Masaya akong gumising at dumiretso ako sa hapag kainan at tiningnan ko kung sino yung nag luto ng almusal ko. Akala ko si Zeke pero si Lorren lang pala. Kumain nalang ako ng almusal at naligo ako at namlantsa na sa aking uniporme. Down, na down na talaga ako naka labas sa pinto ng bahay. Namimiss ko yung mga nangyari kahapon.
Nag simula na akong naglakad patungo sa school at pag dating doon sa unahan may umakbay lang sa akin ng bigla. Si Zeke pala, naka ngiti pa siya at nag "Good Morning" pa sakin.
Nagbago bigla yung mood ko at napangiti naman rin ako at bumati ng Good Morning din sa kanya.
Nag simula na kaming nag kwentuhan sa daan at umabot na din kami sa school. Dumiretso naman kami sa room kasi walang flag ceremony sa Friday. Pag pasok naman namin sa room, sinalubong kami ng masipag bagong palakpakan. May sumigaw pang "WOOOH!! Dumating na ang cutest couple natin guys!". Napa dungo lng naman ako at lumingon ako kay Zeke. Naka ngiti lang naman siya at lumingon naman din siya sa akin at kinuha niya yung kamay ko at sabayan na kaming pumasok.
Kagaya naman din kahapon, buong oras kaming nag kasama sa morning period. Nag bell nading para sa lunch break namin. At last! Lunch na. Niyaya ko si Zeke na doon kami kumain sa rooftop ng school pero di ko siya naabutan sa kanyang upuan. Sa maaalala ko lang, may teacher na tumawag sa kaniya kanina at ipinadaan siya sa Head Teacher's office.
Pumunta nalang ako doon sa rooftop at doon nalng ako nag antay kay Zeke. Lumalamig na yung binili kong pagkain sa canteen at nababalaka na ako kung saan na talaga si Zeke.
Malapit nang matapos ang lunch break at di pa siya dumadating. Nababalkana talaga ako para sa kaniya. Iniwan ko naman yung baon namin doon sa mesa at tinakbuhan ko ang room at tiningnan kung nandoon siya. Nag tanong-tanong naman ako sa mga kaklase namin kung may nakakita ba sa kaniya pero wala naman daw.
Bumalik na ako sa rooftop na naka yungo at doon ko nakita si Zeke naka upo sa lamesa namin. Tumakbo naman ako patungo sa kaniya.
"Oh Luke, you're just in time. Papalamig na yung pagkain oh..." sabi ni Zeke na naka ngiti.
Di ko na talaga tiniis at parang nawalan ako ng malay. Sinampal ko siya bigla at umagos yung mga luha ko sa mata ko.
"Ano ka ba! Saan kaba nanggaling? Bat ang tagal mong dumating!? Abalang-abala na ako sayo." Sinabi ko sa kaniya habang umiiyak.
Niyakap naman ako ni Zeke at pinunasan niya yung mga luha ko sabay nakangiti sakin. Binigyan din ako ng panyo para punasan ko din yung sarili ko.
"Sorry Luke, sana mapapatawad mo ako sa gagawin ko..."~
Di ko naintindihan at napa "Huh?" nalang ako habang pinupunasan ko yung mukha ko ng panyo ni Zeke, bigla nalang akong nahihilo at napaluhod ako agad sa sahig. Di ko na alam ang nangyayari sa akin at umitim agad ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. Parang nahuhulog ako sa isang loop hole. Dito ko lang talaga lang nalaman, na mahal ko na pala yung long lost childhood friend kong si Luke.
YOU ARE READING
UNCHARTED
Romance"Would you like to break up with me again?" Sinabi ng dating kaibigan kong sumaluno muli pagkatapos ng mahabang panahon, para lamang magdudulot sa akin ng problema. Sa taglamig ng ika-8 na baitang, nabalisa si Zeke tungkol sa pagkakaroon ng distansy...