12

165 5 3
                                    

Author's Note

Sorry for the late update

As promise may update sa ilang na tengga salamat sa pag iintay!

Happy Reading!

***

"Bawal po kayo dito!" Awat ng babae

"Okay let him in" tango naman ang sinagot ng sekretarya sa amo "o nick bat ka nandito?"

"Nasaan ang anak ko?! Ilang buwan na di nauwi ang anak at ang huli niyang pinuntahan dito!"

"Hindi ba modelo ang anak mo? Baka naman out of town matagal na yung huling shareholders meeting" sagot naman ng ama ni Kyle

"Sandro hinihingi na ng mga pinag kakautangan namin mag asawa ang pang hulog, nasa kanya ang pambayad" kamot sa ulo pa nito

"Maupo ka nga" umupo naman ito

"Nick, puwede ba ayusin na ninyong mag asawa ang buhay ninyo, baka naman nilayasan na kayo ng anak ninyo, balita ko hindi ka na nag tratrabaho, ngunit tuloy pa rin ang mga bisyo mo"

"Kahit pa ama niya ako! Hindi niya inaalala ang mama niya" umiling si Sandro "ikaw nga nilayasan ng anak mo dahil nagpaka kabit!"

"Umuwi naman na ang anak ko kasama ng mag ina niya" sabay tayo at tingin sa malayo sa glass window "hindi napasok ang anak mo dito, kahit pupuwede siya unupo sa board dahil sa shares niya di niya ginawa" sabay harap sa lalaki "Nick, walang balak talaga umuwi ang anak mo sa inyo. Mas maiigi na ayusin mo na ang buhay ninyong mag asawa." Sabay upo "baka yun ang gusto talaga ng anak ninyo kaya siya di nauwi"

"Wag ka nga makialam!"

"Sira na pala talaga ang ulo mo, oy building ko tong tinutungtungan mo, umalis ka na bago pa kita pakaladkad sa mga guards!" Bigla naman ito lumabas at pabalya na sinara ang pinto "ay sakit sa ulo" sabay tawag sa secretary

Tok tok

"Sir ano po yun" bungad ng secretary niya sa kanya

"Puwede patawag mo yun anak ko"

"Okay sir"

***

"Pa bat ninyo ako pinatawag" sabay upo sa sofa

"Anak binayaran mo daw lahat ng utang ni Yvette?"

"Opo pa, kaya lang naman niya ako ginugulo dahil para lang makaahon siya sa pagkakabaon sa utang."

"Hindi doon kasama ang mga utang ng mag asawa" tumango naman ang anak niya sa kanya, bumuga na lang siya sa kawalan

"Bakit po pa? Mali po ba ang ginawa ko po? Sinabi ko muna yun kay Kara bago ko yun binayan" sabay iling

"No anak, I don't see anything wrong" sabay dating ng kape nila pagka lapag ng sekretarya ay agad itong umalis

Gaano na ba katagal ng huli nilang pag usapan si Yvette, yun pa yatang bago mabuntis si Kara? Sa totoo lang nanhihinayan siya sa nanyari sa kaibigang si Nick, at sa asawa nito naging pabaya ito sa negosyo at maluho silang mag asawa palibhasa sunod sa luho ng ama nito, ng mamatay ang ama wala itong gaano alam sa negosyo, hanggan sa bumagsak na ito at ang mga ari arian na pinamana ay naubos.

"Papa is there something wrong?"

"None, I just can't believe that you paid her debts na aalala ko pa na hindi naging maganda ang huli ninyong pag uusap" that last time when Yvette and his wife is planning thier wedding without thier knowledge naging magulo at nauwi sa pagtatalo iyun kanilang pamilya.

"Pa, I really wanted to help her out balak ko sana bayaran na lahat lahat ng utang nilang pamilya pero likely I didn't"

"Why?"

"Kaya ko naman bayaran ng buo kaso sa ginawa ni ninong at sa sitwasyon natin kahit pa maayos ang finances ayoko maglabas ng ganon kalaking pera." He look at him "naisip ko pati dapat magulang niya ang umutang sila ang dapat mag bayad"

"Its true, buti naisip mo yan kundi inaway na kita hahahaha" sabay tayo nilag dalawa "o paano anak gusto ko na ikasal ka, maayos na kompanya natin"

"Pero iniisip ko si Mama"

"Wag mo na siya isipin, kaya kita pinapunta dito to tell you, your mama ended her fantasy of marrying you off to Yvette" smiled

"Salamat naman papa."

"Kailangan nga pala anak nandito si Kara, may pag uusapan kami about the companies books"

"Yes papa, Kara is very much willing to help us out"

"Sino ba mag aakala that woman would become a CPA, masasabi ko you really have a good taste in woman, sumabit nga lang at married na."

"Hahaha, papa sa inyo ako nang mana nang kalokohan"

"Anak di na ako nagtataka, but you prove me, you really do love Kara and she isn't a past time" sabay tingin sa sekretarya na dumating nang ama "nga pala malapit na ba maayos ang record ni Kara? Kailan ninyo gusto na mamanhikan kami after na clear na siya?"

"Napag usapan namin ni Kara last time pag Okay na ang kompanya tsaka kami mag aayos sa kasal namin."

Napangiti na lang ang ama sa sinabi ng anak, talagang mabuting tao si Kara, na hihiya nga ito at inipit ang babae para mawala ang toyo ng anak, palibhasa nag iisa lang anak si Kyle kaya di nila matiis mag asawa, nang dumating si Karyl sa buhay nila lumiwanag ang mundo nilang mag asawa.

Napakapit sa ulo ang lalaki habang paalis si Kyle.

"Sir?!"

"Pa?!" Bumalik ulit si Kyle

"Sir tawaging ko ang nurse, mukhang high blood kayo"

Agad naman inasikaso nang nurse ang ama ni Kyle, sinabi nito na dahil sa stress lang kaya sumama ang pakiramdam nito. Maya pa iniwan na sila

"Papa nais ni Kara tumulong sa pag aayos ng libro natin, pede siya na lang ang humawak?"

"Anak, kung yan ang gusto niya pero ano ang iisipin nang mga board? Hindi ba siya ang nag review? Maaring kung ano ano naman ang sabihin nila"

"But pa she is good"

"Anak makinig ka hindi naman sa ayaw ko, ayoko nang conflict, at gulo sa office kapag nanyari iyun mainit pa ang sitwasyon so I suggest pagka tapos na lang nang kasal ninyo."

"Bat pa? Hindi na pede non"

"O bakit?"

"Eh nag papaplano na rin ako na sundan si Karyl"

"Ahahahaha, anak good idea gusto ko yan"

"Papa alam ko naman kahit ganon ang sitwasyon ko gusto ninyo nang madaming apo"

"Hahaha oo naman iisa ka lang kaya gusto ko madami, madaming madami"

Unfaithful Wife (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon