Chapter Seven

52 3 0
                                    

Aidrix's POV

Pagkaalis nila Lexi at kaagad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis.Pagkababa ko lumapit ako sa sofa saka kinuha yung wallet,cellphone at susi ng kotse ko.The hell!Bakit kasi dun pa siya matutulog!Pwede namang kila Trish!.

Pagkalabas ko ng bahay ni-lock ko yung pinto dahil may susi naman sigurong dala si Lexi.Pagkasakay ko ng kotse kaagad kong pinaharurot yung kotse ko para mabilis na makapunta kila Fhel.Saan nga ulit yung bahay nun?Ah!Sa Yhetz Hills nga pala.Pinaharurot ko kaagad yung kotse ko papunta sa Yhetz Hills.

Mga 10 minutes lang lumipas ng makarating ako sa Yhetz Hills at dumeretso kaagad ako sa gate papasok ng pinatigil ako ng isang guard si Kuya Ramil ata,yung guard na nakaduty pag-gabi.Problema nito?.

Pagkatok ni Kuya Ramil sa bintana ko ay kaagad kong binaba ang bintana ng kotse ko.

"Sir.Saan po ang punta ny---Sir Aidrix?!Ikaw pala yan!"mukha bang hindi ako 'to?

Ngumiti nalang ako ng pilit."ah opo eh.Pupuntahan ko lang sana si Fhel.Pwede ba?"

"Si Sir Fhel Bermudez po?"tanong ni Kuya Ramil at tumango lang ako

"Sige po.Daan na po kayo.Pasensya na po ah?Tinted po kasi yung bago niyong kotse eh kaya hindi ko po alam na ikaw pala yan."kamot-ulong sabi ni Kuya Ramil

"Okay lang po yun Kuya Ramil.Sige po una na ako."paalam ko

"Sige po.Ingat!"kumaway pa si Kuya Ramil

Pinaandar ko kaagad papunta kila Fhel yung kotse ko.Saktong pagdating ko ay nagtatapon ng basura sa labas si Manang Flor.Pinark ko sa tabi yung kotse ko saka bumaba.

"Manang?"tawag ko kay Manang Flor

"Oh!Sir Aidrix!Napadalaw po kayo?"huminto siya sa paglalakad papuntang basurahan saka humarap sa akin.

"Ah..nanjan po ba si Fhel?"

"Opo.Nasa loob.Gusto niyo po bang tawagin ko?Saglit lang po."akmang bibitawan niya yung basura pero pinigilan ko siya.

"Wag na po.Ako nalang po sana eh."

"Ah sige po.Pasok nalang po kayo sa loob nasa sala po si Sir Fhel."

"Salamat Manang."

Pumasok kaagad ako sa loob at wala akong nadatnan na kahit sino sa sala pero bukas yung tv.Nasaan sila?

"Ano ba,Fhel?!.A-a-ouch!Oh my ghad!Ang laki naman niyan!!Ayoko na!Masakit!"boses ni Chelsea yun ah?Saka anong malaki?!Masakit?!Ano bang ginagawa nilang dalawa?!

"Sshh..Ang ingay mo naman eh.Gusto mo rin to diba?Kaya wag ka nang umangal.Masarap na rin sa pakiramdam 'to mamaya."si Fhel naman ngayon?Nyeta naman oh!

Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Fhel.

"Ahhhh!!Ayan!Ayan!Sige!Masarap na..A-ahh.."The hell!!Kaagad ako lumapit sa kwarto ni Fhel saka pabiglang binuksan yung pinto.

Nanlaki ang mata ni Chelsea na nakaupo sa kama ni Fhel ganun din si Fhel na nakaluhod at may hawak na malaking bulak na may betadine at hawak din ang paa ni Chelsea na may sugat.

Kaagad na tumayo si Chelsea kahit na nakatingkayad ang isa niyang paa kaya tumayo din si Fhel.Pinasadahan ko nang tingin ang buong kwarto ni Fhel at nahagip ng mata ko si Trish na kumakain ng popcorn habang nakatingin sa akin.Ako?Ito hindi pa din nagsisink-in sa utak ko kung anong ginawa ko.

"B-bakit ka nandito,Aidrix?"tanong ni Chelsea kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit nga ba ako pumunta dito?."A-ah..sasabihin ko lang sanang matutulog sa bahay si M-monique."nauutal kong sabi

Enemies Or Lovers??? #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon