TEN: BLOOD THIRST

0 0 0
                                    

"Naniniwala akong kaya mo yan. Basta't lagi mo lang isipin ang dahilan kung bakit ka pumapatay."

*-*-*-*-*-*

DOMINIC

Naka-gapos sa aming harapan ngayon si Zach,oo kami ang kumuha sa kanya. Sayang kasi't hindi namin naabutan si Madisson sapagkat naka-sakay na sya sa kanyang kotse.

Ang Diamond Orb,nagsisimula na sila at dapat nilang pag-bayaran ito. Sila ang dahilan kung bakit sira-sira ang mga motor namin sa parking lot ng school.

Sinamaan nya lamang ako ng tingin na ang kahulugan ay "humanda ka kapag naka-laya ako rito!"

Napa-hagikhik ako. "Pasyensya ka na bro,tumitikim ka sana ngayon ng iba't ibang putahe eh."

Hindi naman talaga ako ganito kasama pero sobra naman ata ang ginawa sa'min ng kabilang grupo? Dapat silang managot.

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto at pumasok si Mr. Dionisio na hawak ang cellphone ni Zach.

Iritado syang nag-lakad at naupo sa isang couch na nasa gilid ng silid na ito. Isa itong abandunadong gusali na katapat ng isang coffee shop na malapit sa school,sinasabing pinamamahayan na ito ng mga multo kaya't walang nagta-tangkang bumilii subalit kami,ginawa itong hide-out bukod sa frat house lalo na kapag may ginagawa kaming missions.

Muling nabaling ang tingin ko kay Mr. Dionisio nang mag-ring ang cellphone na hawak nya,unti-unti ay nag-liwanag ang ekspresyon nya saka naupo ng maayos at itinapat sa tenga ang telepono.

"Saan kaya sa tingin mo?"

"Wag ka naman masyadong mainipin. Kami ang may kailangan sayo."

"Sa abandonadong gusali sa harap pinaka-malapit na coffee shop sa Crystal Mill."

Saka nya ibinaba ang cellphone at naka-ngiting tumingin sa aming bihag. Hindi ganito ang tunay na ekspresyon ni Mr. Dionisio,depende na lang kung naagrabyado sya at talagang galit. Kilala ko kasi sya sa kalmado at pala-ngiti nyang personalidad,pero siguro nga ay umigting ang galit nya sa ginawa nina Madisson. Mga salbahe.

"Malapit na sya sa bitag,humanda kayo."

Makikita ang magka-halong gulat at takot na namuo sa ekspresyon ni Zach kahit na may tapal na panyo ang ibabang bahagi ng mukha nya.

Humanda kayo.

Lumabas muna ako ng silid at nag-tungo sa balkonahe. Doon ay nadatnan ko si Roy na seryosong naka-tingin mula sa ibaba subalit nang maramdaman nya ang presensya ko ay magiliw syang nag-salita. Kung tutuusin ay nasa bahay dapat sya eh,dahil hindi naman sya nasiraan ng kahit ano.

"Ikaw insan ha,hanggang ngayon ayaw parin mag-pakopya sa'kin ni Camille." Pahayag nya. Ngunit alam ko,sa likod ng kanyang masiyahing pagpapakita ay may bumabagabag na bagay sa isipan sa kanya. Sino naman kaya iyon?

"Umuwi ka na lang muna Roy,ayokong madamay ka sa gagawin namin." Nag-aalalang wika ko.

Hindi nya ako pinansin at nanatili lamang sa balkonahe. Sunod akong nag-tungo sa sala kung nasaan ang ilan sa aming mga miyembro. May mga na-pundar na kami ritong gamit gaya ng lutuan at sala showcase,galing sa Crystal Mill Officials na hindi na namin inilagay pa sa aming frat house kaya't dito na lamang itinambak.

Napa-lingon sakin ang mga tao sa sala nang maramdaman ang presensya ko. "Humanda kayo't malapit na sya." Wika ko.

*-*-*-*-*-*

IAN

"Naniniwala akong kaya mo yan. Basta't lagi mo lang isipin ang dahilan kung bakit ka pumapatay."

SLASHER ACADEMY:season 1 (ON GOING)Where stories live. Discover now