1

2.4K 74 58
                                    

"Sa huling sandali ng buhay mo...

May lalapit sa'yong isang demonyo...

O isang anghel...

Kung mas mabigat ang nagawa mong kabutihan kaysa sa iyong kasalanan,

Ikaw ay mabibiyayaan ng magandang buhay sa Paraiso.

Kung kabaliktaran naman ang natimbang ay paparusahan ka ng walang katapusang sakit sa Apoy.

Ngunit paano kung isa lang itong haka-haka o kasinungalingan?

Paano kung walang naghihintay sayo sa kabilang buhay?

Walang Paraiso... Wala ring Apoy?

Kundi isang madilim na lugar... kung saan ikaw ay nag-iisa...

Na walang kasama... Habangbuhay..."

"Pero sir, baka haka-haka rin yang sinasabi mo?" I said.

Nagsimulang tumawa ang mga kaklase ko ngunit agad naman silang huminto nang lumapit sa akin ang professor namin.

Humarap ako nang dahan-dahan sakanya.

"S-Sir?"

Nakakatakot siya...

Pinalo niya ang kanyang meter stick sa akin.

"Aray! Tae, ang sakit!"

"Detention." He said then continued his lecture.

"Serves you right, Gin." Si Jay. Ang mayabang na classmate ko.

"Shut up." I replied.

....

Sumama ako kay Professor papuntang Detention room.

"Napakaboring naman dito." I said. Walang pintura ang mga dingding. Ang pinto naman ay gawa sa matigas na bakal. Meron lamang itong tatlong upuan. Pero airconditioned ang buong silid.

"Stop your complaints. You deserved this." He stated.

Yeah, yeah. Kasalanan ko. Sinuot ko ang scarf ko. Ibinulsa ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket ko.

"I'm going somewhere. Stay here." Lumabas na ang professor namin at sinara ang pinto.

"Great. Mas naging boring na ang room." I said.

Tumingin ako sa bintana.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Napahiga ako sa sahig.

Hindi ako makahinga!

"H-Help..." Gumapang ako papunta sa pinto.

Nang makaabot ako sa pinto, pilit kong tumayo at sinubukang buksan ang pinto ngunit naka-lock ito.

"Agh... Kainis..."

Humanap ako ng ibang paraan...

That's it! Babasagin ko ang mga bintana!

Sinubukan kong bumuhat ng upuan ngunit biglang lumabo ang paningin ko. Nanghihina na rin ang katawan ko.

Ugh... Napaka lame ng pagkamatay ko.

My eyes finally closed.

Lumuwag ang dibdib ko. Idinilat ko ang mga mata ko at napansing wala na ako sa detention room. Tumayo ako at inilibot ang tingin sa paligid.Wala akong makita sa paligid kundi ang kadiliman.

Mukhang tama nga ang sinabi ni Professor. Mag-isa na lang ako dito...

It's so boring out here...

Amulet Of Eres : Revivre (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon