The Forgotten

175 152 37
                                    

"Hazel!" tinawag ako ni Coleen habang nag-iika-ika siya ng lakad. May paltos ang kaniyang kaliwang paa. Sa sobrang taas ba naman ng madalas niyang suotin na heels ay hindi malayong magkaroon nga siya nito.

"Okay ka lang ba Coleen? Sabi ko naman kasi sayo, magpahinga ka sa pagsusuot mo n'yan. " tanong ko habang tinitignan ang namumulang likod ng paa niya.

"Try mo rin magflat-shoes minsan." payo ko sa kaniya.

"Oo nga. Sige sige Hazel. Pero maiba muna. Pinapapunta ka pala ni Sir sa office niya may sasabihin ata sa'yo." sabi niya sa'kin habang hawak niya ang kaniyang masakit na kaliwang paa.

"Oh sige mauna na ako sayo Coleen. Mamaya na lang ulit. See you around." pagpapaalam ko sa kan'ya. Nagtungo ako sa office ni Sir ngunit may nasa loob pa at may kausap siya. Akala ko ba pinapatawag ako ni Sir. Nakuha ko ang atensyon ni Sir dahil sa pagsilip ko mula sa labas ng office niya.

Sa wakas at natapos din ang kanilang pag-uusap. Nangawit na lang ako sa kakahintay na matapos iyon. Papalabas na rin ang kausap ni Sir at sa hindi nga inaasahan pagkakataon siya na naman. Ang lalakeng natapunan ng kape. Ang bumangga samin ni Ken.

"Oh Miss." sabi niya sakin na hindi pa tuluyang nakakalabas ang kaniyang buong katawan sa transparent door. Sumilip lang ata ito para tanungin ako kung ano ang ginagawa ko dito.

"Ano ang ginagawa mo dito? May kailangan ka raw ba sabi ni Boss?" tanong niya sa'kin habang nakangisi.

Tsk. Boss pala tawag nito kay Sir sipsip ka. Akala ko tapos na pag-uusap nila iyon pala hindi pa at talagang tama ang hula ko na tatanungin nga lang ako kung ano ang ginagawa ko.

"Pinapatawag daw kasi ako ni Sir sabi ni Coleen. Eh kausap ka pala ni Sir." pilit kong pinakalma ang sarili at inaayos ang pagsasalita kahit nanggagalaiti na ko sa kaniya. Bahagyang ipinasok muli ang kanyang ulo sa loob at tila kinausap si Sir. Tuluyan siyang lumabas. Nilampasan niya lang ako at hindi man lang tinignan.

Aysst. Napakahangin talaga niya. Hindi man lang namansin. Pumasok ako sa loob ng office. Nanginig ako dahil sa sobrang lamig sa loob ng office ni Sir. Hindi naman ito tulad ng dating lamig pagpumapasok ako rito. Nilakasan niya siguro ang air condition sa loob.

Binati ko si Sir at umupo sa isang silya na nasa harapan ng kaniyang office desk. Tinanong ko siya kung bakit niya ako pinapatawag at ito ang hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya.

"Hazel, what's happening? Your performance is not good this past days. You know I hate employees who have bad performance for our company. I accept you as my employee, at first your doing nice and then   this past days your having some problems. One, you don't passed the papers that I asked you on time and second, you haven't yet finished the task that I give to you." 

His always direct to the point. Pranka. Walang paligoy-ligoy. Pag hindi ka maayos sa trabaho o parang may pagbaba sa performance mo ay ipapatawag ka niya upang itanong kung ano ang naging problema.

Inaamin ko na this past days ay hindi talaga naging maayos ang performance ko. Dala na rin siguro ng pagod. Kahit maaga ako nakakauwi ng bahay ay hindi ako agad makatulog. Hindi nagiging sapat ang aking tulog. Maraming pumapasok lagi sa aking isipan. Nawawala ang aking focus sa aking ginagawa kung kaya't madalas late kong naipapasa o minsan ay hindi pa tapos ang pinapagawa ni Sir sa 'kin.

"Pasensya na po Sir. Babawi po ko this week." sabi ko habang mahigpit kong hinahawakan ang aking palda. Naiinis ako sa sarili ko ano bang nangyayari. Hazel focus.

Nagpaalam ako pagtapos ng pag-uusap namin iyon ni Sir. Dumiretso ako sa 15th Floor upang makapag-isip-isip. Pagdating ko doon ay umupo muna ko sa may hagdan. Marahang lumabas sa aking mga mata ang luha ng pagkadismaya sa sarili. Naalala ko ang sinabi sa 'kin ni Ken na minsan kailangan ko rin magpahinga. Tama siya kahit nga robot napapagod at may limitasyon rin, tayo pa kayang mga tao.

Lamp Of My Feet (Chasing Dreams)Where stories live. Discover now