Inactive

109 4 0
                                    

minsan sumagi ba sa iyong isip na

"walang kayang makaintindi sa akin

kaya bakit pa ako magsasayang ng

oras ipakilala ang sarili ko sa kanila?”

halos araw-araw, ang hirap ngumiti

pero kinakaya upang hindi iwanan,

hindi mapag-isa at may karamay.

ngunit sa mga araw na lumilipas,

mas lalong pumapait ang nararamdaman.

naghahanap ng kaibigan,

isang taong makakaintindi at makikinig

sa hinagpis at sakit na iyong naranasan

sa kahapon na tila’y bumabalik sa

tuwing lubos ang kasiyahan na nadarama.

nilalayo mo nga ba sila, mayroon nga bang

harang ang iyong puso sa kanila o sadyang

may mga taong gustong intindihin ka

ngunit nahihirapan kang magtiwala ulit.

Untold FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon