggo ang kanang bahagi ng kanyang balikat. 'Di man lamang humingi ng paumanhin ang lalaki sa kanya. Walang modo. 'Sayang ka. Gwapo ka pa naman.' At muling naglakad papunta sa restaurant na pag-tatrabahuhan niya......
LYON is very mad. Nawala kasi ang camera niya at nan'dun lahat ng picture na siya mismo ang kumuha. Regalo pa man din sa kanya 'yun na Mama niya. 'Yun ang first camera niya sa buong buhay niya at pinapahalagaan niya talaga 'yun. I'm damn irritated.
Magkasalubong na magkasalubong ang kilay niya habang nakakunot ang noo nito. Nakayukom rin ang magkabilaang kamao na para bang handa ng manapak. Habang ang nakatangis bagang pa. Para 'tong lalaki na handang-handa ng manapak.
Habang nasa harap siya ng lobby ng condominium ay wala siyang kibo habang siya ay naglalakad. Ang mga bumati sa kanya ng empleyado ng building ay 'di niya rin mabati dahil iritang-irita siya. Hindi naman ga'nun ang ugali niya. Sanay ang mga empleyado ng building na bumabati 'to pabalik. Kaya naninibago sila.
Nang nasaloob siya ng elevator. Ay na pabuntong hininga na lang siya. Hindi na kunot ang noo niya ganyun ang mga kilay niya. Pero ang kamay niya ay natikom pa rin.
Mahalagang-mahalaga kay Lyon ang camera na 'yun. Pinaiingatan niya 'yun. Tapos sa isang iglap mawawala na lang bigla. Lyon sighted. Mukhang wala na talaga siyang magagawa. Eh hindi niya nga malaman kung saan niya nalagay ang camera niya. Nang tumunog ang Elevator ay siyang hudyat para lumabas na siya kaya 'yun nga ang ginawa niya.
Ni-press niya lang ang july 4-8-6-9, 'yun ang kanyang password ang kanyang birthday month. Pagpasok niya sa condo unit niya. Laking gulat niya na madatnan na malinis ang buong paligid.
Ang sofa niya na sobrang dumi ng iniwan niya ay naging malinis. Ang lababo niyang sobrang daming plato ang nakatambak ay sobrang linis na rin.
"Who the hell who did this?" Tanong niya sa kanyang sarili habang naglalakad papuntang kusina.
Nang makarating siya doon. Nakita niyang sobrang linis na rin nag stove top niya, ng pumunta siyang kwarto niya ay nakita niyang malinis din to.
"Aaaaaahh!" Pag pasok niya sa kwarto niya napatili na lang siya ng nakita niyang nasa ibabaw ng table niya ang kanyang nawawalang camera
"Oh my precious camera. I though you were gone." Sabi niya habang yakap-yakap ang nasabing camera. Kung sakaling nakikita mo siya sa lagay na 'yun pagkakalaman mo siyang baliw.....