Chapter Twelve

46 3 0
                                    

Alex's POV

Nang maubos namin ang aming kinakain ay nag-aya na akong umuwi pero tumanggi siya.

"Baka nandito pa sila Dre at Zee." sabi niya habang nakatingin sa basong hawak niya.

Napairap nalang ako sa kawalan

"Tingin mo nandito pa sila?" tumango lang siya

"Edi hanapin mo. Kanina pa tayo nandito pero wala pa ring lumilitaw na Drex at Zayne."

"Samahan mo ako sa loob, hanapin natin sila."akma niyang hahawakan ang wrist ko pero iniwas ko kaagad ito.

"Bakit naman kita sasamahan?"

"Kasi hahanapin natin sila."

"Kaya mo na yan mag-isa, isa pa malaki kana hindi kana 1 year old na bata na mawawala kapag hindi sinamahan kaya sige na hanapin mo sila mag-isa."

"Eh paano ka?"

"Hihintayin kita dito."Umupo ulit ako sa swing at nagcross-arms pero hinila niya ako patayo na siyang ikinagulat ko.

"Ano ba! Sabi ko hihintayin nalang kita dito,diba?!"

Tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa akin at mas binilisan niya pa ang lakad niya. Nang makarating kami sa pintuan ng bar ay kaagad niyang binitawan ang wrist ko kaya muntikan na akong matumba mabuti nalang at nakabalanse ako ng ayos kundi ay mapapahiya talaga ako dito.

"Ano bang problema mo?!"

"Wala ah!!"

"Eh bakit mo ako hinila at halos kaladkarin na papunta dito?!"

"Wag ka nga sumigaw."

"Ano nga?! Diba sabi ko hihintayin nalang kita doon sa may swing? "

"Hindi ko narinig eh. Sensya na. Dito mo nalang ako hintayin mabilis lang ako. "

"Saan ka pupunta?"

"Hahanapin sila."

"Oo nga pala. Sige na umalis kana. "

"Sige. Babalik kaagad ako ha?"

"Sige na. Alis na!"

"Ito naman."

"Aalis ka o aalis ka?"

"Aalis na nga diba? Aalis na ako ha?"

"Kailangan bang paulit ulit tayo dito?"

"Aalis na nga diba? Hahanapin ko--"

"Hoy! Ano yan ha? Mukhang nagkakamabutihan na kayong dalawa ah? "

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Sky sa likod ni Phillip. At hindi siya nagiisa kasama niya silang lahat maliban kay Monique at Hiro.

"Oyy, Sky! Saan kayo galing?"tuwang-tuwang tanong ni Phillip

"Syempre sa loob ng bar."sagot sa kanya ni Sky

"Alam ko naman yun."

"Eh bakit ka pa nagtatanong kung alam mo na?"singit ni Drex na nasa likod ni Sky

"Wala lang. Saan ba kayo sa loob ng bar? "

"Sumasayaw kami diba? Pero pagbalik namin after 30 mins ay wala na kayong lahat Kaya umupo muna kami ni Xaesha sa couch hanggang sa dumating sila Kent at napansin namin na wala kayong apat nila Hiro."paliwanag ni Nicko

"Akala nga namin nagdouble date kayong apat eh. Hahahahaha." Natatawang saad ni Drex

"Pero nagtext si Monique kila Heaven sabi niya may emergency daw sa bahay nila kaya nagpahatid siya kay Hiro. "Paliwanag ni Sky

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enemies Or Lovers??? #HHC2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon