Chapter 1

1.3K 32 7
                                    

Nagmamakaawa po ako sainyo! Babayaran ko utang ko wag nyo lang ako patayin!

*BOOGSH*

BAKIT NAMAN AKO MAAAWA SAYO HA?!

Sa isang abandonadong gusali, nandoon si Abigail, anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon sa bansa. Kasama niya ang limang matipunong lalaki at isang kawawang matandang mukhang edad 35 pataas. Sa kasamaang palad, ang matandang lalaki ay nagkaroon ng utang kay Abigail dahil sa sugal sa casino kung saan sila unang nagkita.

Pinagtutulungan ang matandang lalaki ng apat na lalaki habang si Abigail ay nakaupo at nanunuod sa bintana ng kabilang kwarto habang hawak ang sigarilyo. Natutuwa syang nahihirapan ang matandang lalaki da hil hindi ito nagbayad ng utang sa loob ng dalawang lingo nilang napag-usapan.

 Tahimik lamang nyang pinanunuod ang mga nangyayari kasama ang ikalimang lalaki na nagngangalang, Joseph. Hindi naman talaga nya balak patayin ang matandang lalaki. Nais lang nyang matakot ito. Kahit na masama ang ugali ni Abigail, hindi nya kayang pumatay.

Gusto ko ng umuwi. I’ll call you next time.” Sabi ni Abigail.

Okay po, Maam.

Umalis na si Joseph at pinuntahan na ang mga kasamahan. Agad din naman silang tumigil sa pagsuntok at pagsipa.

Umalis na rin si Abigail sa pwesto nya at dumiretso na sa kanyang Lamborghini. Bago sya pumasok, tinapon nya ang sigarilyo ngunit hindi tinapakan para mapatay.

Nagdrive na sya papunta sa Starbucks para magpalamig ng ulo. Mahaba ang pila pero hindi nya iyon inintindi at dumiretso na sya sa counter.

Mocha frappe.

Nagulat ang babaeng oorder na sana sa cashier.

Excuse me! Hindi mo ba nakitang may nakapila?! Wag ka ngang sumingit! Pumila ka!” Pagtataray ng babae sa likod nya na dapat ay nakaorder na, kung hindi lamang sya sumingit. Hindi nya pinansin ang babae at nakatingin lamang sa cashier na nasa harapan nya.

Walang ginagawa ang cashier kaya naman, inulit nya ang order.

Di mo ba ko narinig? Isang mocha frappe kako!

Okay po Ma--…

Hindi nakapagtapos sa pagsasalita ang cashier dahil biglang hinila patalikod ng babae sa likod si Abigail. Medyo nainis si Abigail dahil ang ayaw nya sa lahat, may nangingielam sa kanya lalo pa at nakuha nyang hawakan ang braso nito.

Hey! Are you stupid?! Hindi mo ba alam ang salitang ‘pumila’?!

Nagpanting ang tenga ni Abigail. She doesn’t like being called stupid. Sinamaan nya ng tingin ang babae at mukha naming natakot ito. Dahil napaatras ito ng kaunti.

Nakatitig lang sya sa babae at paatras ito ng paatras. Biglang dumating ang order nya.

Maam, here’s your Mocha Frappe.

Kinuha nya yun, binuksan ang takip,  at ibinuhos sa babae. Nagulat ang lahat sa ginawa nya.

AAAAHHHH! BITCH! HOW DARE YOU?!” Sigaw nung babae. Basang basa sya dahil sa ibinuhos ni Abigail sa kanya. May mga lalapit na tao pero tiningnan nya lang ito at tumigil na ito sa paglapit.

Happy? Hawakan mo pa ko at tawaging, “stupid”, hindi lang kape ang ibubuhos ko sayo. Ayan na kape mo. Saksak mo sa baga mo.” Walang reaksyong sinabi ni Abigail na nagpanga-nga sa babae.

Dating Lady GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon