Meeting Dorina Roxas (Ch1)

308 6 1
                                    

*kriiiing kriiiing kriiiing*

Mulat ng mata. Stretch stretch ng kamay. Oh shet!! Late na ako!!!!

Hindi ko na natupi hinigaan ko dahil 15 mins na lang late na ako. Dali-dali akong nagpunta sa cr at naligo. Omg 3mins lang ata e tapos na ko. Haha adrenaline rush na ba.

"Uy bebe kain ka muna! Gutumin ka sa school mamaya. Halika dito."

Tatay ko nga pala. Bebe tawag nya sakin. Minsan awkward pero keri lang. Haha pero love ko yan! Sino bang anak ang di love ang tatay diba?

"Di na muna deh. Late na ko e. Si mommy umalis na?"

"Ay oo kanina pa. Kelangan daw dapat maaga e. First day of school pa naman."

"Oo nga deh e! Nakakahiya first day na first day e late ako. Pwede mo ba ako ihatid? Baka walang trike sa labas deh e. Hihi please?" Pagpapacute ko kay daddy. Haha sana magwork. Lol

"Wala ba jan sa labas? Osige na nga para di ka malate. Kung gusto mo araw araw na kita ihatid. Kayo ni mommy mo. Habang andito pa ko."

Ofw kasi ang tatay ko. Engineer sya abroad. Gustohin ko man makasama sya araw-araw e hindi pwede. Kaya sa inyo na kasama lagi ang tatay nyo, pakabait kayo ha. Wag pasaway :)

"Yay! Thanks deh. Libre pamasahe ko nito!"

"O tara na. Dalhin mo na tong sandwich para may kinakain ka sa sasakyan. Sa susunod kase, wag magpuyat! Tignan mo yang eyebags mo bebe oh. Hahaha."

Pangiinis ng tatay ko. Wow ha? Anak ba talaga ako nito? Haha.

"Sorry po. Napuyat kakatwitter e. Haha!"

Sabay sarado ko ng pinto ng sasakyan. At pumasok na din si daddy at pinaandar ang kotse.

"Hay nako. Yan na nga ba sinasabi ko e. Masama nadudulot ng wifi na yan. Kunin ko na ata yan e. O kaya papalitan ko password araw-araw." Pagbibiro nya.

"Grabe ka naman deh! Kung may crush ka din online, maiintindihan mo ako."

Napasmile tuloy ako kasi naalala ko si Dorina nung katweet ko sya. Kilegs!

"At sino naman pinagkakaabalahan mo dun ha? Baka mamaya hard to reach yan. Wag mo na pag-aksayahan ng panahon."

Real talk ni daddy. Ang hard naman nun. Sa bagay, si Dorina Roxas? Magkakagusto sakin? Mejo parang imposible nga. Ah basta, inspirasyon ko sya sa lahat ng bagay! Hihi.

"Deh naman. Imbes na pakiligin ako e dinodown mo ko. Hmmp. Jan na lang ako sa gate deh." Pagkukunwari kong tampo. Haha.

"Totoo yun. Baka mas masakit pag umasa ka bebe e. Osya, ingat ka sa school ha. Love you!" Sabay kiss nya sa noo ko.

"Babye!" Sweet ba kami ng tatay ko? Haha. Lagi ko kaya yan miss. Lalo na pag wala sya.

So, naglalakad na ko papasok ng gate. Well di pa pala ako late. Yehey! Ang dami pa kasing estudyanteng pakalat kalat e. Text ko muna nga best friend ko. Sabi ko hintayin nya ko sa gate e.

San na ba yun? Palingon lingon tuloy ako na parang naliligaw.

"Gracie!" Sabay palo sa balikat ko. Pakshet sino ba tong kupal na t-- Omg.

"Mm! Kaw pala. Uy long time no see! Sino kasama mo?" Kaibigan ko yang si Mm. Em-em ang pagkapronounce. Hehe. Tboom pala sya. Pero di halata kase gwapo sya at lalaking lalaki ang tikas.

Actually matagal ko ng kaibigan. At may lihim na pagtingin sakin. Haha! Pero di nya alam na alam kong gusto nya ko. Kanino ko nalaman? Syempre kay Alice. Ang baliw kong best friend na updated lagi sa mga chismis. Haha pero love na love ko yun.

"Nakikita mo nga na wala akong kasama tapos tatanungin mo ko kung sino kasama ko? Ikaw ha, may third eye ka ba?" Pagjojoke ni Mm.

"Hay nako. Umagang umaga e binabara mo ako. Tulungan mo na lang kaya akong hanapin si Alice no? Kanina ko pa hinahanap e. Tinetext ko hindi naman nagrereply." Sabay check ko sa phone ko.

"Hehe. Joke lang. Kaw naman di mabiro. Nagtext sya kagabi sabi nya 8 daw sya papasok." Pagexplain nya.

"Ha? 7am pa lang ah? Kala ko ba dapat maaga mga students ngayon? Hay nako yang Alice na yan ha. Tinamad na naman ba. Haha." Biro ko.

"E 9am pa lang kaya dapat! Freshmen orientation pa lang kaya ngayon. Duhhh." Pangiinis nya. Ang sweet nya no? Kaya di ko nahahalata na may gusto yan saken e. Lagi akong inaaway nyan.

"Seryoso? Bakit di ko nabalitaan? Sayang naman edi sana may isang oras pa kong tulog. Napuyat kaya ako." Napayawn tuloy ako sa antok.

"Ano? Nagtwitter ka na naman? At inabangan si Diowbreezy? A-ayie ikaw ha. Push mo yan!" Pangaasar nya.

"Makikilala rin ako ni Dorina no. Pag close na kami, who u ka sakin! Kala mo." Sabay belat ko sa kanya.

"Oh ayan na pala si Alice e! Puntahan natin! Papasok pa lang sya sa gate." Pagyaya nya. At sya rin namang pagsunod ko.

"Hoy! Namiss ko tong haliparot na to!" Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya.

-------------------

To be continued :)

Meeting Dorina RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon