3

824 46 5
                                    

(P.S)

(Nakikipag-usap ang Author sa MC which stands for Main Character ng story sa pamamagitan ng dialogue sa loob ng parentheses.)

(Tulad ng nito at ang nasa itaas.)

(Rune Spells)

"Gin."

"Gin!"

"GIN!!!" Nakaramdam ako ng sakit sa aking kaliwang pisngi kaya iminulat ko ang aking mga mata.

Katabi ko na si Ayaka. At nakahawak pa ako sa malambot niyang dibdib.

"S-Sorry!" Agad akong bumitaw.

"You better be!" Kukunin na sana niya ang kanyang mga Rune nang agad ko siyang pinigilan.

"Sorry na. Hindi ko naman namalayang nakakapit na pala ako sa iyo." Rason ko.

Napabuntong hininga na lamang siya.

"Bilisan na natin, mahuhuli na tayo sa klase." Sabi niya at dumiretso sa banyo.

Pumunta ako sa kusina upang maghanda ng almusal ngunit wala nang laman ang kaniyang fridge.

Tinignan ko ang pitaka ko ngunit wala rin itong laman. Naghanap parin ako ng maihahanda at nakakita ako ng dalawang cup noodles.

Maybe this will do.

Nagpakulo ako ng tubig na gagamitin sa pagluto ng noodles.

Kailangan ko na talaga ng trabaho.

"May available ba na trabaho dito?" Tanong ko.

"I don't recommend it, pero namimigay ng quest si Ma'am Alice." Sagot niya mula sa banyo.

Lumabas na si Ayaka sa banyo.

"Ayaka, cup noodles muna ngayon." Tawag ko sa kanya at pumunta ako sa banyo upang maligo.

Ang bathroom ay may dalawang kwarto. Ang unang kwarto ay pinaglalagyan ng damit at sa tabi nito ay ang shower room.

I took my clothes off and took a shower.

...

Wala akong ibang damit.

Ugh, no choice.

Sinuot ko ang mga damit ko bago lumabas ng banyo. Pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang towel habang papunta sa hapag kainan.

"Ayaka, bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ko at umupo sa harapan niya.

"Hinihintay lang kita." Sagot niya at nagsimula kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa eskwelahan.

Buti pa dito hindi boring ang mga subjects. Maybe it's because everything is new to me.

"Gin!" Si Steph.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" Tanong ko.

"Nahuli lang ako ng gising." Rason niya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ayaka sa aking braso.

"Tara na, mahuhuli na tayo sa klase." Sa mismong pagkasabi ko nun ay naramdaman kong may kumurot sa aking braso. Lumingon ako kay Ayaka na nagpa-pout.

Sabay kaming tatlong pumasok sa silid.

"Good morning Ma'am, sorry we're late." Sabay naming pagbati bago dumiretso sa aming mga upuan.

Amulet Of Eres : Revivre (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon