SEVEN:HE HEARD

0 1 0
                                    

"Bahala ka,kung hindi ka man lang rin makikipag-kasundo sa'kin upang pumatay. Mag-isip-isip
kang mabuti,baka mag-sisi ka sa huli."

*-*-*-*-*-*

THIRD PERSON'S P.O.V.

Lumipas ang sabado at linggo.

Opisyal nang naitalaga ang labin-limang kakandidato bilang campus president.

Naging tradisyon na ito ng Crystal Mill High tuwing kailangan mag-palit ng bagong taga-pamuno ang paaralan. Bagama't natago ito ng halos apat na dekada ay hindi pa rin kinukupas ng panahon dahil sa ang mga opisyal ang nagpa-patakbo ng paaralan sa kasalukuyan.

Katatapos lamang ng taunang seremonya para sa linggong ito at ipa-aalam na sa mga estudyante kung sinu-sino ang labin-limang opisyal na kandidato.

"Ako po si Camille Dela Vega at tumatakbo para sa campus president. Kapag ako'y nanalo ay aking ipinapa-ngako ang walang-hanggang kasiyahan kasama ang kapayapaan para sa ating paaralan. Yun lamang at maraming salamat po." Pagpapakilala sabay yuko. Tumingin sya sa direksyon ni Ms. Seguban at nginitian ito saka bumalik sa puwesto.

Sunod namang nag-tungo sa gitna ng stage ang isang lalaking maputi,matangkad,singkit at may itim at hating ayos ng buhok na tila ba ginagaya ang ayos ng buhok ng mga lalaking napapanood sa korea-nobela. "Annyeong." Bati nya at pinag-dikit ang dalawang palad saka nag-bow. Nagtilian naman ang mga kababaihang nahumaling sa kagwapuhang taglay nya. "I'm your oppa Ian Chan. Once you voted me. I swear,I could be your leadingman in your real-life fairytale story." Muli syang nag-bow saka bumalik sa puwesto.

Sumunod ang isang babae na may mahaba't kulay kapeng buhok. Mukha syang disente sa bawat kilos at galaw na nililikha nya. "Good afternoon everyone,Misaika is in your front and once to win will be worthy." Yun lamang ang sinabi nya saka bumalik sa puwesto.

Sumunod ang isang babaeng may mataba't blooming na pisngi at naglalakihang itim na itim na mga mata. "Hello." Naka-ngiting bati nya saka kumaway. "I'm Iris
. Kapag ako po ang binoto nyo promise,hindi kayo magsisisi."

Sumunod ang isang lalaki na may kulot ngunit maayos na buhok. Nagmu-mukha syang amerikano sa ayos nito. "Hi babies." Muli ay nagtilian ang mga kababaihan. "Troy is my name. One vote returned one kiss." Wika nya saka nag-flying kiss gesture. Muli ay nanaig ang tilian ng mga kababaihan.

Sumunod ay si Micka Lawrence na step-sister ni Damon na naka-suot ng itim at makapal na eye-glasses at patalon-talon pang pumunta sa gitna ng stage saka nagsalita sa mic. "Gooodmorniiing guuuys!" Masiglang bati nya sabay kindat-kindat. "Kapag ako ang nanalo. Promise ko talaga sa inyo,babaguhin ko ang patakaran tapos magpapagawa ako ng building para sa bilihan ng damit tapos magpapagawa ako elevator pati escalator tapos magpa-patayo ako ng computer building para sa mga kuya tapos lagi akong magpa-paparty tapos kahit anong sootin nyo pwede na tapos kapag nag-school week magpapa-gawa ako ng rides tapos marami pang tapos..." Magiliw na wika nya bago kumaway "bye bye na pooo~ ang hindi bumoto sa'kin kukurutin ko sa t'yan."

Sumunod ang isang lalaki na mareno ngunit malaki ang pangangatawan. Bakat na bakat mula sa kanyang uniform ang mabato nitong braso,dibdib at balikat. "Magandang-tanghali sa inyong lahat,ako nga pala si Louie at nagiiwan ng isang adbokasiya na ang paaralan ay masaganang papasukan kung ang laman nito ay kasiyahan na may kaakibat na kaalaman. Yun lamang po at maraming salamat."

Sumunod si Madisson at taas-noong nag-lakad papunta sa gitna,sa alindog na dala nya ay aakalain mo syang rarampa sa isang pageant,nang huminto naman naman sya sa tapat ng mic ay umihip ang malakas na hanging humawi sa hibla ng buhok na humaharang sa mukha nya. Pumaywang sya sa kaliwang kamay habang ang kanan nya'y naka-hawak sa mic na nasa stand nito.
"M to the A to the D to the I to the S to the S to the O to the N, never mess with me again. So my enemies must come down then. I'm on the top while you on my barefoot,because I' assured to win with my beauty out and in." Introdaksiyon nya sa pa-cheer na tono. "Maddison Lefay is my precious name,18,and I represent my beauty! And I believe in saying that I'm the only one who's gonna make this voting challenging."

SLASHER ACADEMY:season 1 (ON GOING)Where stories live. Discover now