Eight

6.1K 145 14
                                    

HINDI mapigilang haplusin ni Toni ang mukha ni Jun habang natutulog ito sa kanyang sofa. Tinupad nga nito ang sinabi nito na doon ito matutulog sa bahay niya. Naawa siya sa posisyon nito. Alam niyang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. Malaking lalaki ito at katamtaman lamang ang laki ng sofa niya.

Napangiti siya nang maalala ang ginawa nitong pag-aalaga sa kanya. Kaya naman ngayon ay mabuti na ang pakiramdam niya. Papasok na rin siya mamaya sa trabaho. Nakaluto na siya ng agahan para sa kanilang dalawa.

Sa ginawa nitong pag-aalaga sa kanya ay gumaan ang dibdib niya. Kahit naman nagalit ito sa kanya noong nagdaang gabi ay inalagaan pa rin siya nito sa pagkakasakit niya at hindi siya pinabayaan.

Napapitlag siya nang biglang kumilos ang binata mula sa pagkakahiga nito. Iminulat nito ang mga mata.

"Good morning," bati niya rito.

"'Morning. Bakit naka-work attire ka? Magaling ka na ba? 'Wag ka munang pumasok," anito.

Hindi niya mapigilan ang ngumiti. "Magaling na ako, Jun. Kaya ko ng pumunta sa trabaho. Nagluto na nga pala ako ng agahan, kumain na tayo."

"Sigurado ka?" tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Sigurado."

Nang dumulog na sila sa mesa ay sumalakay na naman ang alaala ng nakaraan nila. Noong sabay silang kumakain ng binata. Katulad ng sitwasyon nila nang umagang iyon.

"Toni..."

Napatingin siya sa binata.

"Sigurado ka bang maayos ka na?"

"Oo naman, don't worry. I am really fine," sagot niya sa binata.

Magana na nilang ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos nila ay sinabi sa kanya ng binata na ihahatid siya nito sa trabaho.

Pumayag naman siya. Nagpaalam na muna itong magbibihis. Magaan ang pakiramdam na isinarado niya ang pintuan ng kanyang bahay. Ang bilis ng mga nangyari, pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay blessing in disguise naman iyon. Nalaman niya na galit pa rin sa kanya si Jun, marahil ay hindi na ganoon katindi ngunit alam niyang nasa puso pa rin nito ang galit.

It was fine with her. Bukal sa loob niya na intindihin ang lalaki. Kasalanan din naman niya.

Or you're just starting to be a great martyr.

Napailing siya sa naisip. Hindi naman siguro pagiging martyr ang ginagawa niya. Nasa tamang lugar naman iyon. Ang intindihin ang lalaking mahal niya.

"Let's go."

Hindi niya namalayan na nakalabas na at tapos na pala ang binata sa pagbibihis. Hindi niya maiwasang humanga rito. Kahit hindi pa ito naliligo ay ang guwapo pa rin nitong tingnan. Ang bango-bango pa rin nitong pagmasdan.

Crazy. Kantiyaw niya sa sarili bago pumasok sa loob ng kotse nito.

MAHIGPIT na tinakpan ni Toni ang kanyang dalawang teynga ng gamit ang mga palad dahil sa lakas ng kulog nang gabing iyon. Malakas na malakas pa ang ulan at nawala ang kuryente.

Ang tanging ilaw na gamit niya ay ang kanyang nag-iisang emergency light. Maliwanag naman ang sinag niyon. Nandoon siya sa kanyang sala at nakahalukipkip habang panay ang takip niya sa kanyang teynga. Takot siya sa kulog at kidlat lalo na kung may kasamang ulan.

Ang takot na iyon ay hindi pa nawawala kahit ngayong beinte kuwatro na siya. Naiiyak na siya, gusto niyang lumabas at pumunta sa bahay ni Aya ngunit ang lakas ng ulan sa labas. Natatakot din siya dahil sa lakas ng kidlat.

The One That Got Away  (Unedited) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon