Chapter 10

229 6 0
                                    

Last 2 days

Pagkagising ko'y si mommy at daddy lang ang nakita ko.

"Mommy, pwede bang sa bahay na lang tayo? Ipasyal n'yo nalang po ako?"

"Mas maganda dito anak. Para mabantayan ka namin at ni doc."

"Gusto ko pong pumunta sa park, at gusto ko na rin makakain ng mga lutong bahay. Mama ano pang rason ng pag stay ko dito kung binigyan naman na ako ng deadline?"

Tumabi si mama sa'kin at niyakap ako.
"'Wag kang maniwala sa sinabi ni doc. Pero sige, i-uuwi ka namin kung magiging masaya ka naman."

"Puntahan ko si doc. Tatanong ko kung pwede ka nang lumabas." Si daddy.

Umalis na si daddy. Nanatili pa rin kaming magakayakap ni mommy ng biglang may pumasok. Kumalas na si mommy sa pagkayakap at nilingon ang pinto. Si Aly kasama si Ivan.

"Tita" si Aly.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba nakakaintindi?"

"Aray ko bes ah. Pinapaalis mo ba ako?" Umarte pa s'yang nasaktan talaga.

"Hindi ikaw, s'ya." Sabay turo ko kay Ivan.

"It's okay hija. I know. Alam ko na may relasyon kayo, dati pa. Alam ko na mahal mo s'ya. 'Wag kang mag-alala okay lang sa'min ng daddy mo."

Hindi na ako kumibo. Akala ko si Aly lang at si Ivan ang andito pero sumunod sa pagpasok si daddy, tita Eula and tito Emil. Ayos na ba sila? Hindi ko alam anong nangyari pero sobrang saya ko. Sana nga magkaayos na sila.

"Kumusta ka hija?" Tita Eula.

"Sa ngayon po, ayos lang naman."

"Lalabas ka na pala mamaya? Kaya mo na ba?" Tito Emil.

"Mas gusto ko po kasi sa bahay. Ayaw ko na po dito."

"Basta mag ingat ka lagi ah." Tito Emil.

"Oh Ivan at Aly ilabas n'yo muna si Ali aayusin lang namin mga gamit dito at mag-uusap lang kami. Kunin mo yung wheel chair, hijo." Sabi ni daddy.

Agad naman na kinuha ni Ivan yung wheel chair at maingat akong inupo doon. Habang tinutulak nila ako patungo sa hospital garden ay nagpaalam si Ivan na kukuha ng inumin kaya dalawa nalang kami ni Aly ang natira. Kaya s'ya na ang nagtulak ng wheel chair ngayon.

"Alyssa, thank you ah, salamat sa lahat lahat. Alam mo Aly, never ko inexpect na babalik 'tong sakit kong 'to. Bata pa lang ako sumasakit na ang ulo ko. Minsan ko na ring naging tahanan ang hospital na 'to. Si doc Juarez ay minsan ko na ring naging ama. Alam mo Aly, akala ko katapusan ko na dati. Madaling araw nun kami lang dalawa ni Mico sa bahay, bata pa s'ya nun. Inatake ako ng sakit ko, sobrang sakit ng ulo ko nun umiiyak nalang ako sa sobrang sakit wala ring nagawa si Mico nung mga panahong 'yon." Tumulo ang luha ko ng maalala ang mga panahong yun.

"Hoy Ali, ayos ka lang?" Si Aly na ngayon ay nagmamadaling pumunta sa harapan ko.

Nilibot ko ang tingin ko't nakita ang magandang tanawin ng hospital garden.
Ngumiti ako sa kaibigan at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Aly, kung totoo man yung sabi ni doc lagi mong tatandaan na mahal kita ah. Kahit minsan mayroon tayong hindi pagkakaintindihan, mahal na mahal kita." Huminto ako saglit at hinayaang tumulo ang mga luha sa balikat nya. "Siguro, kung hindi kita nakilala matagal na akong patay. Kaya salamat." Biro ko.

"Ano ka ba Ali!" Tumayo na s'ya't tumalikod pero nakita ko ang pagpunas n'ya sa kanyan mata. Pumunta na s'ya sa likuran ko't tinulak na ulit ang wheel chair para mas makita namin ang view ng garden.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon