Chapter Eleven

76 1 0
                                    

Alex's POV

Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko kung ano ang mga pictures na ito. Sino ba yung bwisit na Rossie Minns na yan?! At saan niya nakuha ang mga ito?! Bakit hindi ko matandaan kung saan at kelan nangyari yun.

I was there in the pictures, buhat buhat ako ng isang guy na nakamaroon na T-shirt habang gutay-gutay yung crop top ko na hindi ko malaman kung color red ba or pink dahil malabo pero kita kong ako yun dahil yung bag na palagi kong gamit at heels ay suot nung babae. Iba-iba yung shots, meron habang nakatingin sa akin yung lalaki, habang inilalabas ako sa kotse ng lalaki na hindi ko makita yung mukha, merong habang sumasakay ako ng kotse. At meron habang nakatayo ako sa isang kotse.

Kung titignan ko ng maigi yung damit ko sa mga photos parang naaalala ko kung saan ako nagsuot ng ganyan. Unti-unting nanlaki ang singkit kong mga mata ng may maalala akong nagyari nung birthday ni Eunice, kahapon ng gabi. Kaagad akong napalingon sa lalaking nakahalumbaba sa lamesa na parang bored na bored siya. Akala mo ang laki ng dala niyang problema.

Lumapit ako sa kanya at itinuro siya kaya napunta ang sa akin ang mga mata niya.

"Hoy! Ikaw!"sigaw ko

Lumingon siya sa paligid bago niya tinuro ang sarili niya na parang tinatanong na 'Ako?'

"Oo ikaw nga! Tumayo ka jan at mag-uusap tayo sa labas!" Sinigaw ko dahil hindi kami magkakarinigan kapag bumulong ako.

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero wala akong pakealam kailangan kong makausap itong lalaking 'to.

Parang lanta siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sumunod sa akin nang maglakad ako palabas ng bar bitbit ang bag ko.

Nang makalabas kami umupo kaagad siya sa may swing at nagduyan.

Nakuha pang magduyan matapos kong sigawan? Ibang klase!

"Ititigil mo yan o titigil ka?"pikon kong tanong kaya itinigil niya na ang pagduduyan

"Bakit tayo nandito?"

"Anong kulay ng suot mong T-shirt kagabi?"balik tanong ko

"Bakit?"

Ba't di niya nalang sagutin?!

"Ano nga?!"

"Maroon...Sungit naman nito"

So I'm right.

"Bakit mo natanong? Gusto mong hiramin?"

"Shut up! Madami na akong T-shirt hindi ko na kailangan manghiram sayo."pagtataray ko

Umupo ako sa isang swing na bakante at tinignan ang mga photos na sinend nung Rossie.

Bigla nalang may nagpop-up na notification.

Rossie Minns sent a message

Kaagad kong binuksan ang message sa akin at kaagad akong nairita.

Rossie Minns:

Hey there Alex. Did you received the pictures I've taken? Don't worry, I'll keep it in days then later on I'll post it on our school magazine. Have a nice night in the bar. Mwuah!

Kapag nalaman ko kung sino itong pesteng Rossie Minss na ito sisiguraduhin kong ipapatalsik ko siya sa school.

Kaagad akong nagreply sa babaeng ito:

Alexx Delfin:
Let's see. Why don't you try posting it on our magazine? Don't worry I won't mind. And besides I will be proud saying that there is one flirty girl who's stalking me everywhere. And can you post it tomorrow so everyone can see it. I will wait. Die later, b***ch.

Enemies Or Lovers??? #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon