Prologue

743 270 208
                                    

Third Person POV

"Tinkerbell halika na dali tumakas na tayo! Gamitin mo na 'yang pixy dust mo!" sambit ng batang PeterPan habang inaayos ang kulay berde niyang sapatos.

"Peter naubos na,  paano na tayo? Natatakot ako!"  sabi ng batang babae at pumunta sa likuran ng batang lalake.

"Ha? O sige, lalabanan ko ang monster na nasa harapan natin h'wag kang matakot" pagmamatapang na sagot ng batang lalake.

"Oy tikboy! Umayos ka baka masaktan mo ang prinsesa ko!" 

"Bakit lagi na lang ako monster? Nasasawa na ako. Hindi ba p'wedeng ako naman ang magliligtas kay Tinkerbell?" singhal ng batang monster na umupo sa sahig at nagkamot ng ulo.

"Hindi p'wede tikboy, akin lang si Princess Tinkerbell." 

"Hayst d'yan na nga kayong dalawa uuwi na ako ng bahay!" galit na sabi ng batang monster.

Natapos ang kanilang paglalaro. Naunang umuwi ang nadismayang bata na si Tikboy. Natahimik ang dalawang bata habang nakaupo sa malawak na berdeng damuhan.

"Princess Tinkerbell? 

"Bakit Peter?" 

"Baka umalis at lumipat na kami ng bahay." bahid ng lungkot ang bumalot sa boses nang batang lalake.

Hindi na nakasagot ang batang babae. Imbes na umiyak ay ngiti ang ipinakita nito. Ngiting pilit na alam mong sa likod nito ay sobrang kalungkutan.

Inabot niya ang isang sulat sa batang lalake at nakasulat doon ay;

To: Mr.PeterPan

From: Ms. Tinkerbell

"Para saan ito?" tanong ng batang lalake na nagtataka sa hawak niyang sobreng puti.

"Para sa'yo," sagot ng batang babae.

"Para sa'kin?" akmang bubuksan ng batang lalake ang puting sobre ngunit napigilan ito ng muling magsalita ang batang babae.

"Puro ka tanong Peter! H'wag mo muna buksan!" bulalas ng batang babae.

"H'wag kang mag-alala magkikita pa naman siguro tayo." 

"Sana nga magkita pa tayo at sabay natin aabutin ang mga kaniya-kaniyang pangarap natin!"


Sana nga.



Next Chapter: The Announcer

Lamp Of My Feet (Chasing Dreams)Where stories live. Discover now