Chapter 8

8 0 0
                                    

Sabado na ngayon at gumising lang ako sa bahay namin. Wala akong naaalala sa nangyari kahapon at medyo naguguluhan pa ako sa aking ulo at medyo nalilipong padin ako.

Kumain nalang ako ng almusal at tinanong ko lang si Lorren sa nangyari kahapon. And as usual, tahimik lang siya at ngumiti sakin. Wala talaga akong maalala kahapon, nga minsan may nagdududa ako kung pumasok ba ako sa school kahapon.

Dumiretso lang naman ako sa banyo para maligo at laking gulat ko na may suot na pala akong kwintas sa aking leeg, may singsing pang naka sabit ditto.

Tiningnan ko ito ng maigi at biglang tumulo nalang ang mga luha ko. Napatawa naman ako sa nangyari sa akin at baka nababaliw na talaga ako. Naligo nalang ako at nag bihis. Pumunta naman ako sa school para mag imbestiga at nag babakasakaling may maaalala ako pag pumunta ako doon.

Naka sara lahat ng mga room kaya pumnta naman ako sa rooftop para mag palamig at doon may nakita akong parte ng memorya ko. Napa luhod ako at sumakit yung ulo ko. May nakita akong scenario, ako at maya isa pang lalaki, di ko maalala ang kaniyang mukha pero mukhang matalik na kaibigan ko ito. Base sa nakikita ko. At dun lang naman, wala na akong naaalala pa.

Bumangon naman ako at nag lakad patungo sa isang lamesa. May napansin naman akong puting kahon na may sulat sa ibabaw na may pangalan nakin na naka sulat sa itaas. Binasa ko naman ito at umiyak nalang ako ng todo. Paano ko nagawang kalimutan ang pinaka importanteng tao sa buhay ko? Pinunasan ko na young mga luha ko at hinugutan ko yung puso ko at binasa yung sulat.

"Luke, sorry kung di kita napagsabihan at hindi ako nakapag paalam ng mabuti. Di ko talaga kayang harapin ang mukha mo ngayon, sapagkat ako ay aalis na naman. Sorry Luke kung nasaktan na naman ulit kita. Babalikan din kita Luke, siguro hindi ngayon, siguro hindi bukas. Pero pangako ko sayo, babalikan kita at gagawin na kitang akin sa pagbabalik ko. Kaya ihanda mo na sarili mo sa araw na iyon. Love ~ Zeke."

Halos hinde na ako maka hinga, sapagkat iniwan ako ng pinakamamahal ko. Kung kaya ko lang sana sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kung hinde ko sinayang ang mga oras na magkasama kami. Kung naging mas bukas pa yung puso ko sa kaniya. Di sana to mangyayari. Pero bakit ba talaga? Bakit kailanagan ba nilang umalis?

Binuksan ko nalang yung kahon na nasa lamesa at ang meron sa loob ay isang smartphone na may maliit na sulat naka dikit.

"To Keep you Company~" ang naka sulat sa papel at pag bukas ko sa powewr button nito, napangiti nalang ako at nakita ko ang lahat na ginawa ni Zeke for the past 3 years na hinde kami nagkasama. Isinulat niya lahat doon, para siyang isang nobela. At pinamagatan ito ng "SHINJIRO".

Umuwi naman ako agad, bitbit ko yung regalo na iniwan ni Zeke para sakin, dumiretso naman ako sa kwarto at nag simula na nang mag basa sa ginawa ni Zeke. Unti-tuni nang nawawala yung hinanakit na dimama ko.

UNCHARTEDWhere stories live. Discover now