Lilliane's POV
Iyak pa rin ako ng iyak hanggang ngayon
Nagsisimula na ata ang klase pero andito pa rin ako sa mini garden
Hindi ko lang talaga matanggap na hinusgahan na agad nila ako, naging mabait naman ako sa kanila ah
Pati tuloy ako nagdududa na sa sarili ko kung malandi ba ako
Pero ayos lang dahil may naniniwala sa akin, buti mabait si evil kaya hindi niya ako hinusgahan
"Stop crying my princess" nangilabot naman ako ng marinig ang nakakakilabot niyang boses
Kilalang kilala ko ang boses na yun
Ang boses ng muntik ng manggahasa sa akin
"Leave me alone" pasigaw na paiyak kong sabi
Hindi ko alam kung nasan siya, hindi ko siya makita
"I won't leave you my princess, i won't 'cause you're mine"
Anong sa kanya raw ako?
Walang nagmamay-ari sa akin
Pinapakain niya ba ako para angkinin niya?
"Go away, lubayan mo na ako" iyak pa rin ako ng iyak
"I won't leave you and if i say i won't, i really won't" parang bulong yung boses niya pero rinig na rinig ko
"Ano ba kasing kailangan mo?"
"I want you, your body and your heart"
Sheex, aswang yata to eh, kailangan niya raw ng puso at katawan ko
Oh my! Baka bampira siya, kinagat at sinipsip niya ang leeg ko noon eh
Pero may narealize ako
"May katawan ka naman ah at may puso ka naman rin, yun na lang ang kainin mo please lang, hindi ako masarap"
Sheez, ano kayang uri siya ng aswang? Tik-tik laok? Kapre? O baka tama nga akong bampira talaga siya
Narinig ko ang nakakakilabot niyang pagtawa "I can't eat myself my princess 'cause i want to eat you" nakakaloko niyang sabi
Aswang nga
Huhuhu, nahusgahan na nga nila ako ng wala sa oras tapos aaswangin pa ako
"Hindi ako masarap, maalat ako, mapait, tatlong araw na akong walang ligo" white lies naman yun, para sa kabutihan ko