Namumula agad yung mga pisngi ko, bumilis ang takbo ng puso ko at nahihilo na ako sa aking sinabi sa kay Zeke. Gusto ko sanang bawiin pero may ibang parte ng sarili ko na ayaw talaga eh.
"Oh, buka mo na bibig mo..." sinabi ni zeke na parang elementary pa yung kausap niya.
Linamon ko naman yung nasa kutsara na naka simangot. Nakakahiya yung ginagawa namin pero di ko gustong tumigil yung moment namin.
Di ko namalayan na malapit na palang maubos yung kanin ko at medyo akong napalungkot na malapit na pala akong matapos. Isang sandali pa ay may bumukas ng pinto ng room na pinaghihingaan ko.
"LUKEEE!!! Nabalitaan kong nawalan ka ng malay sa school. Kaya napadaan ako at nag dala ako ng pagkain mooo!" sigaw ni Roxane pag bukas niya ng pinto.
Namula naman nang todo yung mukha ko at nararamdaman ko na nahihilo na naman ako. Ghaaad, nakita pa niya ako na kasama ko si Zeke, to make it worse, sinusubuan pa ako ni Zeke!
"Ohohohohoooo. Ano to Luke? Bromance niyo?" tanong ni Roxane sa akin na naka ngiti ng todo. Para siyang demonyong nakakita ng isang bibiktimahin niya.
"Of course Roxane! We're the cutest couple at school." sabi pa ni Zeke habang tumatawa.
Agad naman akong tumutol pero di lng naman nila ako pinansin. Ilang sandali pa ay nag kukwentuhan na sila ni Zeke. Medyo na dudumihan yung pandinig ko at sumasakit na yong ulo ko kaya nakatulog nalang ako habang nagkukwentuhan silang dalawa.
Ilang oras nang nag daan at ginising ako ni Roxane at pinapauwi na ako sa bahay. Inihatid na niya ako sa sasakyan sa kanilang Company at nagpaalam na din siya. Kailangan na daw niyang bumalik sa kanila. Napalungkot ako nung narinig ko ang sinabi ni Roxane at napa "Ok" nalang ako sa sinabi niya.
"Ano kaba naman Luke, bibisitahin naman kita ditto, wag kang mag alalala. Burahin mo na yang simangot mo sa mukha mo, kanina payan ah." sabi ni Roxane sa akin.
"Yah yah, basta wag mong kalimutan na mag sulat sa akin ha!" sabi ko naman kay Roxane na naka ngiti.
"Of course Luke! Byebye! Mwuaaah..." may pina flying kiss pa siya sa akin. At dahan-dahan na niya sinara yung bintana ng sasakyan. Pumasok naman din ako sa bahay at kumuha ng pagkainsa ref upang mag miryenda.
Ang bilis talaga ng daloy ng panahon, at sinayang ko lang naman yung mga sandaling iyon, napatingin nalang ako sa bintana habang kumakain ng pizza.
"Ano kaya ang mga pinang kukwentuan nila ni Zeke at Roxane" tanong ko sa sarili ko.
Napatulo naman yung luha ko ng bigla habang kumakain ako malapit sa bintana ng miryenda. Ngayon ko pala na realize na ang sakit pala mawalan muli ng kaibigan. Friends could break your heart pala, hinde lang pala gugma yung kaya kang pasasakitin ng todo.
![](https://img.wattpad.com/cover/136038939-288-k262713.jpg)
YOU ARE READING
UNCHARTED
Romance"Would you like to break up with me again?" Sinabi ng dating kaibigan kong sumaluno muli pagkatapos ng mahabang panahon, para lamang magdudulot sa akin ng problema. Sa taglamig ng ika-8 na baitang, nabalisa si Zeke tungkol sa pagkakaroon ng distansy...