The Changes

40 34 0
                                    

Sobrang bilis pa rin nang mga naging pangyayari para sa akin. Nakilala ko ang kapatid ko kasunod si mama. Hanggang ngayon hindi parin nagsi-sink in sa isipan ko na may buhay pa rin pala sa pamilya ko. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na may sandigan na ako sa buhay ngayon at hindi lang si Hazel.

Inabot ako kami ni mama nang dalawang linggo sa ospital bago tuluyang makalabas.

Tinext ko kaagad si Coleen kung nabisita n'ya na ba si Hazel pero wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. May ilang missed calls na ako mula kay Shawn, sinubukang ko siyang tawagan pero maging siya ay hindi sumasagot, siguro'y nakapatay ang kan'yang phone.

Tinungo ko kaagad ang ospital ni Hazel. Iniwan ko muna si mama sa bahay upang patuloy siyang makapagpahinga. Ngayon kasama ko na si mama. Hindi na ako nag-iisa sa bahay. Pagkadating ko sa Fabella ospital ay nakasalubong ko ang doktor na umasikaso kay Hazel.

"Ikaw diba si Mr. Denver? Boyriend ni Ms. Hazel right?" tanong niya sa akin mula sa isang malalim na boses.

"Yeah .. Good Morning Doc Neil! Ah kamusta ang lagay ni Hazel? Ano po ang sakit niya?" pambungad kong tanong.

"Good Morning too. She's already fine. Wala naman siyang sakit. Actually she was discharge a week ago. Kasama niyang umuwi 'yong kaibigan niya na si Ms. Coleen."

What? A week ago? Kung maaga pala ako gumaling then nabisita ko siya agad at naihatid sa bahay but then thank God she's fine.

"I see. Okay salamat Doc. Pupuntahan ko na lang po siya. Salamat po ulit sa pag-aalaga sa kaniya rito." bakas sa mukha niya ang pilit na ngiti. Nagtaka ako ngunit tumuloy na siya sa kaniyang pupuntahan.

Agad akong lumabas nang ospital. Inisip kung saan matatagpuan sila Hazel. Pero saan? Sa bahay? Pero wala sila doon nang dumating kami ni mama? Wala na rin ang mga damit niya. Lalo akong nag-aalala.

"Coleen, nasaan na kayo ni Hazel?" muli kong tinawagan si Coleen pero wala pa rin sumasagot sa tawag ko. Isa lang ang alam kong maaring puntahan nilang dalawa. Sa bahay ni Shawn. Mabilis akong sumakay sa taxi pero ang problema ko ay saan ang eksaktong tinitirhan ni Shawn?

Hindi pa ako nakakapunta roon. I try to called Kristoff na isa sa mga katrabaho namin at sa awa ng Diyos nalaman ko ang address ng bahay ni Shawn. Madali kong inutos sa driver na dalhin ako sa Northwood Village. Makalipas ang 30 minutes, sa wakas nakadating na ako.

Nilapitan ko ang isang guard na nagbabantay sa buong village. Ipinakita ko ang address na nasa aking cellphone na ibinigay ng katrabaho ko na si Kristoff.

"Manong guard saan po makikita ang bahay na ito?" pagtatanong ko at ipinakita ang cellphone sa kaniya.

Bahagyang natawa ang matanda nang makita ang background wallpaper nang messaging ko.

" Tutoy, bakit ganiyan ang picture nang cellphone mo? Tinkerbell? Pambabae 'yan ah? Bakla ka ba?" medyo nahiya ako sa sinabi niya pero dahil iyon ang gustong larawan na makita ni Hazel sa aking cellphone ay sinunod ko siya.

Maging ang mga katrabaho namin ay natatawa pag nakikita iyon dahil pambabae nga ngunit ayon lang ang paraan ko upang maalala si Hazel. Sa pamamagitan ni Tinkerbell.

"Manong 'di ako bakla! Gusto po kasi ng girlfriend ko na ganito ang itsura nang cellphone ko. Anyway, saan po manong itong bahay na ito?"

BLOCK 12 LOT 23 CASA ROYAL

"Iyan ba? Okay gan'to ipapahatid na lang kita sa mismong bahay." sambit ni Manong guard at agad tinawag ang isang staff at dumaan sa harap namin dalawa ang isang mini-van na kulay berde at may logo na parang gubat nang 'NorthWood Village'.

Lamp Of My Feet (Chasing Dreams)Where stories live. Discover now