EIGHT:AGENDA AGAINST HELL

1 0 0
                                    

"Akala mo ba ganoon na lang kabilis mag-desisyon? Oo mabilis mag-desisyon,pero mahirap ang pumatay ng tao at makipag-kasundo sa demonyo"

*-*-*-*-*-*

IAN

"Bahala ka,kung hindi ka man lang rin makikipag-kasundo sa'kin upang pumatay. Pag-isipan mong mabuti,baka mag-sisi ka sa huli."

Napa-pikit ako nang muling marinig ang mga kataga nyang iyon bago ako lumabas ng banyo,hindi ko sya gaanong kilala,pero parang may parte ng isip ko na nais makipag-kasundo sa kanyang plano.

Anong bang dahilan nya sa pag-aalok sakin ng pag-patay sa mga kalaban ko sa eleksiyon?

Dahil ako,ang dahilan ko ay ang aking ina. Nabalitaan ko rin kasi na may isan-daang milyong makukuha ang mananalo sa eleksiyon,napaka-laking bagay para maipa-opera namin si mama,bumagsak kasi yung kumpanya na pinatatakbo ni papa na pagma-may-ari ng lolo ko,kilala kasi sya sa mundo ng negosyo kaya investor raw sya ng isang entertainment company,kaya dahil doon sa pagpapabagsak ng papa ko sa isa sa mga pamanang kumpanya nya ay itinakwil nya kami at pinabayaan sa isang maliit na tirahan. Isang napaka-laking kahihiyan ang pamilya namin hindi lang sa mundo ng negosyo kundi pati na rin sa aming angkan.

Pero,isang pangaral sa'kin ng aking ama na mas mabuti nang matalo nang may karangalan kaysa manalo nang may halong karumihan.

Pero kung hindi ako susugal,walang mangyayari,tama,isantabi muna natin ang pangaral at gawin ang nakabubuti,wag ang tama.

Pero mali to eh! Hindi ako mamamatay tao! Kayang kaya kong manalo nang hindi pinapatay ang aking mga katunggali! Tama nga,ayokong mabahiran ng dungis,wala pang kahit anong krimeng nagagawa ang aking kamay mag-mula noong ako'y bata pa.

Pero,buhay ng pinakama-mahal kong ina ang naka-salalay at sya muna ang dapat kong intindihin. Tama,kailangan kong manalo at mapatay ang mga kalahok sa eleksiyon sa loob ng isa't kalahating buwan sapagkat ang buhay ni mama ay tatatlong buwan na lamang ang itatagal. Tama,wala akong ibang dapat intindihin kundi si mama.

Napa-baling ako ng tingin mula sa repleksiyon kong nasa salamin ng bintana ng canteen,baka sa loob ng ilang araw ay mawala na ang inosente kong kaluluwa mula sa pag-gawa ng krimen.

"...ano kayang lahi nya?"
"-oo nga eh!mukha syang koreanong artista!"
"Kahit ano pa yan basta ang gwapo pa rin kahit kailan ni Ian!"

Rinig kong bulungan ng tatlong babaeng nasa likuran ko.

Chinese ako mga tanga,sinabi ko lang na oppa kanina sa introduction,koreano na?

Nilingon ko sila at nginitian,nagtilian naman ang tatlo saka lumayas mula sa harapan ko.

"Kita nyo yon?!"
"Ooooo!"
"Sa'kin sya ngumiti!"
"Wag kang ma-eme! Chosera ka! Sa akin!"
"Mga feelingera sa akin!"
"Wag ka ring assuming dahil sa akin!"

Rinig kong pagtatalo ng tatlo habang naglalakad papalayo. Mga tanga talaga.

Agad akong dumeretso mula mapunong parte ng field kung saan nya sinabi kaming magkikita. At doon ay natagpuan ko syang inip na naghihintay sa akin sa silong ng puno.

"Ang tagal mo masyado,madali lang naman sumagot sa alok ko." Iritang bungad nya sa'kin.

Medyo nabahiran parin ako ng kaba kahit naka-pili ma ako,siguro dahil nagugulat pa rin ako sa mga pinag-usapan namin. "Akala mo ba ganoon na lang kabilis mag-desisyon? Oo mabilis mag-desisyon,pero mahirap ang pumatay ng tao at makipag-kasundo sa demonyo"

"Wag ka nang magpaligoy-ligoy pa at sagutin mo na lang ako." Walang emosyong wika nya habang tinititigan ang singkit kong mga mata.

"Tinatanggap ko." Bumilis ang kabog ng dibdib ko,wala nang atrasan.

SLASHER ACADEMY:season 1 (ON GOING)Where stories live. Discover now