CHAPTER 1

3.3K 74 3
                                    





"Marielle! Magbayad kana ng renta!" Sigaw ni aling baby sa labas ng inaakupa kong bahay.

"Aling baby wala ako rito tulog ako!" Sigaw ko. Ay jusko keaga-aga ng bubulabog na kaagad si aling baby.

"Niloloko mo ba ako Marielle?!" Sigaw niya sa akin.

"Hindi aling baby nagsasabi ako ng totoo wala ako rito tulog ako konsensiya ko lang ang kausap mo." Sabi ko.

Mababaliw ako kay manang baby ang aga-aga pa lang ng bubulabog na kaagad naniningil pa.

"Marielle lumabas ka nga dito." Sabi ni manang baby.

"Opo lalabas na." Sabi ko.

Juice me saan kaya ako kukuha ng pambayad ng bahay nato? Kakatangal ko lang sa trabaho marami pa akong babayaran.

Ang alam ko dalawa ng buwan na akong hindi nakakabayad sa kanya eh 4,500 isang buwan so 9,000 ang kailangan ko bayaran saan ko makukuha yung gantong pera ng madalian?

Pagbukas ko ng pinto mukha ni Aling baby na kaagad ang bumungad sa akin.

"Magandang umaga Aling baby hehe." Sabi ko.

"Walang maganda sa araw ko Marielle." Sabi niya.

"Wala ba? Eh bakit ang ganda ng mukha mo ngayon aling baby?" Sabi ko. Yuck (—¡¡—) pero kailangan ko tong gawin. Ghod patawarin niyo po ako kung nagsinungaling ako mukhang sampung dasal ang kailangan kong gawin ngayon ah.

"Wag mo akong bulahin Marielle." Sabi ni aling baby.

"Aling baby hindi ako mambobola talagang blooming ka lang ngayon, anong sekreto" sabi ko. Juice ko lord help me (T.T)

"Ah talaga ba Marielle? Blooming ba talaga ako ngayon?" Sabi ni aling baby.

"Oo aling baby! Blooming ka ngayon." Sabi ko. Okay konting kembot na lang to kaya ko to.

"Effective pala talaga yung mask ano?" Si aling baby.

Mask? anong mask? Nakamaskara si aling baby ngayon?

"Mask?" Tanong ko.

"Ano ka ba Marielle hindi mo alam yung mask? Yun yung nilalagay sa mukha yung kulay itim, tapos pagnilagay mo sa mukha mo matutuyo? Yung parang glue?" Paliwanag ni aling baby.

"Ah yun pala." Sabi ko with monkey(matching) tango tango pa.

"Oo uso ngayon yun ah, effective pala talaga yun noh?" Sabi niya habang hinihipo pa yung pisngi niya.

"Oo nga aling baby effective talaga, ang kinis ng face mo ngayon oh." Sabi ko at hinawakan ang mukha niyang magaspang woo~ kaya ko to. Fight for the gold.

"Oh ang kinis ng mukha mo aling baby, mas effective yan kung maglalagay ka ng kamatis sa mukha mo ngayon."

"Talaga? Totoo ba yan?"

"Oo manang baby totoo tong sinasabi ko, maglagay ka lang ng kamatis sa mukha mo tapos patagalin mo ng isang oras bago ka maghilamos for sure maskikinis pa lalo yung mukha mo." Sabi ko more convincing words sigurado mapapaniwala ko rin to.

"Oh paano mauna na ako Marielle gagawin ko yung sinabi mo para lalong kuminis ang mukha ko." Sabi niya at umalis na sa harap ng bahay ko.

"Yahoo!! Party! Pawer!! I win!!" Sigaw ko.

"MARIELLE MAY NATUTULOG WAG KANG MAINGAY!" sigaw ng kapitbahay ko.

"Sorry ate Lyn" sabi ko

Yehey hindi na ako magbabayad na upa, kailangan ko ng maghanap ng trabaho mamaya. Baka mapalayas ako ng disoras sa bahay ko ngayon.

Ano kaya ang pwede kong applyan ngayon? Kahit anong trabaho ay kaya kong gawin basta hindi masama, kailangan kailangan ko lang na trabaho talaga.

Maliligo na lang ako at pagkatapos ay maghahanap na kaagad ako ng trabaho...

- - - - - - - -

Maddy's note: hehehe sorry kung maikli, please support niyo to :<

Thanks for reading

VOTE AND COMMENT <3

Lyon SteeleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon