MDR Chapter 2

165 3 0
                                    

Eto na kami kasama ang bff kong si Alice.

"Kainis! Akala ko 8:30 na e!! 7:30 pa lang pala. Naisahan ako dun ng nanay ko ah. Badtrip." Pagkabv ni Alice.

"Pero namiss kita best!!! Tagal natin di naaglibot nung summer. Busy tayong lahat dahil freshman pa lang nyan sa college. Haha. Oh kamusta naman? Anjan ka pala Mm! Kaw ha. Ano, damoves damoves din pag may time?" Pangaasar nya kay Mm. Um teka awkward.

"Uh-uhm, hinde ah! Damoves ka jan. Baka nga yang si Gracie ang dumadamoves sakin e!" Pagkakaila nya.

"At napasa pa sakin ngayon ha? Ayos kayo ha. Tara na nga, punta na tayo sa gymnasium para may upuan na tayo."

Sabay hampas ko kay Mm. Haha. Naawkward ako e. Nga pala, greysi ang pagpronounce sa name ko ah. Paglilinaw ko lang. Hehe.

Nag-aaral pala kami dito sa Waetford University. Medical technology ang course naming tatlo. Napag-usapan? Hindi. Kanya-kanyang rason.

Ako, gusto ng parents ko na itake ang Medtech. Accounting gusto ko sana e. Pero no choice. Buti na lang kasama ko mga kaibigan ko.

Sina Mm at Alice naman. Pareho nilang trip ang medtech. Kaya kung sakaling magaccounting ako, mahihiwalay ako sa kanila. Mejo may magandang epekto naman ang pagkuha ko ng medtech. Haha!

"Uy dun tayo oh! Bandang harap." Pagturo ni Alice. At sya namang sunod namin ni Mm.

Ganito pala itsura dito. Ang laki ng campus grabe. Ok ako na silo. Haha. Teka, totoo ba tong nakikita ko? May poster na may picture si Dorina myloves! Makalapit nga! Sabay takbo ko palapit sa poster.

"Shet ka! May event sina Dorina dito sa school naten!" Napalo ko pa tuloy si Mm sa sobrang excited ko. At sya namang ikinagulat nya.

"Makapalo naman ito! Sakit ha. Oh sino naman yang mga kasama nya sa poster? Na pupunta din dito?" Tanong ni Mm.

Binasa ko muna yung details sa poster. "Shet!!! KhenDoMmCon daw!!!!! Tsaka Apan Agra, Clar Frias, Epey Herher, Nicky Song, Sky Teotico at Kim Andaya! Teka, sino yung mga yun. Si Dorina lang kilala ko e." Pagtataka ko.

"Ano ka ba best! Si Nicky Song hindi mo kilala? Crush ko yun e! OMG. Punta tayo best please. Ikaw Mm sama ka?" Pagbaling nya kay Mm.

"Ah eh, hindi na. Di ko naman kilala yang mga yan e. Tsaka baka mainsecure lang ako sa mga gwapong yan." Sabay tingin nya sa floor. Emote ang peg!

"KhenDoMmCon? Yung ba yung grupo ni Dorina? Uy Mm kapangalan mo yung pangatlo oh! Ge na, sama ka na. Para malaman mo kung sino yung Mm na yun at kung sino mas pogi sa inyong dalawa. Haha!" Pagpilit ko sa kanya.

"Ayoko talaga e. Sayang sa pera at oras lang yan." Pagseryoso nya. Ano ba yan, so kami lang ni Alice ang pupunta. Di bale, at least may kasama ako diba.

"Wait lang, kelan ba yan? Tsaka magkano ticket?" Tanong ni Alice.

Binasa ko yung sa baba ng poster. "June 14, 200php yung admission fee. Next week na best! Ano game ka ba?" Tanong ko kay Alice.

"Oo naman best! G na g ako jan. Makikita ko na at last si bebe Nicky ko!!! Kilegs." Tong haliparot na to. Haha, kala mo ako hindi eno? Lol.

"All freshman students, please proceed to the School Gymnasium immediately." Pag-announce ng isang teacher sa stage.

"Tara dun na tayo! Meron pa bandang harap oh." Pagyaya ni Mm. At sumjnod na kami Ni Alice.

"Announcement to all students, this Freshmen Orientation will be finished by 12pm. Thank you." Isa pang announcement nung teacher.

Meeting Dorina RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon