MDR Chapter 4

144 3 0
                                    

Gracie's POV

Good morning! Ang ganda ng gising ko ngayon. E kasi naman diba pinansin ako ni Do sa twitter kahapon. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako. Enebe. Hahaha.

Binuksan ko muna phone ko para tignan kung may nagtext. 3 messages. Sino kaya mga nagtext?

Fr: Alice Espinosa

Hoy best! Tinext ako nung event organizer sa Waetford. Si ate Janice. Naghahanap ng pwedeng tumulong para sa June 14. Yung event nina Dorina! Ewan ko nga bat ako tinext e. Baka event irganizer din ako sa school natin dati? Haha. Oh ano, bet mo sumali?

So, ang haba ng text nya ha. Haha. Wait, member? Staff?! Whatever??! Ibig sabihin ba nun iaassist namin sila sa araw na yun? Omygad. Bet na bet ko yan!

Agad ko nireplyan si Alice.

To: Alice Espinosa

Totoo????! Syempre bet ko yan! Text mo agad si ate Janice dali! Sabihin mo gusto natin maging staff!

Sent.

Mukha ba kong masayang-masaya sa text ko? Haha sorry naman. Naiimagine ko na e. Magkausap kami. Omg!!!!!!!

Yung isang nagtext, tm. Wala e, buhay single e. Hahaha. At yung isang nagtext, si Mm.

Fr: Mm Madrigal

Good morning, Gracie. Haha kain ka na. :)

Ahm okay, makautos to ah? Ayos rin tong si Mm ah. Haha. Kakapanibago naman. Di naman sya nagtetext ng ganyan dati. Magtetext lang yan pag may kelangan.

To: Mm Madrigal

Anong nakain mo?

Sent.

Ang taray ko ba? E nanibago nga ako e. Haha.

Nagugutom na ko. Makababa na nga. Sarap talaga sa feeling pag wala pang pasok. Haha. May 29 pa lang naman e. May apat na araw pa ko para magliwaliw.

"Good morning bebe! Kain ka na." Pagyaya ni dad saken.

"Wow fried rice na may star margarine at ham! Hehe. Kaw ba nagluto deh?" Tuwang-tuwa kong tanong.

"Oo naman. Sino pa ba ibang marunong magluto nyan dito? Haha." Pagmamayabang nya.

"Yun oh. Ang dali lang kaya iluto nyan. Pero ikaw lang yung nakakakuha ng masarap na ganyan." Paglalambing ko. Hehe. Minsan lang ako maglambing no. Lalo na pag masaya ako. Haha!

"Oh Justin. Gising ka na din pala. Kain ka na. Sabay ka na sa kapatid mo." Yaya nya kay kuya.

Yep. May kuya ako. Dalawa lang kaming magkapatid. Pero masaya na ko syempre lahat ng may kuya, maswerte diba.

"Wala si mama?" Tanong nya sakin.

"Nakikita mo ba na nandito sya?" Pang-asar ko.

"Okay!!!" Singhal nya sakin. Shet nagalit?

"Uy uy, wag ganyan umagang-umaga e." Pag-awat samin ni papa.

"Joke lang! To naman, nakasinghal ang aga-aga pa e. Bakit, di ka pa sinagot ni Alice no?" Pang-aasar ko na naman sa kanya.

Wahaha. Yep, may gusto yan sa best friend ko. Nililigawan nya since 4th year kami. Di pa din sinasagot. Haha. Di nya matalbugan si Nicky e. Lol.

"Pwede ba? Umayos ka naman kahit ngayon lang?" Omg. Bad vibes ata sya ngayon. No time for jokes.

"Joke lang. Napano ka ba kuya Jus? Ayos ka lang?" Pag-aalala ko.

"Halata ba?" Sabay subo nya sa pagkain nya. Woops, sorry naman. Makaakyat na nga ulit sa kwarto.

"Deh, kaw na lang kumausap jan. Good luck!" At saka na ko tumakbo paakyat.

Bakit kasi ako lang ang masaya today? Miss ko na si mommy. Kainis. Ang aga nya umaalis pag umaga, super late naman nya umalis. Kaya si dad at kuya lang lagi kong kasama dito sa bahay.

Pagkacheck ko sa phone ko, si Mm nagtext.

Fr: Mm Madrigal

Grabe ka naman. Para good morning lang e? Ang taray mo ata ngayon?

Haha. Umepekto pagtataray ko no. Pero joke lang yun syempre. Tinitignan ko lang reaction nya.

To: Mm Madrigal

Joke lang, to naman. Musta?

Sent.

1 message received.

Fr: Alice Espinosa

Best! Punta daw tayo ngayon sa Waetford para tayo na daw magcontact sa mga mag-aayos ng speakers at iba pang kelangan. Ano, sunduin kita o sunduin mo ko dito sa bahay?

Omg. Nafefeel ko na vibes ni Dorina. Haha. Ano daw. Sorry kung masyado akong excited. Haha.

To: Alice Espinosa

Sige tara! Sunduin mo na lang ako best. Di pa ko naligo e. Tambay ka na muna sa kwarto ko. Oks lang ba?

Sent.

Ang tamad ko talaga forevs. Pero para kay Dorina, maliligo na ko now na!

Fr: Alice Espinosa

Sunduin na lang kita? Wait lang, anjan ba si Justin? Nakakahiya naman.

To: Alice Espinosa

Hay nako. Kelan ka pa nahiya best? Don't worry nagkukulong sya sa kwarto nya. Punta ka na ha? Ingat. Mwa!

Tapos naligo na ko. Inspired ba? Haha.

*ding dong*

May nagdoor bell na. Baka si Alice na yun. Si dad na lang magbubukas. Sumilip ako sa pintuan ng kwarto ko at sinabing, "Deh kung si Alice yan paakyatin nyo na lang dito sa kwarto ko ha!"

Hehe. Alam na nila yun.

"Hoy. Loko ka best. Akala ko bang nagkulong sa kwarto si Justin? E bakit sya nagbukas ng gate nyo? Ang awkward kanina!" Awkward daw e, tignan mo to. Pulang pula sa kakablush.

"Ay. Sorry hehe. Kala ko si daddy magbubukas e." Sabay peace sign ko.

"Napano ba kayo ng kuya ko?" Pagkaintriga ko.

"Wala naman. Sabi ko wag na sya manligaw." Sabay tingin nya sa baba. Omg, nabasted kuya ko? Hahaha! Ay sorry.

"Totoo? Grabe ka. Haha. Pero okay lang yan. Move on na lang sya pag may time." Pagpapagaan ko ng loob nya.

"Ayoko lang sya paasahin e. Mas kawawa sya pag pinatagal ko pa diba?" Tanong nya.

"Hays. Bala na kayo jan. Haha. Wala naman ako magagawa kung ano gusto mo gawin e. Osya, tara na sa gym." Pagyaya ko sa kanya.

"Deh, punta lang kaming school ha. May ioorganize kaming event. Uwi din akong maaga! Promise." Pagpapacute ko kay dad.

"Kasama mo ba hanggang mamaya tong si Alice? Wag kayo papagabi ha. Ingat kayo." Paninigurado nya.

"Yes dad!" Ang saya ko lang. Haha.

"Sige po, una na kami." Sabi ni Alice.

Owyeah, Dorina here i come!

Haha. Dorina agad? Gym pa lang diba? Haha.

-----------

Comment naman kayo. Lalo na mga silent reader jan. Para ganahan akong magupdate :) thanks! Love you all.

Follow me on twitter mga bebe. @omfgraciela i'll follow back. :)

Meeting Dorina RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon