Author's Note:
Hi po salamat sa mga nag intay ito na po ang update ng natenggang story, dapat sa june pa ito pero I feel na need ko na ito i-update salamat po
May 19, 2019
***
"Shiela bat ka nandito?" Mataray na saad ni Kara sa babae, malaki ang ikina bagsak ng katawan nito, balita niya nakatira ito sa ilalim ng tulay kasama ang mga anak nito at kalaguyo, napapaisip siya, kalaguyo ba talaga o kalantari dapat kasi ito ang kalaguyo, naalala tuloy niya yung mga panahon na sobra siyang nasaktan sa pakiki apid ng mister, lumayas siya sa sariling bahay di man lang siya inalo nito, doon pa pinatira, konsuwelo de bobo na nga lang na pinalayas ng lolo ni Lawrence ng malaman ang nanyari sa dati nilang bahay "sabihin mo na at madami pa akong gagawin" gusto na niya umalis ang babae sa kanyang harapan, ngayon nagpapaka intelehente, kaswal at higit sa lahat isinaalang alang niya ang kanyang pinag aralan ayaw niya na bumaba pa sa level ng babaeng ito.
ito ang may kasalanang ng lahat kung bakit gumulo ang tahimik nilang buhay mag asawa, at masasabi din niya na dapat mag pasalamat pa siya dahil sinagip siya sa lalaking sira ulo na dapat una pa lang di na siya pinakasalan. nagka pilitan naman talaga ika sa sarili ni Kara.
"Shiela, ako'y nagtitimpi lamang sa iyo, magsalita ka na o tatawagin ko na ang sekretarya ko para paalisin ka." Totoo iyun sobrang dami, marami na ang kumukuha sa kanya para mag hawak ng libro ng mga kompanya nila, may mga tinatanggihan na siya sa sobrang dami, di na kakayanin ng accounting firm niya ang dami, baka kailanganin na nga niya mag hire ng dalawa o isa pang accountant.
"Tulungan mo akong balikan ni Lawrence, mahal ko siya" napatingin naman si Kara dito, kung noon siguro umigkas na at lumapat ng ang palad niya ng pagka lakas lakas sa pisngi nito, ngunit hindi na siya apektado, sa kung ano pa man ang sasabihin nito ukol sa lalaki, nawala ang lahat ng meron siya para sa dating asawa.
Pero ngayon?
Ni, hindi man lang siya na apektuhan sa mga sinabi nito sa kanya, na para bang di naging big deal ang babaeng ito ni minsan sa buhay niya.
Tumingin siya sa mga mata nito na nag mamakaawa "Shiela, hindi ako ang dapat nilapitan mo. Umalis ka na" tugon niya
"Baka naman pag nakuha ko na yung papel ng tricycle niya bumalik na siya sa akin" hindi alam ni Kara kung tatawa o maawa sa babae, does she really think that naive way of thinking will make things better?
"Look, wag ka na babalik dito." Umiyak si Shiela "ito na ang huling beses"
"Ibigay mo na to sa akin" iyak niya
"Paano ko ibibigay ang matagal nang wala" nagulat ang babae, may apat na linggo na rin nang matapos ni Lawrence ang hulog sa motor sa kanya, ni hindi pa niya nagagalaw ang bayad nito. At baka mangailangan ng pera ito ika ng ina ayaw naman niya mag paluwag kaya tinabi na lang ng ina niya para sa lalaki talagang napamahal ito dito. Mabait naman si Lawrence noon bag bago lang ng dumating ang babae. totoo nga ata ang sabi ng ama ni Kyle mahirap mabaliw ang lalaki sa babae wag mong pipigilan mas lalong mag wawala.
"A-ano?" di maka paniwalang tanong, na tila ito ang pag guho ng lahat para sa kanila nang lalaki.
"Matagal na niya binayaran ang motor. Kaya huli ka na" nagpatuloy "umalis ka na, ayoko na kitang makita." At pumasok ang sekretarya niya, sumunod na ito habang naiyak.
Napaisip si Kara, at dumungaw sa bintana. Paano kaya kung maaga silang nagka anak ng dating asawa, siguro maayos na ang buhay nila at di ganito ang kinahantungan ni Shiela? Napa ismid naman siya sa inisip.
"Ang babae pag malande lalandi iyan, kahit pa sang katerba ang balakid at ang lalaki kahit anong guwardiya mo mag loloko at mag loloko pag gusto"
Iyan ang lintanya sa kanya noon ng dati niyang amo na masasabi mo napaka bitter, maganda ito, matalino, may pinag aralan, may itsura ang mga anak, pero iniwan pa rin ng asawa para sa kabit, she never seen a woman as strong as her, inakala niya hindi mang yayari sa kanya ang ganoon isa pa lang malaking pag kakamali at di niya ito naharap ng maayos na akala niya kaya niya.
Tinakbuhan
Niya
At
Nung
Akala
Niya
Wala
Na
Siya
Ay
Siyang
Dating sa buhay niya...
"Mama!" Takbo ni Karyle sa kanya
"Oh anak why are you here?" Sabay tingin kay kyle
"Gusto kasi niya dito" sabay upo ng lalaki "I saw sheila"
"Well I told the guards and the staff not to allow her to enter here anymore"
"Good" saad agad ng lalaki "she longer have business with you. So as her ex" sa tunog ng lalaki ay madidinig mo ang pagka irita. "I don't want to see those roaches again"
"Kyle may bata, bat ka naman nag tataray?"
"Well, alam mo ang ugali ko, I tolerate every single drama you have with them and I have to put an end of it." With finality
She rolled her eyes "off course I know and you have your own set of drama." Napatawa naman sila parehas
As he waves on an white envelope "do you know what is this?"
"Saan galing iyan?"
"Your Birth Certificate and Certificate of no marriage" sabay lapit ni Kara "your free!" Sabay paikot sa babae
Inalala ni Kara matagal pa iyun darating but she was wrong, madami kasi nanyari sa kanilang dalawa. "I almost forgot that"
"Maigi, it means you don't care for your ex anymore" he kissed her "kelan mo gusto?"
"Ang kasal?"
"Hindi magka baby ulit?"
"Loko! Let's get married before that!" Sabay suntok sa dibdib ng lalaki "pakasal muna tayo at baka ma hb na naman ang mama mo"
"hahaha" sabay halakhak ng anak niya
"kara kailan mo gusto?"
"kailan mo ba gusto?" Kara teases
"puwede ngayon na?"
"leche ka sarado na ang huwes!" sabay suntok ng mahina sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Unfaithful Wife (Series 1)
AléatoireNagmahal Kinasal Niloko Iniwan Nag move one Nangabit! ang sabi nila ang asawa ay dapat maalaga, mapagmahal, masunurin sa kanyang asawa? pero kapag nambabae ang lalaki okay lang dahil lalaki yan at natural lang? pero paano naman ang mga babae? wala s...