The Reason

403 218 110
                                    


Ilang segundo ko bago naisipang balikan ang sinabi ni Ken. Eto na naman ako sa dating gawi. Habang may kausap ay bigla- biglang nawawala ako sa sarili at lumilipad ang isip. Alam kong kabastusan iyon pero naging habit ko na.

"Hindi malabong mangyari 'yon Ken," tugon ko sa kanya.

"Maliban na lang kung hindi ka mag-aayos sa mga requirements natin ngayon, dahil d'yan baka di mo ko makasama sa susunod na year kung hindi ka mag-aayos," sabi ko sa kan'ya habang nakataas ang isa kong kilay.

Si Ken ay isa sa mga kaklase ko at matalik rin kaibigan. Mestiso. Malaki ang pangangatwan. Mapungay ang mga mata. Ang labing mapula. Ang pangang niyang nakakadagdag sa kaniyang kagwapuhan. Sino nga ba ang hindi maghahabol sa isang tulad niya?

Hindi lang siya panalo sa pisikal na aspeto pati rin sa kaniyang ugali. Mabait, maaasahan, maalalahanin ngunit hindi matanggal sa kan'ya ang pagiging tamad sa pagpapasa ng activities.

"Tara kain na muna tayo Hazel, quarter to 12 na." Pagyayaya sa'kin ni Ken sa cafeteria ng school. "Ah sige susunod na lang ako." sagot ko.

Sumimangot siya bigla at sa itsura niya ay nagmukhang maamo. "Ano ba 'yan mukha kang chiwawa sa ginagawa mo, itigil mo nga 'yan." pang-aasar ko sa kaniya.

"Eh kasi naman tara na Hazel gutom na ko!" paliwanag niya. Wala na nga akong nagawa pa kundi ang samahan siya para kumain. 

Malimit akong pumunta ng cafeteria. Ang oras ng pagkain ko ay lahat napupunta sa pag-aaral at pag-aanchor. Yung tipong halos gusto ko na tumira sa studio ng school. Sa bawat tapat ng aking bibig sa mikropono ay ito lang nabibigay ng full confidence ko.

"Ang lalim na naman ata ng iniisip mo?" pagtatakang tanong ni Ken.

One.

Two.

Three.

Four.

Five.

Six.

"Uy, Hazel!" Ilang segundo na naman ulit akong nawala sarili anlayo na naman ng iniisip ko tila kasi ang sarap na mangarap ng mangarap. Tumingin ako kay Ken.

"Ah wala lang."

I heaved a deep sigh.

"Wala lang? Tingnan mo naman iyang kinakain mo parang ni-rape?" sambit ni Ken at tinuturo ang aking plato.

Tumingin ako sa plato ko na kanina lang ay maayos na maayos sa pagkakaserve. Kanin sa gitna, isda sa gilid at itlog na prito. Pero ngayon ang gulo nito parang sinangag.

"Ayst." Singhal ko.

" Diba sabi ko naman sa'yo. Ano bang nagyayari sa'yo? Magpahinga ka muna Hazel. Lagi kang nakafocus sa pag-aaral kasabay pa nagtatrabaho ka pa n'yan pag-gabi." Pagsesermon sa'kin na parang siya ang aking ama noong nabubuhay pa ito.

Ganoon si papa sobrang mapag-alala sa'kin.  Pag ginagabi ako ng uwi ay sobrang pagpasesermon ang inaabot ko kahit mahalaga naman ang pinupuntahan ko.

Di ko sinasayang ang panahon nagtatrabaho ako para sa kinabukasan namin nila mama at papa. Pero ngayon nawala na.

Wala na ang pangarap ko para sa kanila dahil sila rin ay naglaho na. Namatay nang dahil sa'kin.  Patuloy na tumatakbo sa aking isipan ang nakaraan.
Ilang sandali ay natapos ko na din ang pagkain ko.

Bumalik kami sa klase ni Ken. Nakakapagod ang naging araw namin ngayon. Maraming activities na ginawa. Maaga akong umuwi nang maipahinga ko naman ang aking katawan at isipan.

Pagkatapos kong kumain ay naglinis na ako ng katawan. Nahiga, nagdasal at nag-soundtrip.

Hayst. Mag-isa na naman ako.

Ako rin naman ang rason kung bakit mag-isa na lang ako.


*****Author's Note *****

Hello guys thanks for reading again :)

I hope you'll vote this chapter.
I hope you'll comment also.

So how's the story so far?

I want to hear your voice silent readers haha. Comment on the comment section about your thoughts and suggestion to my story. I will really love it. I will read it from top to bottom  ❤👍😊😂😇

#TheReason
#Hazel fight 👌

Next Chapter: The Problem

Lamp Of My Feet (Chasing Dreams)Where stories live. Discover now