Chapter Two

97 6 0
                                    

Chapter 2

Alex POV

Makalipas siguro ng 5-10 minutes ng pagligo ko,lumabas akong nakabalot lang sakin yung robe na dala ko habang sa ulo ko nama may nakapulupot na tuwalya.Wala naman sigurong maninilip dito eh saka kami lang namang dalawa ni Monique and nandito eh.

Lumabas na ako ng cr saka naglakad paakyat sa kwarti ni Monique.Nagsimula na akong umakyat ng mahaba nilang hagdan ng may marinig akong kaluskos sa labas kaya napatingin ako sa bintana pero wala naman akong nakitang kahit ano dahil madilim sa labas pero may naaninag akong parang tao na naglakad papunta sa likod ng puno kaya due to curiosity lumapit pa lalo ako ng bintana para mas maaninag ko yung tao.

Sumilip ako sa malaking bintana nila Monique para makita yung nasa labas pero masyadong matataas ang mga puno dinagdagan pa na sobrang dilim pa.Iikot na sana ako at magsisimulang maglakad paakyat ng may makita akong gumalaw kaya pinilit kong titigan ng mabuti yung tao.Base sa built ng katawan nya tingin ko lalaki yun at nakasumbrero siya.Napahakbang ako patalikod ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko kaya nagulat ako pero imbis na tumakbo siya eh nakita kong nag smirk lang siya sakin saka naglakad paalis.Grabe!nakakatakot para akong kakainin ng buhay nung lalaking yun.Pero sino kaya yun at anong ginagawa niya dito sa labas ng bahay nila Monique?Para siyang may minamanmanan...hindi kaya kami yun?!

"Alex!"halos mapatalon na ako nang may marinig akong sumigaw

"Ay,Pusang gala!Ano ba!Monique bakit kaba nanggugulat?"sabi ko

"Aba!tinawag lang kita saka ano bang ginagawa mo jan sa may bintana,ha?tapos nakatapis ka pa!Wala ka bang pakialam Kung may makakakita sayo?!The heck!kitang kita tayo dito sa loob noh!"sabi ni Monique na parang isang nanay na nanenermon sa anak niyang lumabas ng nakahubad

Napadako ang tingin ko sa katawan ko at saka ko lang narealize na nakatapis lang ako.Bigla akong napatingin sa bintana at naalala kong nakasilip ako dun kanina sa malaking bintana na kita na halos kalahati ng katawan mo.Hindi kaya nakita niya akong nakatapis Lang?obvious naman Alex na makikita ka niyang nakatapis lang alangan namang makita ka niyang nakadress?ano yun biglang palit ng damit??common sense naman..Argh!nakakahiya!saka hindi ko kilala yun pano pala kung matanda na yon?tapos bigla akong hanapin dahil nabighani siya sa katawan ko saka pagkakita niya sakin irape niya ako?saka iiwan sa damuhan?pano pag--

"Hoy!ano na?natulala kana jan?"sabi ni Monique

"Ah Monique may nakatira bang lalaki malapit dito?"kinakabahang tanong ko

"Wala naman akong kilala eh pero dati meron"sagot niya

"Malapit lang ba dito?"tanong ko ulit

"Oo jan lang sa kabilang bahay pero wala na sya jan ngayon eh umalis daw pagkatapos mamatay ng paborito niyang aso"sagot niya

"Ah t-talaga?salamat"sabi ko

"Bakit hindi ka pa nagbibihis?"tanong nito

"Oo nga pala.Wait lang"sabi ko saka nagmadaling umakyat sa kwarto niya saka nagbihis.

Pagkabihis ko tumapat muna ako salamin at tinignan yung sarili ko.Napagdesisyonan kong maglagay ng kaunting make up at saka ko binraid yung buhok ko yung taas yung nakabraid tapos nakalugay yung sa baba.Pagkatapos ko bumaba nako bitbit yung bag ko.

Naabutan ko si Monique na kakatapos lang magmake up.

"Aalis na ba tayo?"tanong ko

"Oo sige kunin ko lang yung bag ko"sagot niya saka umakyat sa kwarto

***

Pagkarating namin kila Eunice halos mapuno na yung loob ng bahay nila at yung iba ay nasa labas na.Dumeretso na kami sa loob at nakipagsiksikan sa mga tao para lang makapasok.

Enemies Or Lovers??? #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon