Back
Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi na nila ako ginising kagabi kasi tulog na tulog na raw ako, kaya ngayon gutom na gutom naman ako. Bumaba na agad ako't dumiretso sa kusina. Buti nalang nakapag luto na si ate Lusing.
Umupo ako sa mesa't naglagay na ng pagkain sa plato. Tumingin ako kay ate Lusing na ngayon ay nagluluto ng beef steak, nag request daw kasi si Mico ng ulam.
"Ate Lusing, uuwi na po ba sila mommy mamaya?" Tanong ko sa kanya nang matapos s'yang magluto at nilalapag na ang beef steak sa mesa.
"Hindi ko lang alam Ali eh. Hindi naman sila nagsabi."
Malungkot na tumango ako sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, sanay na rin naman kami na wala sila mommy pero iba pa rin sa feeling kung andito sila.
Pagkatapos kung kumain ay sakto ring paggising ni Mico. Bumaba na s'ya at dumiretso sa kusina ako naman ay pumasok na sa kwarto para maligo at magbihis. Binilisan ko na ang kilos ko at hindi na rin ako nagda-drama sa harap ng salamin dahil simula na ngayon nang pagmo-move on. Actually, kagabi pa pala nagsimula.
7:30am tapos na ako sa lahat, inaantay ko nalang si Mico matapos. Kasalukuyang nasa sala ako ngayon nanunuod ng TV para iwas bored habang nag-aantay.
Hindi rin nagtagal ay bumaba na si Mico at dumiretso na sa sasakyan. Nagpaalam muna ako kay ate Lusing bago tuluyang umalis.
Hindi traffic kaya hindi kami nahirapan papuntang school. Pagkadating namin ay gaya ng dati nauna na si Mico sa'kin. Lagi syang nagmamadali kasi may nag-aantay sa kanya hayss mukhang may lovelife na ang bunso namin.
Sinalubong ako ni Alyssa nang matanaw n'ya ako sa may gate. Dali-dali s'yang lumapit sakin at niyakap ako.
"Hey Ly! Wait. What's your problem?" Awat ko sa kanya dahil hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap nya.Sasagot na sana si Alyssa pero nakita ko ang kapatid kong tumatakbo papalapit sa amin. Nag-aalala s'yang tumingin sakin.
"Ate! Alam mo na ba?"
Napasimangot ako sa inasal nilang dalawa.
"What the hell? Anong meron? Kung alam ko na Mico hindi sana ganito ka curious ang mukha ko ngayon."Nagkatinginan si Mico at Alyssa at mukhang walang balak ang dalawang 'tong sabihin sa akin kung anong nangyayari hayss.
"Kung magtititigan lang kayo jan, bahala kayo! Mauuna na ako."
Tumungo na agad ako sa room namin pagkatapos ko 'yong sabihin sa kanila. Ang weird nila gosh.
Hinihingal naman na dumating si Alyssa at nilibot agad ng mala pusa n'yang mata ang buong silid, at nang masulyapan nya ako ay kumalma muna sya saka umupo sa tabi ko.
"Alliah, do you still love him?"
Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Kahapon lang ayaw n'ya na isipin ko yung lalaking 'yon pero ngayon tatanungin nya ako kung mahal ko pa ba? Syempre....
"Maybe?" Napailing ako sa sarili kong sagot "ugh. No! I should stop my feelings for him. Hindi ko na s'ya mahal"
"Dapat lang! Eh, kung babalik s'ya Alliah? Pa'no kung susulpot nalang s'ya bigla sa harapan mo?"
Napa-isip ako sa tanong ni Alyssa sa akin. Ano nga ba gagawin ko kung bigla syang magpakita sakin? Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita.
"Hmmmm. My decision is final. Hindi ko na s'ya mahal at wala akong pakealam kung magpakita sya sakin, kahit ngayon pa yan!"
Tumango tango si Alyssa sa sagot ko. Umalis na sya sa tabi ko at pumunta na sa upuan n'ya. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko, tahimik kong sinubaybayan ang pagpasok nila. Nagulantang lamang ako sa pagsubaybay sa kanila nang pumasok ang lalaking 2 years ko ng hindi nakikita. Parang pinagsisihan ko yung sinabi ko kay Alyssa kanina na kahit magpakita pa s'ya ngayon ay wala akong pake. Ugh.
Iniwas ko ang tingin ko at tumingin kay Alyssa na ngayon ay nag-aalala ring tumingin sa akin. Ngumiti ako para siguraduhin sa kanya na ok lang ako.
Tumingin ako sa harapan kung saan sya naka-upo, nakatalikod s'ya sa'kin ngayon.
Umuwi na pala s'ya? Kailan lang? Na-miss nya kaya ako? Mahal n'ya pa kaya ako? O may mahal na s'yang iba? Haysss. Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko. Kung kailan nagsisimula na akong mag move-on saka s'ya lilitaw.Dumating na rin si prof. Adviento ang AP teacher namin. Kasalukuyan n'yang dini-discuss sa amin ngayon ang tungkol sa nakaraan. Andami n'yang sinabi tungkol sa nakaraan. Yung pamumuhay ng mga tao noong unang panahon at iba pa.
"Kung tatanungin ko kayo ngayon? Gusto n'yo bang balikan ang nakaraan?" Tanong ni sir matapos s'yang mag discuss.
Nag taas ng kamay si Alyssa kaya agad s'yang tinawag ni prof.
"Yes sir. Gusto kong balikan ang nakaraan para maranasan ko naman ang pamumuhay nila. And also gusto kong makilala ang mga taong nag buwis ng kanilang buhay para sa ating bansa."
Tumango si sir pero may tinanong pa ulit sya kay Alyssa.
"Kahit na masasaktan ka kung babalik ka sa nakaraan, kasi makikita mo ang paghihirap ng mga tao noong unang panahon? Babalik ka pa rin?"
"Mas gugustuhin ko pong masaktan sir kesa masayang ang opportunity na matama ang mali-- ay este masayang ang opportunity na hindi ko makita ang paghihirap nila noon." Pagkasabi nya nun ay tumingin sya kay Ivan na nakatingin din sa kanya ngayon. Inirapan nya eto at umupo na.
"Bakit pa natin pinag-aaralan ang nakaraan kung sabi nga nila na 'past is past never discuss'?"
Nagtaas ng kamay si Ivan kaya s'ya na ang tinawag ni prof. Pero bago makasagot si Ivan ay may tinanong muna si prof Adviento sa kanya.
"Ah, by the way? What is your name? Ngayon lang kasi kita nakita sa klaseng 'to."
"Ivan Anderson sir. Kahapon lang po ako nakapag enroll kasi galing kaming states, kaya ngayon n'yo lang po ako nakita. Pero nakapag-aral na rin po ako dito noon."
Tumango si sir kay Ivan at binigyan n'ya si Ivan nang sign na magsalita ulit.
"Bakit nga ba natin binabalikan ang nakaraan kung nakaraan naman na eto, diba? Well for me, wala namang masama kung babalikan natin ang nakaraan kasi yung nakaraan na yun ay naging parte na rin naman ng buhay natin. At yung nakaraan na yun ay ang magbibigay satin ng aral."
Tumingin ako kay Ivan na diretsong nakatingin lang ngayon kay prof. Hindi ko alam kung may dobleng meaning 'yong sinabi nya or sadyang umaasa na naman ako?
Pagka-upo ni Ivan ay lumingon sya sa gawi ko. Agad kong iniwas ang tingin ko nang magkasalubong ang mga mata namin. Ugh. Shems! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Baka isipin netong mokong na 'to na may gusto pa rin ako sa kanya.
Pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa gawi n'ya pero traydor ata talaga 'tong mga mata ko at kusa nalang tumingin sa kanya.
Hindi ko inaasahan na nakatingin pa rin pala sya sakin. Hindi ko iniwas ang tingin ko at tinitigan na rin sya gaya nang ginagawa nya ngayon. Kinilabutan ako nang bigla syang ngumiti sa akin. Ngiting ngayon ko nalang ulit nakita. Ngiting napamahal sa akin at ang naging dahilan kung bakit mas nai-inlove ako sa kanya dati.Ivan Anderson is driving me crazy. Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Bakit mahal ko pa rin sya?
But no.. I don't want to let him know that I'm still into him.. hindi na ulit ako magpapaloko sa kanya. Never again.
---------
"True love never dies. Kahit na sinaktan ka pa neto ng husto kung mahal mo talaga hindi agad-agad mawawala ang feelings mo para sa kanya."Your votes and comments are highly appreciated.

BINABASA MO ANG
Still Into You
Historia Corta•Completed Sa pagbalik mo ay babalik din ang kinakatakutan ko. - Copyright. Estrellajewel