NAPABUNTONG-HININGA si Jun nang makitang nasa labas na naman si Kyla kausap ang security guard ng kanyang apartment. Sinabihan na niya ang guard na huwag sabihin sa babae na nandoon siya. Ngunit mukhang ayaw maniwala ng babae at ayaw pa ring umalis. Gusto pa naman niyang lumabas ngunit kailangan pa niyang maghintay na mawala ito.
Kadarating lang niya galing sa airport. Inihatid nilang magkakaibigan si Enrique dahil uuwi na ito ng Leyte. At wala pang minuto mula nang dumating siya ay naroon na naman ang babae.
Napailing siya at naupo sa kanyang sofa. Kyla was fine until she asked him to meet her parents. Was the woman out of her mind? Ipapakilala siya nito sa mga magulang nito? That was out of the picture. Never niyang sinabi rito na gusto niyang makilala ang mga magulang nito. From the very beginning ay alam na nito kung ano ang gusto niya.
Kinuha niya ang cell phone sa kanyang tabi. Kailangan na niyang umalis sa apartment niya dahil sigurado siyang hindi siya matatahimik doon sa pangungulit ng babae.
"Hello, Andy," aniya.
"Oh, bro, napatawag ka?"
"Gusto ko sanang magpatulong, bro. Gusto ko ng lumipat ng apartment," aniya. Alam niyang may alam ito dahil nagmamay-ari ang pamilya nito ng mga apartments at town houses sa Maynila.
"Naku, wala nang bakante sa mga apartment namin. Town house na lang bro, eh," anito.
Napaisip siya. Hindi naman masama ang town house para sa kanya. Kunsabagay ay magtatagal din naman siya sa Maynila. Ang importante ay makalipat na siya. And he would make sure that his privacy won't be at stake. Hindi na siya magdadala ng babae sa bagong paglilipatan niya.
"Okay na 'yan, bro. Iyan na lang."
"Bakit ka naman lilipat all of a sudden?" tanong ng kaibigan niya.
"Girls are bugging me here. Nakakainis na."
Natawa ito. "So I figured," anito. "So, kailan mo balak lumipat? Tingnan mo muna ang ngayon."
"Sige, bro."
"Puntahan mo na lang ako rito sa bahay ko, 'tapos sabay na tayong papunta ro'n," anito.
He agreed. Pagkatapos maibaba ang aparato ay agad siyang sumilip sa ibaba. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala na roon ang babae. Mabuti na lamang at naisipan na nitong umalis.
Matapos magbihis ay lumabas na siya ng kanyang apartment. Napatingin siya sa guard na mukhang may isinesenyas sa kanya. Nang makita niyang naroon pa pala sa labas si Kyla ay doon na niya naisip ang gustong iparating sa kanya ng gurad. Marahas na napabuntong-hininga siya. Mukhang mapapasubo na siya ng todo. Lumabas siya ng gate at nilapitan ang babae.
"Honey, mag-usap naman tayo, oh, please," anito nang makalapit siya.
"Please, Kyla, wala na tayong pag-uusapan. We're over."
"No, we're not!" matigas na wika nito. "Dahil lang doon sa sinabi kong gusto kang kausapin ng mga magulang ko, aayawan mo na 'ko? What a coward."
"Bahala ka na kung ano ang gusto mong sabihin, but to remind you, nilinaw ko sa 'yo from the very beginning kung ano ang mayroon tayo. I never told you that I would want to meet your parents; I thought everything between us was clear," aniya sa babae.
"You can't just dump me, Jun!"
"Says who?" napasuklay siya sa kanyang buhok. Naiinis na siya sa babae. Wala ba talaga itong ideya sa gusto niyang mangyari? "Please, leave me alone, Kyla."
Nilampasan na niya ito at nagtungo sa kotse niya. Nagulat siya nang hawakan ng babae ang braso niya.
"What?" nakakunot ang noong wika niya sa babae.
BINABASA MO ANG
The One That Got Away (Unedited) (Completed)
RomanceSa edad na sixteen, Toni was madly in love with Jun. Ngunit tutol ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya rito. Napagpasyahan ng mga itong pag-aralin siya sa ibang bansa. Nang malaman iyon ni Jun ay niyaya siya nitong magtanan sila. For mon...