(Amulet)
Nakarating na rin sila Reija at Steph.
"Sugod!" Isang sundalo ang sumugod sa mga Mimics. Sumunod naman ang iba pang kasamahan niya.
Nagpaulan ng mga palaso ang mga sundalong nasa likuran.
"Nature's Wrath!" Reija chanted. Inilapag niya ang kanyang kamay sa lupa at isang berdeng magic circle pataas lumitaw dito.
Naglalakihang mga ugat ang tumubo mula sa magic circle papunta sa mga Mimic. Pumutok ang mga Mimic at naging usok. May mga gamit na lumitaw sa pwesto nito.
Tumakbo si Steph upang pulutin ang mga naiwang loot ng mga Mimic.
Hinabol ng ibang Mimic si Steph
"Oiryad's Fury!" Steph chanted. Napalibutan siya ng apoy. Itinutok niya ang kanyang palad sa mga Mimic at lumipad ang apoy patungo duon.
"Gin?" Pinatong ni Ayaka ang kanyang kamay sa aking balikat kaya napalingon ako sa kanya.
"May problema ba?" Tanong niya.
"H-Huh? Wala naman." Sagot ko.
"Get a grip." Tinapik niya ang likod ko at pumunta sa iba pang sundalo.
"Tide's Gift!" Inilabas ni Ayaka ang isang asul na rune. Sa likod niya ay isang magic circle ang lumitaw. Mula dito ay umagos ang isang maamong daloy ng tubig. Napuno ng sigla ang mga pagod na sundalo.
A spell that boosts the morale of allies.
"Now, go out there and fight!" She said and went to fight. Sumunod ang mga sundalo at nakipaglaban.
Siguro makikipaglaban na ako.
Sumugod ako habang hawak sa aking kamay ang isang shadow rune.
"Blade of Esfar : Phantom Dance!" I chanted. Inihagis ko ang aking rune sa mga Mimic. Nag-duplicate ang rune sa bilang ng lima at lahat ng ito ay naging espada. Nakatutok sa mga kalaban, lumipad ito patungo sa mga Mimic, tinutuhog ang mga tinamaan. Nagising usok ang mga Mimic at naiwan ang mga gamit.
Limang bag ng gold coins, sampung bag ng shadow runes, at isang amulet of some sort.
Ito lang ang umakit sa aking paningin kaya kinuha ko ito. Ang ibang mga loot ay kinuha na ni Ayaka.
-AFTER 30 MINUTES OF FARMING- -MIMICS-
"Nice job, everyone!" Papuri ni Mr. Jhonas sa amin at saka sa mga sundalo.
"Ano ang mga nakuha mo, Gin?" Tanong ni Steph. Lumapit siya sa akin kasama si Reija. Napansin ko rin na tumitingin sa direksyon ko si Reija ngunit sa paglingon ko ay umiiwas naman siya.
"Pera, runes at isang amulet lang." Saad ko at pinakita ang amulet.
"May I?" Napansin ko na interesado sa Amulet si Reija kaya iniabot ko ito sa kanya.
"Wow... Ngayon ko lang ito nakita. Siguro isang tier 8 amulet ito." She stated while observing the Amulet.
May classification rin ang mga accessories. The stats they give will determine what tier it belongs to.
Tier 1 - Common
Tier 2 - Uncommon
Tier 3 - Rare
Tier 4 - Very Rare
Tier 5 - Extremely Rare
Tier 6 - Legendary
Tier 7 - Mythical
And lastly,
Tier 8 - UltimateIbinalik niya ang amulet sa akin. Nang nagkadikit ang aming mga kamay, bigla siyang nahiya at naunang umalis.
"Siguro may crush sayo si Rei kaya nagkaganyan siya." Sabi ni Steph.
BINABASA MO ANG
Amulet Of Eres : Revivre (BOOK 1) [COMPLETED]
FantasyWhat awaits behind death? Is it Paradise? Or Hell? Nothing? Or maybe... Another world? Meet Gin Baldemore, Isang estudyanteng delinquent na namatay sa mismong eskwelahan niya.... Or did he? At binigyan ng ikalawang yugto ng buhay sa ibang mundo! LAN...