The Friend

180 109 19
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa tanong ni Denver. He fell in love with me. Should I love him also. Pero paano ang lalaki kong minahal noon. Ang inasahan kong makakasama ko panghabang-buhay sa pagkamit ng aking mga pangarap.

Ngayon nasa harap ko si Denver. Hinihintay ang aking tugon sa kaniyang tanong. Naguguluhan ako. Tinanggal ko ang aking mga kamay sa kaniyang balikat.

Dapat ko rin bang magustuhan ang nangyayari ngayon? Dapat ba?

Pinigilan niya akong tanggalin ang aking kamay. Hinigpitan niya ang paghawak sa akin at mas lalo akong lumapit sa kaniyang mukha.

"Hazel, I know you're not ready but I will wait patiently." bulong niya sa akin. Nanlalambot ako. Gusto kong bumagsak sa kaniya. Sa mga sinabi niya iyon ay gusto kong yakapin siya ng mahigpit na sabihin oo na gusto ko na rin siya kahit ngayon pa lang.

"Hindi mo na kailangan maghintay Denver." sambit ko sa kaniya. Ipinahinga ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

Ngumiti siya.

"Hazel, Thank You."

Magkayakap kami sa gitna ng mga tao na halos tumigil dahil sa panonood sa aming dalawa ni Denver. Hinawakan ako ni Denver sa aking kamay at hinila niya ako palabas sa event hall.

Ngunit bago kami makalabas nang tuluyan ay may kumapit sa aking kanang kamay kung kaya't napatigil sa paghila si Denver.

Paanong nandito siya? Nagbalik ka? Napanood niya ba ang nangyari sa amin ni Denver kanina lang sa gitna na pinagkaguluhan ng mga tao?

Ken your back with out informing me.

---------

Nagsusuklay ako sa harap ng salamin. Si Coleen ay kumakain pa ng almusal. Hindi ko nakalimutan ang nangyari kagabi. Ang hindi ko inaasahang pagdating ni Ken sa party. Alam kong hindi siya nagtatrabaho sa aming kompanya pero bakit nandoon siya at kasama sa party?

Humingi ng pagkakataon si Ken upang isayaw ako. Pumayag naman si Denver pero kita ang tensyon kung paano sila magkatinginan. Tila may laser ang kanilang tingin na parang kayang tunawin ang isa't isa.

Umuwi raw si Ken para sa kaniyang tito. Si Mr. Cortes ang kapatid nang kaniyang ina. Siya ang naging representative ng kaniyang magulang sa party dahil sila'y busy sa trabaho sa London at para na rin iparating ang pakikidalamhati nila sa pagkamatay nang anak ni Mr. And Mrs. Cortes.

Ken is nephew of Mr. Cortes. Ngayon ko lang nalaman. Kaya pala madalas akong may marinig na Kenneth na bukambibig ni Sir before the party happen. Parating pala siya. Akala ko ay ibang Ken ang tinutukoy ni Sir.

Pero kinabahan ako ng tanungin niya ako tungkol kay Denver. Kung sino raw siya, kung anong papel ni Denver sa buhay ko, kung kami na raw ba , at naalala niya ang mukha ni Denver. Siya raw ang nakabangga namin, paano raw siya naging katrabaho ko. Hindi raw siya makapaniwala. Nagkuyom ang kaniyang kamay.

Mas lalong ikinalungkot ko nang tinanong niya ako ng....

'Hazel may nandiyan na ba sa puso mo? Bakit hindi mo ako hinintay?'

Parang gustong sumabog ng puso ko. Bakit nga ba? Bakit hindi ko hinintay si Ken. Nangako ako. Pero naalala kong sinabi ko sa kaniyang hanggang kaibigan lang pero andito siya ngayon. Umaasa sa akin. Naaawa ako sa kaniya. Hindi rin naman niya kasalanan kung mahalin niya ako.

Kahapon lang naging kami ni Denver at pagkatapos lang nang ilang sandali ay heto dumating si Ken sa harapan ko. Naguguluhan ako. Dapat bang hindi na lang ako pumasok sa gantong gulo? Gulo ng pagmamahal. Napaisip ako. Paano na kami ni Denver?

Lamp Of My Feet (Chasing Dreams)Where stories live. Discover now