SIX:WON'T YOU BE A GOOD SISTER?

3 1 0
                                    

"Kung hindi ka namatay noon pa. Ako na lang gagawa sayo ngayon."

*-*-*-*-*-*

MADISSON

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa aking paningin ang umiikot na puting kisame.

Medyo nakaka-ramdam pa ako ng sakit sa iba't ibang parte ng aking katawan. Lalo na sa aking ulo.

Unti-unt ay umayos rin ang aking paningin. Ini-libot ko ang aking mga mata at napag-alamang nasa silid ako ng isang Ospital.

Tama,may tumulak nga pala sa'kin sa hagdan. Sino naman kaya?

Napa-baling ako ng tingin sa pinto nang bumukas iyon at nakita si Mom at Dad na patakbo akong nilapitan.

"Ayos ka na ba ngayon anak?" Bakas pa ang pangangamba sa mukha ni Mom.

Umiling-iling lang ako,kelangan kong sulitin ang pagka-kataong may atensyon sila sa'kin-kelangan kobg magpa-awa.

"Mag-pahinga na lang raw muna d'yan anak,buti at mild lang ang mga pasang nakuha mo at hindi ka nabaldog dahil mamayang gabi ay makaka-labas ka na rin daw." Wika pa ni Dad.

"At kung gusto mo anak,sa bahay ka muna mag-stay. Next week ka na lang bumalik sa fraternity house." Suhestiyon ni mama na ikina-tuwa ko. Pero hindi ako dapat matuwa pa dahil hindi pa nila alam ang kaguluhang mga nagaganap sa Diamond Orb at kailangan kong isalba ito.

Nakakapanibago. Hindi naman sila ganto nung bata ako huh? Nung itinulak ako ng magaling kong ate sa hagdan. Tama. Natatakot lang silang mangyari ang nangyari sa'kin dati. Nung nag-dugo ang utak ko.

"Eh paano po si ate? Saan po sya matutulog?" Tanong ko sa mahinang boses,tama ganyan nga Madisson,magpa-awa ka lang.

"You can stay in one room,di ba dalawa naman ang kama nyo ron?" Sagot ni dad.

Maya-maya pa'y muling bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang tatlong alipores ko.

"Maiwan na muna namin kayo." Wika ni Mom.

Napa-ngisi ako. "Balikan nyo po ako Dad huh?" Paawang sigaw ko pa bago sila tuluyang lumabas ng pinto.

Nginitian ko lang ang tatlong impakta sa harap ko na nagta-taka sa mga nasaksihan nila.

"Ba't nandito kayo? Di ba dapat nasa Crystal Mill kayo?" Mataray na tanong ko.

"Never mind,malakas kami kay manong guard." Tugon ni Lianne.

"Akala ko ba at war kayo ng parents mo?!" Naka-ngising tanong naman ni Scarlet na binalingan ko ng tingin.

"Alam mo naman,gusto kong mahuli ang atensyon nila." Tugon ko.

"Shut up. Nag-kamustahan pa kayo." Mataray na sabat ni Margaux na inirapan ko lang.

"Nag-punta lang naman kami rito para ibalitang baka hindi ka maaring kumandidato sa campus president." Napa-mura ako sa bwisit na balitang sinabi ni Lianne.

"NO WAY!"

"Hindi na lang kami umalma nang sinabi iyon ni Ms. Gigi kasi akala namin mamatay ka na." Komento pa ni Scarlet.

Mga walang kwenta.

"Hindi yon maari!" Sigaw ko. Nakaka-buwisit naman tong tatlong to! Parang matutuwa pa ata kung mamatay ako kasi wala na silang po-problemahin. "Talk to that Gigi,at sabihin ninyong kailangan nyang solusyunan ito!"

"No more worries Madisson. Katatawag nya lang kanina at sinabing napag-desisyunan na raw ng mga opisyal na isali ka." Naka-hinga ako ng maluwag sa sinabi ni Margaux.

SLASHER ACADEMY:season 1 (ON GOING)Where stories live. Discover now