Five

5.7K 119 10
                                    

"WHAT? Kapitbahay mo si Jun? Si Jun? Si Jun as in si Jun na super love mo?"

"Ano ka ba, Aya. Hinaan mo nga ang boses mo," saway niya sa kaibigan.

"Eh, haler, shocking naman kasi 'yang sinasabi mo. Nandito na pala siya Pilipinas?"

Nagkibit siya ng balikat. "Matagal na siguro siyang nandito sa Pilipinas."

Napabuntong-hininga siya. Kanina lang ay parang nananaginip siya. Nagkita sila ni Jun at inhatid pa siya nito. She had been dreaming to be with him once again. Ngunit hindi katulad noon, nararamdaman niyang nag-iba na ng tuluyan ang lalaki. Mukhang wala na rito ang nangyari sa kanila. Wala na ang Jun na kilala niya dati na kapag tinitingnan siya ay makikita niya ang pagmamahal nito sa kanya.

Sinaway niya ang sarili. Ano naman ang gusto niya? Na magpakita pa ng pagmamahal sa kanya ang lalaki? Imposible na iyong mangyari. At hindi na iyon kailanman pa mangyayari. Dapat ay tigilan na niya ang pag-iisip ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraan nila ni Jun. Marahil ay gusto lang nitong makipagkaibigan sa kanya bilang magkapitbahay na sila ngayon.

"Toni?"

Napatingin siya sa kaibigan.

"May balak ka bang durugin iyang spaghetti, ha?" anito sa kanya.

Napangiwi siya nang makitang kanina pa pala niya tinutusok ng tinidor iyon. Nawawala na siya sa kanyang isip.

"Love mo pa rin, 'no?"

"Aya..."

"Sus, alam ko naman, eh. Kalimutan mo na kasi, ano ka ba."

"Bigyan mo kaya 'ko ng time, 'wag kang atat," sagot niya.

"Diyos ko, para namang noong isang buwan lang iyong nangyari para sabihin mo na bigyan kita ng time, eh, almost seven years na, teh," anito.

Napayuko siya. "I mean, hindi naman iyon ganoon kadali, Aya. Iyong totally mawala na siya sa sistema ko, lalo na ngayon na magkalapit lang kami ng bahay."

"Gusto mo, doon ka na lang sa bahay ko?"

Umiling siya. "'Wag na, at saka, paano ko naman siya makakalimutan kung iiwas lang ako, 'di ba."

Napatango ito. "O, sige, ikaw ang bahala."

Matapos silang kumain ay bumalik na sila sa trabaho. Ngunit sadya yata talagang nananadya ang isip niya dahil hindi pa rin mawaglit si Jun doon. Ang guwapo nitong mukha, ang lahat ng na-missed niya rito.

Kung buhay lang siguro ang anak nila ay manang-mana ito sa lalaki. She sighed. Nag-iba na ito. Nasaktan siya ng labis kanina nang sabihin nito na wala na rito ang nangyari sa kanila at hindi na nga nito lubusang maalala pa iyon.

Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay tinadyakan yata ang puso niya. Ang sakit marinig mula rito.

Sa tuwing tinatanong siya nito ay mukhang wala na talaga itong naaalala. Nang kinumusta siya nito kanina ay parang nagtatanong lang ito mula sa isang kaibigan na matagal nitong hindi nakita.

Samantalang siya ay halos maglundag ang puso nang makita ito. Hindi pa nga niya mapigilan ang isip na balikan ang nakaraan nila. The urge to touch his face, just like before. Nangungulila siya rito, noong mga panahon na malaya siyang nahahawakan ang mga kamay nito, halikan ang mga labi nito at yakapin ito. But now, it was different. Hindi na niya maabot ang lalaki. Mukhang napakalayo na nito sa kanya.

Hanggang sa matapos ang kanilang banking hours ay ang lalaki pa rin ang nasa isip niya. Pasado alas kuwatro nang makauwi siya sa kanyang bahay. Sumikdo ang puso niya nang makitang nasa garahe ng bahay ni Jun ang kotse nito. Mukhang nandoon ang lalaki. Nagmamadaling pumasok siya sa bahay niya. Matapos magbihis ay naupo siya sa kanyang sofa. Napaka-awkward ng sitwasyon na nasa tapat lang ng bahay niya ang lalaki.

The One That Got Away  (Unedited) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon