Destiny 5

44 4 0
                                    

CHAPTER 5

Nagising ako dahil sa lamig, nakalimutan ko kasing isara ang glass door sa veranda, bigla akong kinabahan ng wala akong Makita, napa sandal ako sa headboard ng kama, pumikit ulit ako, pagmulat ko, madilim pa din, kinakabahan na ako, hindi maaari to, ipinikit ko ulit mata ko, baka sakaling panaginip lang to, nahihirapan na akong huminga, my body started to shake, pinag papawisan na din ako kahit malamig, this isn't, hindi to panaginip, i can feel it, it's real, my hands are trembling in fear.

" BESHY BESHY, WHERE ARE YOU? ", tawag ko sa kanya, kinapa ko din ang tabi ko baka, nakatulog lang kaya di sumasagot.

" Beshy?, beshy naman, ayaw ko na dito, natatakot na ako ", tawag ko ulit takot ako sa dilim, may Nyctophobia po ako.

" Beshy? beshy natatakot na ako nasaan kana ba? ",tawag ko ulit, then it hits me, wala akong kasama, hindi ko ka room mate si Cesz, nasa kabila ang room niya.
I feel helpless, nahulog pa ako sa kama sa kakapa ko, hindi ko napansin dulo na pala, babangon na sana ako ng mahulogan ako ng something matigas sa ulo.

" Aaaahhhhhhhhhhh ", napa sigaw ako sa sakit.

" Mamatay ako dito, mamatay ako dito, mamatay ako dito!! ", paulit-ulit ko nalang sambit. Hindi na ako nag abala pang tumayo, my head is spinning, and it hurts so bad that i'm holding my breath to atleast stop the pain that i'm feeling.

----------------------------

Zahara Cesz POV

Nandito kami sa baba, kasama ni manang linda at ang iba pang kasama namin sa bahay, nag hahanda dapat kami ng Dinner, ng biglang mag blackout. Malakas ang ulan sa labas, baka iyon ang dahilan kung bakit nawalan ng kuryente.

Habang nag hahanap ang iba na pwedeng pang ilaw, nag hihintay naman kami sa living room. Nang biglang bumukas ang front door, napalakas pa ang pag bukas nito, yun bang parang nag dadabog style, Nagulat kaming lahat na naiwan sa living room kasama na doon si manang Linda, kinabahan ako bigla, may dala siyang flash light pero di ko nakikita ang mukha niya.

" Where's Blair? ", omi echo ang malamig na boses nito, hindi kami makasagot, hindi pa kami maka get over sa grand entrance niya.

" Nasaan si Blair? ",ulit niya, sumigaw ito, nakaka takot, ano bang problema ng taong to.

" Nasa kwarto niya ", sa wakas naka sagot din si manang, agad naman itong umakyat nag mamadali.

" Shit!! Bakit niyo hinayaang mag-isa siya doon ", he murmured, ano bang kailangan niya kay Gel i ask to myself, alangan naman siya ang tanungin ko eh hindi ko naman yun kilala, Strespassing din siya, aba akala niya --- pak shit, bakit nakalimutan ko yon, may naalala ako bigla letche na takot pala si Beshy sa dilim, ano na kayang nangyari don. Nag madali akong tumayo, Manang dalhan mo kami ilaw, sigaw ko kay manang Linda habang tumatakbo sa hagdanan, para sundan si Mr. Trespasser, buti balang talaga may dala siyang flash light.

Naabutan ko pa si Mr. Tresspaser sa labas ng room ni Gel, katok ng katok, naka lock ang pinto ng loka.

Sandali Paano niya kaya nalaman na ito ang room ni Gel?, ah bahala na mamaya ko nalang itanong.

" Hold this ", bigay niya sakin ang flash light niya,

" Anong gagawin mo? ", tanong ko, kinakabahan ako sa takbo ng mga pangyayari.

In the count of three, sinira niya ang pinto, wasak, tumba, lagot talaga kami nito kay DG.

Pagpasok namin, inilawan ko agad ang kama, pero wala kaming nakitang Gel, san na kaya nag punta yun.

"Hey you idiot come here ", tawag niya sakin.

" Aba akala mo sinong matalino, hoy ginoong hindi ko alam ang pangalan ---
hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko si Gel, hawak na ni Mr. watever is his name.

" What happen to her?, gising ba siya?, humihinga pa ba siya? ", i ask, na guguilty tuloy ako huhu,

Hindi niya ako pinansin, binuhat niya si Gel pabalik sa kama, hinawakan niya pulso nito, tapos ang noo,

" Can you please move closer?, hindi ko nakikita ang mukha niya", Ayaw kung makipag away sa kanya, kaya sinonod ko ang gusto niya, i pointed the flash light sa mukha ni Gel,

" Shit may sugad siya, call Lorraine dalian mo ", utos na naman niya. Ako dapat ang nasa kalagayan niya letcheng to ginawa pa akong alalay.

" Anong nangyayari dito ", right in time dumating si Manang kasama si Lorraine.

" Oh my gosh buti nalang talaga nandito kana, check mo si Gel, dali ", utos ko naman kay Lorraine, personal  nurse ni Gel, dati namin, ngayon kai Gel nalang, fully recovered  na kasi ako, pero si Gel hindi pa natatanggal ang semento sa kamay niya.

After ng ilang hours, nalinisan na ni Lorraine sugat ni Gel sa ulo, buti nalang daw nahimatay ito, dahil kung hindi suffocate naman ang kahihinatnan nito.
May sugat na naman ito sa noo may gastos, ayun sa pag susuri ni Ginoong i don't know his name, nahulog daw ito sa kama, at nahulogan ng vase sa ulo. May nakalagay kasi na vase sa bed side table niya.

It's 9  in the evening pero hindi pa din bumabalik ang kuryente, at hindi pa rin kami naka pag dinner.

" C'mon guys kain na muna tayo ", yaya sa amin ni Lorraine, dito kasi kami nag kokumpolan sa room ni Gel,

" Go ahead everyone, ako ang maiiwan dito ", he said, napalingon agad ako sa kanya, hindi ako papayag ano siya hello.

" No, you can go ahead, ako ang maiiwan dito ",

" Why not?, i'll just look after her, bumalik ka nalang pagkatapos mong kumain "

" Hindi pwede, hindi ko iiwan dito bestfriend ko, kasama ka, baka ano gawain mo sa kanya ", pag mamatigas ko,

" Ah talaga, nagawa mo na nga siyang ewan kanina, tapos ngayon hindi na, ang sabihin mo na guguilty ka ",  pilit kong tinitingnan ang pag mumukha ng lalaki to, kanina pa kami mag kasama pero di ko man lang nakita ng maayos ang pag hitsura niya.

Abat sinusubukan niya ang pasensya ko, kanina pa to, hindi na ako mag titimpe.

" Hoy ikaw lalaki, kanina ka pa, naiinis na ako sayo, sabihin mo nga paano ko ipag kakatiwala sayo bestfriend ko eh hindi nga kita kilala, hindi ko nga alam sino ka at kung bakit nandito ", mahabang litanya ko.

" Tama na yan, halika na Terrenz at nang maka pag bihis ka kat makapag pahinga na rin ", saway samin ni Manang Linda.

Hindi na nag salita pa si Mr. i don't his name, lumabas na ito, buti nalang talaga.
pero wait there's more, ano nga ulit yon ang pangalan niya?, Terrenz?, kilala siya ni Manang?

" Manang sino nga ulit yun?", palabas na si manang ng tawagin ko, gusto kong maka seguro, bakit ba?,

" Pasensya ka na pala sa kanya iha, si Señorito Terrenz pala yon bunsong anak ng Don ",

Nanglaki ang mata ko sa narinig, nyemas hindi maaari yun, hindi ko sinagot pa si Manang hanggang mawala na ito saking paningin,

" Wahhhhhhh, nakakahiya talaga", sigaw ko sabay sabunot ng sarili kong buhok.

I kennat inaway ko anak ni Sir DG, pinag isipan ko pa siya ng masama, makakahiya ka talaga self.
















******

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

0nly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon