Four

57 8 0
                                    

Sa Palasyo Ni Jinyoung

Pagbaba ni nancy nakita siya ng mahak na reyna na suot ang magandang damit ng magiging prinsesa ni jinyoung.

"sino ba siya para suotin ang damit na iyon!" bulong ng reyna habang naglalakad siya ng mabilis para mahabol si nancy sa hallway.

Nagulat si nancy ng may pumigil sakanya ng sobrang higpit sa braso.

"Sino nagsabi sayong suotin mo yan!" sigaw ng reyna sakanya.

"Yung prinsipe po...Pinagpalit po niya ako ng damit kasi maikli yung damit na binigay niyo." sabi ni nancy.

'ah! Ang sakit na ng braso ko' sa isip ni nancy.

"Alam mo bang hindi mo pwedeng suotin yan!" sigaw ng reyna sakanya.

"Pwede mo namang tanggihan! At bakit ka pumayag na palitan yung suot mo!" sigaw ng reyna habang si nancy naman hindi na napigilang maiiyak sa sitwasyon niya.

"Dahil sa ginawa mo.. 4 na linggo kitang ikukulong sa bodega ng matuto ka!" sigaw ng reyna.

"Bitbitin niyo nayan!" utos ng reyna sa mga kawal niya.

Hindi na nakapalag si nancy dahil mahigpit ang pagkakapit sakanya.

Habang sa kwarto naman ni jinyoung.

Kanina pa niya hinihintay si nancy habang hawak yung koronang puro bulaklak (Flower Crown) Na ibibigay niya kay nancy.

"bakit ba ang tagal niya..." bulong ni jinyoung sabay lapag ng flower crown sa kama niya.

Hindi siya nagdalawang isip na bumaba at magtanong sa ama niya.

"Jinyoung? Anong ginagawa mo rito..Gabi na dapat natutulog kana" sabi ng hari sakanya.

"Nakita niyo po ba si nancy?" tanong ni jinyoung sa hari.

"Pasensya kana jinyoung..Pero hindi ko pa siya nakikita magmula kanina" sabi ng hari sakanya.

Kaya pinuntahan naman niya ang reyna para magtanong.

Pagbukas niya ng pinto ng reyna.

"saan mo dinala si nancy!!" sigaw ni jinyoung sa reyna na ikinagulat niya.

"aba malay ko sa katulong mo! ganyan na ba ang tingin mo sakin!" sigaw ng reyna sakanya.

"isa lang ang tanong ko...NASAAN SI NANCY!!" sigaw ni jinyoung.

"Edi nandun sa bilangguan...Ikinulong ko dahil suot niya ang ipapasuot namin sa magiging prinsesa mo!" cold na sabi ng reyna sakanya.

"Ah oo nga pala jinyoung...Hindi mo siya mapapakawalan dun.." sabi ng reyna sabay angat ng susi na galing sa kabinet.

"4 na linggo siya dun at syempre apat na linggo karin magtitiis na walang katulong..." sabi ng reyna.

Galit na lumubas si jinyoung para puntahan si nancy sa bilangguan.

Pagkadating na pagkadating ni jinyoung nakita niya si nancy na umiiyak at nagmumukmok sa gilid.

"Nancy?" tanong ni jinyoung.

"Jinyoung...Please pakawalan mo ko dito...Hindi ko alam kung bakit ako kinulong dito please..." pagmamakaawa ni nancy sa prinsipe.

"Wag kang magalala nancy..Pakakawalan kita dito.." sabi ni jinyoung habang hawak yung mukha ni nancy.

"Paumanhin mahal na prinsipe..Hindi siya pwedeng palayain nalang ng basta basta..utos ng mahal na reyna." sabi ng kawal kay jinyoung.

"ANO BANG PROBLEMA NIYA!!!" sigaw ni jinyoung sa sobrang galit niya.

The Maid Where stories live. Discover now