MDR Chapter 5

76 4 0
                                    

Alice's POV

Andito na kami sa gym. Asan na kaya si ate Janice?

"Hoy. Makangiti ka naman jan kala mo nandito na si Do. Excited much?" Asar ko kay Gracie. Parang timang kakangiti e. Haha.

"Grabe ka naman! Syempre excited ako. Shet baka mamatay ako pag nakita ko na sya in person!!!" At hinampas pa ako. Salamat ha!

"Aray! Kelangan manghampas? Hanapin na nga natin si ate Janice!" Paghila ko kay Gracie. Kulit e.

"Oh andito na pala kayo!" Sigaw ni ate Janice mula sa likod namin.

"Ah hehe. Kanina pa po namin kayo hinanap e. Ngayon na po ba start ng pagiging staff namin ate?" Tanong ko kay ate Janice.

"Ah oo. Anong pangalan nitong magandang kasama mo?" Turo nya kay Gracie. Ehem. Lalaki na naman ulo neto. Tsk. Haha.

"Ayie. Haha thanks ate. Gracie po pangalan ko. Gusto ko din po sana maging staff. Kung okay lang po?" Aba't nagblush pa ha? Yung epekto talaga ni Do dito oh. Haha.

"Fan ka ba nila? Kung fan ka nila kelangan kita para maging staff. Magiging masipag kayo e basta para sa idol nyo. Hindi ba?" Pagkuha nya ng sang-ayon.

"Ah opo! Super fangirl po ako ni Dorina Roxas! Gusto ko na nga po syang makita in person e. Hehe. Ito naman pong si Alice e si Nicky Escalderon ang crush." Pagturo nya sakin. Wait lang, kinilig ako e. Haha!

"Ganon ba? Kakatuwa naman tong mga batang to. Osige, simula na kayo. Kontakin nyo tong number na nakasulat sa papel ha. Rent tayo ng malaking speakers nila. Okay ba?" Panigirado ni ate samin.

"Yes po. Kami na po bahala." sabay smile namin kay ate. Bait pala nya e.

"Oh dali na type mo na tas tawagan mo na." Utos sakin ni best. Sya namang pagsunod ko.

"Uy teka, ayaw kaya sumama ni Mm satin ngayon? Baka nababagot na yun sa bahay ng lola nya e. Lam mo naman yun, di mapakali." Pag-iba ko ng topic.

Pagkatapos naming tawagan, tinry ni Gracie na si Mm naman tawagan namin.

"Uy Mm? Ayaw mo pumunta dito sa gym?... Ah busy ka? San ka ba ngayon?... Buti nasa Mandaluyong ka?... Ah sige. Bye ingat!" Pagbaba ni best sa phone.

"Nasa Mandaluyong daw si Mm. Nasa friend nya." Sabi nya sakin. May friend pala sya dun? i did't know. Haha.

"Ah. May friend pala sya dun no best? Diba tagadun si Do?" sabi ko kay Gracie.

"Oo nga! Sana sumama pala ako e. Haha joke." Biro nya.

"Wow ha? Ang harot mo talaga best!" Asar ko sa kanya. Totoo naman e. Haha. Pero malapit lang mandaluyong dito sa Pasay e. Mejo? Haha.

"Harot agad? Di ba pwedeng pagmamahal muna?" Pagpilit ni Gracie.

"Hay. Bahala ka nga jan. Haha." Pagsnob ko sa kanya.

"Oh mga bebe tapos nyo na ba tawagan?" Pagpunta samin ni ate Janice.

"Ah opo, june 13 daw ate, aayusin na nila dito. Para ready na nun kinabukasan." Pagexplain ko kay ate.

"Ah osige. Sabihin nyo sa mga kaibigan nyo punta sila ha? Para madami audience natin. At para successful tong event." Pagngiti samin ni ate Janice.

"Sure naman ate. Tweet namin mamaya at status pa sa facebook. Haha! For sure naman ate marami pupunta e. Dami kaya nila fans." Pagmamalaki ni Gracie. Yun oh.

"Ah oo nga pala, daan dito si Khen mamaya para sa pagbebenta ng ticket. Samahan nyo sya ha?" Omg. Khen? Yung friend nila? Yey! Sana makabonding namin! Haha.

"Ah sige ate. Mga anong oras po?" Tanong ko kay ate.

"Mga 3-5pm. Uwi muna kayo para kumain ha? Sige una na ko." Sabay kaway ni ate samin ng babye.

Gracie's POV

Grabe. Staff na ba talaga ako? Haha. Di ako makapaniwala. Lalo na mamayang makakasama namin si Khen. Balita ko super close nila ni Do e. It's my time to shine. Wahaha. Joke.

2:30pm

"Hello best? San ka na? Papunta na kong gym! Kita na lang tayo dun ha. Hintayin kita. Sige bye!" Binaba ko na yung phone. Ang aga ko ata. Haha.

Pagkadating ko sa gym..

"Hi! Ikaw ba yung kasama kong staff na magbebenta ng tickets ngayon?" Sabay ngiti nya sakin. Oh-emz. Ito na ba si Khen! Pogi rin sya ah!! Wait lang, kinakabahan ako e. Hahaha.

"Ah eh, oo ako nga. Ako pala si Gracie. Ikaw si Khen diba?" Sabay ngiti at paglahad ko ng kamay sa kanya.

"Oo ako nga si Khen. Hehe. Ikaw lang ba kasama ko ngayon?" Tanong nya.

"Actually padating na yung best friend ko e. Si Alice. Hehe." Mejo awkward ako. Hahaha.

"Ah osige. Tara usap muna tayo dun habang hinihintay yung kaibigan mo." Ang bait nitong si Khen! Omg. at tinuro nya kung san kami uupo. Dun din kami magbebenta ng tickets e.

"Sya nga pala. Dadating din pala ngayon si Dorina. Matutulog sya sa bahay namin malapit dito sa school nyo e. Bale, makakasama natin sya magbenta ng tickets." Ngumiti din si Khen.

Omg. Tama ba narinig ko???? Darating si Dorina myloves? Fak! Kill me!!!! Baka mamatay ako sa kilig mamaya!!!!!

-----------

To be continued. :)

Gusto nyo na ba masaksihan si Do? Abangan, lilitaw na din sya nyan. :)

Meeting Dorina RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon