Chapter Three

107 3 0
                                    


Alex POV

"How dare you?!"sinamaan ko siya ng tingin na parang pinagbabantaan ko siya,hindi manlang siya nagulat o ano.Bulag ba sya?!

"That's not my fault.Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan not me."sagot niya

"Hah!Ang galing mambintang ah.Kung hindi ako tumitingin sa dinadaan at ikaw naman ang nakakita sa akin eh bakit hindi ka pa umiwas kung alam mong magkakabungo tayo?"

"At kasalanan ko pa?"sagot niya

"Of course!Ikaw ang nakatingin sa dinadaan tapos ako ang sisisihin mo"

"Again that's not my fault.Hindi ko kasalanan na nililipad yung utak mo kung saan saan"sagot niya saka umalis.

"Abat!!Argh!!Hindi manlang nagsorry!Kapag talaga nakita ko ulit yun sasapakin ko yun!"sigaw ko sa kawalan saka pinunasan yung konting tapon ng ice cream sa dress ko

Napatingin tuloy sa akin yung ibang tao.Mas nakakahiya pa ata ako kay Monique eh.

Ngumiti ako ng pilit bago magsalita..."Peace."

Nakakahiya..Nasaan na ba kasi si Monique??

Lumingon lingon ako sa paligid at wala akong makitang pakalat kalat na Monique.Mabilis lang daw pero ilang minutes na ako nakatayo dito sa may pool wala pa rin siya.

Ang sama ng tingin sa akin ng mga babae dito akala mo naman kinuha ko na lahat ng atensyon ng mga tao dito.Edi sa inyo na!.

Makabalik na nga lang sa table namin nasusuffocate ako sa kakatitig nila eh.

☆☆†☆☆

Okay.45 minutes na ako dito wala pa rin akong nakikitang Monique...(tingin sa relo)9:47 na!At nahihilo na din ako nasaan ba yun si Monique??.

Inis kong kinuha ang huling baso ng alak sa harapan ko saka tinungga ito ng walang tigil.Haish!Takte!Monique!!Asan ka na ba?

"Alex!Nakita mo ba si Monique?"napatingin ako sa nagsalita si Heaven lang pala.

"Hindi ko nga din makita yung bruhang yun eh.Kakalbuhin ko na yun!"

"Oh easy ka lang baka naman may kausap lang"-Heaven

"Kung may kausap yun edi sana kanina pa yun bumalik!"

"Eh malay mo lang..."

"Oo nga noh....pero hindi pa din naman sig----"hindi ko na natuloy ang huling sasabihin ko ng makaramdam ako ng pagkati ng lalamunan ko parang gusto kong sumuka.

Agad akong tumayo kahit nahihilo pa ako ay kinaya kong maglakad patungo sa likod ng bahay nila.
Saktong pagtapak ng paa ko sa may garden ay bigla akong sumuka.Yuck!!Pwede namang sa cr ako sumuka eh dito pa talaga sa may magagandang bulaklak!Sayang naman!

Inis kong pinunasan yung bibig ko pagkatapos kong sumuka.(tingin ulit sa relo)Tsk!10:05 na..

"Umuwi na siguro yun si Monique baka pwede na akong umuwi,inaantok na ako eh."bulong ko sa sarili

Lumabas ako ng bahay nila Eunice dala yung bag ko para hanapin yung kotse ni Monique.Alam ko ang color nung kotse ni Monique ay black.Tinignan ko yung mga kotse na nakapark at parang pare-parehas lang sila ng color..ayy!hindi pala parang kasi color black talaga lahat ng kotse dito.

Iisa isahin ko itong mga Ito??!Aba!30 plus yung nakapark dito noh!Wag na lang magtataxi nalang ako!

"May *huk* uber ba *huk* dito?"bulong ko

Nagsimula na akong maglakad pero napatigil ako dahil muntikan na akong matumba.Nahihilo na ako!.

Unti unti na ding nagdidikit ang mga talukap ng mata ko pero pinilit kong buksan para makahanap ng sasakyan.Mukha tuloy akong baliw dito,nakatayo at papikit pikit.

Enemies Or Lovers??? #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon