CHAPTER 2
Pasado 12 na, hanggang ngayon nalulungkot pa rin ako sa nalaman ko, ewan ko ba affected ako masyado, to the point na ayaw kong bumaba para kumain, nakaka wala ng gana." Come on Ms. Salcedo lunch break na ba't ka pa nandito? ",
Napalingon ako sa nag salita, ngumiti ako sa kanya ng fake, di ko kayang maging happy ngayon, nalulungkot talaga ako.
" Ikaw pala Mr. Gonzales ", bati ko sa kanya, nag tataka din ako bakit niya ako kilala, wala naman akong naalala na nag pakilala ako sa kanya. Stalker ko seguro to, hehe ganda ko talaga.
" Why are you still here? ", he ask again, ano bang pakialam niya?,
" Hinihintay ko pa kasi kaibigan ko ", i said calmly pero deep inside, naiinis na ako, pakialamero, feeling close.
" I think wala ka ng hihintayin pa, baka nauna ng kumain kaibigan mo, look anong oras na ", nakatukod ang dalawa niyang kamay sa table ko, hindi ako mapalagay sa mga titig niya, feeling ko ang manyak niya makatingin, shemayy tiningnan ko yong wrist watch ko, 12:45 pm na, pa simple ko ring tiningnan yong uniform ko baka may natanggal na butones, so far wala naman, pero kasi tong tingin ang lagkit, kaya tumayo ako, hindi na ako nag paalam, dalidali akong umalis, Pinag pawisan ako ng malamig, grabe din yong kaba ko.
-----------------------
Author's POV
Mag-isang nag lunch si Gel sa canteen, ka aakyat lang ng kanyang mga kasamahan, nag-aalala naman si Zahara sa kanya kasi di niya ito nakasabay kumain. Di siya mapakali kaya tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinuntahan ang kaibigan, laking gulat niya ng may ibang taong nadatnan sa table nito,
" Who are you?, What are you doing here? ", Nagtatakang tanong niya sa lalaki,
Nginitian lang siya nito you must be " Ms. Rodriguez right? ",
" Yeah, but how did you know? And what are you doing here?, where's Angel? ", naguguluhang tanong ng dalaga,
" Wala lang nahulaan ko lang ", he said with a grin, " By the way I'm Jaypee Gonzales ", sabay lahad ng kamay sa dalaga.
Napatunganga si Zahara sa narinig dahil ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang panganay na anak ni DG ang bago niyang boss!! kinabahan siya bigla, naloko na sabi nito sa sarili.
" Sorry po Sir, aalis na po ako ", she said ng nakayoko
" Wala ka bang balak abutin ang kamay ko? ", Napatingin siya dito, nakalahad parin ang kamay nito sa ere.
" Oh my bad, i'm sorry about that, hindi ko po napansin, pasensya na talaga ", minadali niyang abutin ang kamay ng binata para makapag shake hands na sila.
" It's nice to see you in person Zahara Cesz ", he smirk, bibitaw na sana si Cesz , pero ayaw bitawan ng lalake ang kamay nito.
" Ano bang problema mo? ", she ask, naiinis na siya sa inaakto nito.
" Wala naman, gusto ko lang hawakan ang kamay mo ", pinisil pisil pa nito ang kamay ng dalaga, bigla siyang nakaramdaman ng kilabot, automatic na napataas ang isa niyang kamay para sampalin ang lalaki.
" Bastos ", sigaw niya " Mahiya ka naman sa Ama mo dinadala mo dito ang kamanyakan mo ", napabitaw ang lalaki sa kamay niyang hawak, instead na magalit sa ginawa ng babae, ngumiti pa ito ng nakaka takot, " Matapang, gusto ko yan ", naka hawak ang isang kamay nito sa mukha kung san siya nasampal.
BINABASA MO ANG
0nly You
General FictionDo you believed in Destiny?? Do you believed that everything happened is meant to be?? Kasi ako, i don't believe in that thing called Destiny for me destiny is a choice, nangyari kasi pinili mo, Not until nangyari ito mismo sa buhay ko. I am Blair A...