MDR Chapter 6

84 3 0
                                    

Comment kayo pls ;(

-------------

Omg. Darating ba talaga si Dorina? At makakasama namin sya mamaya? Is it real? Is it real? Chos. Baka mamatay ako mamaya ah! I will compose myself first. Hahaha.

"Hoy! Alam mo, mukha kang timang kakangiti jan. Lalo na wala kang kasama oh." Panggugulat ni Alice.

"Ay shet ka! Tae ka naman. Panira ka ng moment e! Nagdeday dream ako dito e." Sabay snob ko sa kanya. Kainis. Yun na yun e.

"Staff din ba yung mga nag-aayos na yun bandang stage?" Pag-iiba nya ng topic.

"Malamang! Pwede bang faculty ang tumulong para sa event?" Ok. Ang taray ko ata. Haha. Nasira kasi moment ko.

"Asar to! Ang ayos ng tanong ko e!" Ang sweet ba namin? Hehe. Sorry na.

"Umayos ka mamaya best ah. Kasama ko na kanina si Khen e. Nag-cr lang. Wag mo kong ilalaglag kay Dorina! Mamaya mapahiya lang ako." Sabay simangot ko. Mahirap na. Ang daldal kaya nitong best friend ko.

"Oo na po! Tayo lang tatlo magbebenta?" Tanong nya.

"May nakikita ka pa bang iba? Syempre tayo lang. Hehe dejoke. Kasama natin si Dorina magbebenta ng tickets! Kinakabahan na nga ako e." Sabay bilang ko ng tickets.

"Omg. Seryoso?! It's your time to shine! Hoy, kung ako sayo sulitin mo na ha. Baka naman mamaya e, speechless ka pag anjan na sya?" Paghinala ni Alice.

"Duh?! Sino ba hindi masispeechless sa kagwapuhan ni Dorina diba? Omygad. This is the time of my life." Wahaha. Pero, kinakabahan talaga ako e.

"Oh, anjan na pala kaibigan mo e. Ikaw na ba si Alice?" Baling nya sa bespren ko.

"Ah eh, oo ako nga. Hello!" Sabay lahad nya ng kamay kay Khen. Harot agad?

"Hi!" At nagshake hands sila.

"So uh, text ko na ba si manong guard at papasukin na yung mga bibili ng ticket?" Pag-iiba ko ng topic.

"Ah oo, mabuti pa. Para maaga tayo matapos." Suggestion ni Khen. At tinext ko naman agad.

Grabehan lang. Andami agad nakapila! Bale, tatlong lines. Tig-iisa kami nina Khen at Alice. Teka, parang maaubos tong mga pinrint naming tickets ah?

Wait lang. Bakit kinikilig tong mga nakapila na to? Kaninang si Khen ang nandito e, hanggang normal na ngiti lang. Anyare? May padating ba na artista?

"Par! Kanina pa kayo nagbebenta? Sorry nalate ako." May narinig akong nagsalita mula sa likuran namin. Sino naman tong epal na to? Kita ng ang busy namin e, makikipagchikahan pa?

Lumingon nga ako at sinabing, "Ah eh, mawalang galang na po. Busy kami at kung pwede po, mamaya na ang makipagchika---" Hindi ko na natuloy ang sinabi ko.

Parang hindi to normal na tao ah? Shit.

Si Dorina!!! Di ko na namalayan ang oras sa sobrang busy namin. Dumating na pala sya! 10 times na mas pogi sya sa personal!!!!

Halata ang pagkagulat nya sa sinabi ko. Omg. Wrong move. Pero agad ko naman binawi.

"Ay s-sorry po. Kala ko ibang tao e." Sabay tingin ko sa baba. Shet. Pwede bang kainin na ko ng lupa? As in now na? Nakakahiya!

"Ah, okay lang. Baka nagulat lang talaga kita kasi bigla akong naginterrupt." At nagfake sya ng smile. Shit. Bakit ang pogi pa rin?

Omg. Mamaya naturn off na to sakin ah? Hindi pwede!!!

"Oh par, jan ka na pala. Ang dami ngang tao e. Dito ka na sa tabi ko. Ito yung mga tickets oh." Sabay bigay nya kay Do ng mga tickets.

Bale, magkatabi kami. AWKWARD. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Shems. Pero di naman kami ganun kalapit sa isa't isa. Parang, one seat apart. Ganon.

Teka, ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Chos. Pero kinakabahan talaga ako na natatakot!

"Huy. Anyare? Hindi ka nga speechless kay Dorina, tinarayan mo naman. Best, ikaw ba yan? Tinataboy na si Dorina your-love-so-sweet?" Bulong ni Alice sakin.

"Tsk. Ewan ko nga e. Nahighblood kasi ako. Ang init na nga, ang dami pang bumibili. Tapos may sasabat? Di ba nakakabilabog naman talaga yun?" Pag-explain ko ng mahina. Baka marinig ni crush e.

Kainis ha. Ang dami na agad nagpapapicture. Selos ako! Kami wala pang picture!!!

"Bahala ka na jan. Ayusin mo yan ah. Ikaw din." Payo sakin ni Alice. Oo na. Ako na nagkamali.

Tahimik lang kaming nagbebenta. Ang ingay kasi ng mga bumibili e. Super kilig nila. Pero nakakatelate ako sa kanila. Ganyan din ako pag nakita crush ko e. Haha!

"Oh par, galing kang mandaluyong nyan? Bago ka pumunta dito?" Sabi ni Khen kay Do.

"Oo par, tinuruan ko si Mm e. Yung pinractice natin na di pa nya alam." Sagot naman ni Do. Ang chismosa ko na ba? Nakikinig ng usapan ng may usapan?

Teka, Mm daw? Ay oo nga pala. Kapangalan ni Mm yung kagrupo nila. Ang shunga ko.

"Uy Mm daw. Di kaya si Mm na friend natin yun? Haha." Nakikinig din pala tong bespren ko e.

"Ano ka ba, syempre hindi no. Di naman nya kalevel yang sina Dorina. Although kalevel nya sa kagwapuhan. Hehe." Explain ko.

"Kalevel sa kagwapuhan? Oh eh bakit hindi mo pa sagutin? Joke!" Agad-bawi naman ni Alice.

"Aba't! Sagot agad? Di pa sya nanliligaw te. Pero, may Dorina na ko e." Napangiti tuloy ako nung sinabi ko yung pangalan nya. Kiligs!

"Ano yun?" Biglang tanong ni Dorina. Oh-emz. Ako ba kinakausap nya?

"Um, ha? Ako po ba kinakausap nyo?" E di nga ako sure e.

"Ah oo. Narinig ko kasi pangalan ko e. Tinawag mo ba ko?" Tanong nya. What the? Narinig nya??! Kill me now!

"Aaaaah, hehe. Opo. Sabi ko sa kaibigan ko, katabi kita. Si Dorina. Hehe." Palusot pa po. Urgh.

"Ahh. Wag ka na mag-po. Staff ka ba dito?" Sabay ngiti nya sakin. Ano ba yan crush! Wag ka ngumiti ng ganyan! Namamatay na ko!!!

"Uhm, opo. Ay, oo pala. This week lang po ko naging staff." At tinignan ko lang yung mga tickets. Juice colored, sana hindi ako nagbublush!!!

"Ah. Hindi ka naman pulang-pula na jan no, miss taray? Haha." Sabay tawa nya ng mahina. Fak! Hihimatayin na ata ako dito sa sobrang kilig! Kaazar!!!

"H-ha? Pulang-pula? Uhm, hindi ah. Ang init po kasi e-eh." Utal ko.

"Tsaka miss taray? Hindi po ko mataray no." Pag-explain ko. Omg! Nahalata nyang nagbublush ako! Pakamatay na. Nakakahiya urgh.

"Ang taray mo kaya kanina. Ano ba name mo? Para di na kita tawaging miss taray?" Shet. Yoko na. Gusto ko na ilabas tong pagkakilig ko. Tinanong nya name ko!!! Enebe!

"G-gracie name ko. Super fan mo po kaya ako. Hehe." Explain pa, Gracie. Push mo yan.

"Ah. Gracie pala e. Hindi ka naman pala mataray." Ngumiti ulit sya. Yung ngiti na, halos hindi na makita mga mata nya. Oh chinito!!!

Di na ko nakapagsalita. Di ko na kinaya e. Huhu.

"Hay nako. Yun oh. Haba ng hair mo te." Inis ni Alice sakin. Tss. Pero kilig. Hahaha.

"Oo nga pala Gracie, may house party daw mamaya kina ate Janice. Ayaw mo sumama?" Omg. Si Dorina? Niyaya ako sa isang house party?!

Kumalma ka, Gracie. Hinga ng malalim. At wag ka mag-assume!

-----------

To be continued. Hehe.

Nabitin ba kayo mga bebe? Tuloy ko mamaya. Love ko mga nagbabasa e! :)

Meeting Dorina RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon