FIVE:THE SOUL TAKER

4 0 0
                                    

"ang dapat sa mga tulad ninyo pinapatay-hinahatid sa impyerno!"

*-*-*-*-*-*

CAMILLE

Nang maka-baba kami sa ikalawang palapag ay kaagad kong nakita si Cheska na naka-upo sa sahig at takot na takot na naka-tulala mula sa isang bangkay mula sa kanyang harapan.

Si Eishy na tadtad ng malalalim saksak sa leeg at noo.

Puno rin ng dugo ang paligid nya. Tapos no'n ay sunod-sunod na tili na ang bumalot sa piligid na pinakawalan ng mga naka-saksi. Dali-dali kong itinayo si Cheska at ramdam ko ang panginginig ng katawan nya.

Agad ko syang inilayo mula sa lugar at tinawagan si Ethan.

*-*-*-*-*-*

Naka-upo ako ngayon sa bench sa ground floor dito sa quadrangle,usap-usapan naman ang pagkamatay ni Eishy. Hindi na napag-desisyunang i-suspinde ng mga master teacher ang klase bagkus ay ipina-sara na lamang muna nila ang building B upang makapag-imbestiga ang mga awtoridad sa sinasabi nilang 'double crime'.

Ano ba kasing nangyayari sa Crystal Mill ngayon?

"Lalim ng iniisip mo huh?" Napa-lingon ako sa nag-salita na naupo tabi ko.

Inirapan ko lang sya. "Si Cheska? Kamusta na ang lagay nya?"

"Okay na sya ngayon. Nasa klase na sya at pinaki-suyo ko munang bantayan sya ng mga kaklase nya." Simpleng tugon nito.

"Sige na,bumalik ka na rin sa klase mo,baka isipin pa ng mga fangirls mo d'yan inaagaw kita sa kanila." Wika ko.

Pero imbis na iwanan nya na muli akong mag-isa ay mas lumapit pa sya ng pagkaka-upo sa'kin saka ako inakbayan.

"Ikaw talaga,masyado ka namang matampuhin sa'kin samantalang sinundo lang naman kita kahapon sa date nyo kasi baka solohin ka pa nya." Sabi nya pa sa malambing na boses.

Muli ay inalis ko ang pagkaka-akbay ng braso nya mula sa mag-kabilang balikat ko. "Solo? Eh samantalang nakita mong kasama namin yung step-sister nya." Inis na sagot ko. "At saka ano nga naman bang pake mo kung may date kami si Damon?" Pataray ko pang dagdag saka nag-cross arm.

"Syempre,gusto ko akin ka lang." 

Nang maalibadbaran ako sa senaryo namin ay tumayo na ako mula sa bench at bumalik patungong building B kung nasaan ang classroom ko

Wala kasi kaming teacher ngayon dahil inasikaso yung mga awtoridad na kasalukuyang nag-iimbestiga sa Building C.

Naupo na ako sa pwesto ko at nag-basa lamang ng libro upang mabawas-bawasan ang pag-iisip ko sa mga kagimbal-gimbal na nangyayari ngayon dito sa school.

"Uy,Cams pakopya ako ng assignment bukas huh?" Rinig kong sabi ni Roy mula sa likod ko ngunit hindi ko sya pinansin,bagkus ay nag-patuloy lamang ako sa pag-basa.

Napag-alaman ko kasing sya yung nag-sumbong kay Ethan na nagda-date kami kasama si Micka.

Ngunit may isa pang bagay na bumabagabag sa isipan ko.

Si Eishy kaya yung babaeng madalas umiyak sa room 203?

*-*-*-*-*-*

EISHY

Mga letche! Kung hindi lang talaga ako scholar dito,hindi ko susundin utos ng mga teacher dito eh! Eh bakit?! Si Camille scholar rin pero hindi nila magawa-gawang PA!

Dumeretso muna ako sa canteen at bumili ng maiinom pero kapag minalas nga naman oh,nandito si Mrs. Santiago at tinawag ako. Mga letche! Hindi na ako naka-pasok sa first subject ko!

SLASHER ACADEMY:season 1 (ON GOING)Where stories live. Discover now