Destiny 3

77 5 0
                                    

" Sometimes what we believe as coincidence is really just getting ourselves caught in an angel booby trap. "

CHAPTER 3

Mataas ito, aabot marahil sa 6 foot, makinis ang mukha, matangos na ilong, his chocolate eyes na full of emosyon and his lips, manipis na mapula. He has the kind of face women dream of, definitely male and sexy, naka white polo shirt, Gucci leather belt, itim na wool slacks and black leather shoes, very masculine, nginitian niya ako, how boyishly handsome he is. Napahawak ako sa panty ko, feeling ko kasi malalaglag.
Dahan dahan siyang lumapit sakin, nakasilid sa bulsa isa niyang kamay, aabutin ko na sana siya pero bigya siyang lumayo, pilit ko siyang inaabot pero di ko siya maabot, hanggang sa dahan dahan na siyang nawala, Ji......

Napamulat ako sa lakas ng busina, para akong hinugot from fantasy to reality, nakaidlip ako, pauwi palang kami galing sa effect fail namin na dinner.

" Beshy, bakit? ", napalingon ako sa kanya, di pa ako naka move on, i feel like my dream slap me real hard, pinamukha nito sakin na kahit sa panaginip hindi ko siya kayang abutin.

" Ano kasi, ahm, napanaginipan ko na naman si Jian ", nakakalungkot, gusto ko tuloy mag sinti pag.uwi.

" Napapadalas na ata yan", - Cesz

" Oo nga eh, anu kayang ibig sabihin nito, di kaya babalik na siya beshy? ", feeling excited lang ang peg, ASA PA, sabagay dito naman ako magaling ang umasa, sa wala.

" Iniwan ka na nga diba, kaya malabong babalik iyon ",

Laging ganun ang sagot niya every time pinag uusapan namin si Jian, malaki ang galit niya dito, wala naman itong kasalanan sa kanya, pero infairness huh yung nararamdaman ko kai Jian walang kupas tulad pa rin nung dati. Naniniwala na talaga ako na first love never dies. Ewan ko ba sa sarili ko, pilit ko pa ring pinang hahawakan ang paniniwala ko na balang araw mag kikita kami ulit. Kahit impossible. " Ano na kayang itsura niya ngayon ?,hmm seguro mas pogi na siya mas matangkad, mas macho ", sabi ko kanya, kinikilig tuloy ako.

" Wag ka ngang tanga, malamang hindi ka na papansinin nun", Aray naman, nakaka sakit na talaga siya ng damdamin, minsan talaga napapatanong ako, bakit ko ba naging kaibigan to ang harsh. Hindi nalang ako nag salita, matotulog nalang ko, ayaw kong makipag talo sa kanya.

Nga pala nakalimutan kong ikwento sa inyo, sa iisang bubong lang kami nakatira ni Beshy, masyado kaming independent na dalawa kaya simula nung mag grad. kami ng college, lumuwas na kami ng maynila para makipagsapalaran.

Broken family si Cesz kaya samin na siya nakatira since college at ako naman, simula nong umalis ako sa poder ng mama ko, nakapag-asawa ulit ito ng foreigner, at kasalukuyang naninirahan ngayon sa london, feeling rich si mader, hindi ako umaasa sa supporta niya, hindi din ako ng hihingi, nakakahiya naman kai dadudes, step pader ko. Gusto nila mama na doon na din ako, pero di ako pumayag, ayaw kong ewan si beshy.

Hindi ako broken family, maaga lang kinuha samin ang papa ko nag iisang anak lang din ako, medyo matagal din bago naka hanap ng lovelife si modra, buti na din yon para may mag-aalaga sa kanya, at least panatag na ang loob ko, Minsan nga kinukulit ko siyang mag-anak pa ng isa para my so called kapatid na ako, kaso di na daw carry ng matres nya, matanda na daw siya para dun, funny right?, well 47 years old palang siya and i'm hoping na sana pwede pa :)

" Beshy sa tingin ko kailangan na nating mag resign ", napalingon ako sa kanya, nawala bigla yong antok ko dahil sa narinig.

" May problema ba?, napapansin ko kanina  pa malalim ang iniisip mo ",

" Hindi kasi maganda ang kutob ko kay sir Jaypee, natatakot ako sa kanya beshy, nagka sagutan kami kanina, binastos niya ako, the way he talk parang may pinaplano siya, kilala niya ako kahit hindi pa kami magka kilala, imposible naman na makilala niya agad ako diba?, first meeting namin kanina, first day niya naman, malabong makilala niya agad lahat ng employee ng tatay niya ". parang nag slow mo sa pandinig ko ang sinabi niya na minanyak siya si Sir.

" Ako din kilala niya agad, kaninang lunch pinuntahan niya ako sa table, natatakot ako sa tingin niya ang manyak, kaya umalis nalang muna ako ", kailangan na nga siguro naming umalis, bababa na din naman si DG tapos si Jaypee ang papalit, parang di ko take kung siya ang magiging boss ko.

" Sige aalis tayo, total aalis din naman na si DG, uunahan nalang natin siya, pasa tayo ng resignation letter bukas na hanggang ngayong buwan lang tayo ", pinisil ko kamay niya, i smile at her, i won't risk our safety, girls instinct, laging tama yun, kung masama ang kutob wag na ituloy. Kahit lab ko si DG, parang tatay ko na yun eh, hindi pa rin nito mapapantayan ang pag mamahal ko sa bestfriend ko.

" Alam ko makakanap tayo ng bagong work bago maubos savings natin, if ever kung  wala talaga hihingi na tayo ng tulong kay mama, kaya wag kang mag alala di tayo magugutom, last choice natin kung walang swerte dito, punta tayong london, ikaw at ako, tayong dalawa, hindi kita iiwan dito mag isa pangako yan beshy ", i assure her, kahit anong mangyari, hanggang nasa katinuan pa akong pag iisip, i'll stick with her.

Ang drama ko talaga, minsan lang kami mag heart to heart talk eh,  kaya lubos lubusin ko na to.


---------------------

Short update 😊

0nly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon