Destiny 1

302 11 2
                                    

"There are no wrong turnings. Only paths we had not known we were meant to walk."

CHAPTER 1

Papasok na ako ngayon sa aking building, yes you read it right AKING BUILDING!!, look to left- look to the Right, Hayz hindi ko talaga maipagkakaila na kasing ganda ko ngayon ang araw.

As i enter, simula unang palapag, sakin na sila nakatingin, shit iba talaga ang dating pag maganda, at dahil maganda nga ako, kasing ganda ni Marian Cruz, dapat mala modelo din ako mag lakad with matching hagis- hagis ng buhok syempre rebonded to noh.

Pero ang totoo?
--
--
--
--
--
--
--

"Gel you're late!!!", Bungad sakin ng boss ko,

Oo boss ko, ngayon aaminin ko na hindi ako ang may-ari ng building, hindi ako maganda sa tangkad kung 4'11?, asa pa ako at lalong lalo na hindi ako mayaman kaya hindi ko afford magparebond!! joke lang iyon lahat kasi nga feelingera ako.

At dahil late na naman ako, takte lang kasi palage naman yon.

"Pasensya kana bossing may dinaanan pa kasi kami eh, di bale last na to, promise na talaga ", sabi ko dito with matching beautiful eyes.

Last na talaga to, crap ayaw ko pang masisante no, i love my job so much, may mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag, ang koneksyon?, obviously wala sadyang ganito lang ako mag isip parang addict masanay na kayo.

"Oh sya sya sige na, e templa mo nalang ako ng coffee, yong alam mo na",

See bait ng boss namin, Alam ko namang hindi niya ako matitiis, malakas kaya ako sa kanya. Oh totoo hindi na ako nag fefeeling this time, seryoso, nga pala ako si Blair Angel Salcedo, A.k.a Gel, 23 years of age at single.

Opo single po ako, Hindi kasi ako naniniwala sa mga love love na yan, letche kasi yan, pero joke lang Po yun.

" Nga pala Gel may importanting ako mamayang 10 am, cancel mo lahat ng lakad ko ngayong araw ", wika nito sabay kindat.

" Copy Bossing ". - Gel

Don't get me wrong guys, ganyan talaga tong Boss ko feeling bagets. Siya nga pala si Mr. Demetrio Gonzales a.k.a DG/Bossing, CEO lang naman siya sa Gonzales group of companies. Siya ang taga supply ng construction materials sa buong bansa, at meron pang , kasi siya rin lang ang number one supplier ng auto parts at truck parts sa buong bansa. Bongga diba?, ang bigatin, si Bossing nga pala ay matangkad at makisig pa sa gulang na limampu't walo, very fit ang pangangatawan na kinaiinggitan ng mga kasing edad nito. Happily married at may tatlong anak na puro lalaki. Ni isa sa mga anak niya di ko pa nakita, pero feeling pogi yong mga yun. By the way ako lang naman ang magandang sekretarya ni DG. Lahat kasi ng nag daang sekretarya niya puro lalaki, maliban sa sakin, minsan nga napagkamalan kaming may relasyon kadiri talaga.

-------------------------

While busy scanning sa papel na kailangan kong papirmahan kay Bossing, naalala ko si beshy kailangan ko siyang matawagan bago niya ako iwan, kinuha ko sa bag ang aking mamahaling phone, tinatago ko talaga to baka nakawin, di joke lang nag fefeeling naman ako, di keypad lang yong phone ko hehe.

" Beshy ko sabay tayong mag lunch ha,walang iwanan ok see you later ", sabi ko agad sabay baba ng call, di ko na siya hinintay sumagot, bahala siya.

Ilang sandali ang lumipas, wala na akong ginagawa, wala kasing utos, dahil wala dito ang pala utos, while nag muni muni ako sumaglit na naman siya sa isip ko, yung first everything ko, yung dahilan kung bakit single ako, hayyy nakakapang hinayang talaga,
If there's only a time Machine, babalik talaga ako sa nakaraan para masabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya, na hihintayin ko siya, hindi mali pala, hindi ko sasabihin sa kanya yon, pagkatapos ng ginawa niya sakin, instead tatanongin ko siya, bakit niya ako nagawang iwanan, saan ako nagkamali. Kasi hanggang ngayon nasasaktan parin ako, umaasa parin ako.

0nly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon