Lilliane's POV
Nasa tricycle ako ngayon, kakababa ko lang sa bangka
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo
Maganda ganda naman na ang pakiramdam ko kaya iniwan ko na kanina sa bus station yung wheelchair
"Madame saan po kayo?"
Ayaw kong tanungin kung nasaan na ako ngayon dahil ayae kong may makaalam kung nasaan ako, maski ang sarili ko yata ay hindi ko na mapagkakatiwalaan eh
"May alam po ba kayong mapagtatrabahuhan at matitirhan?"
"Ah si señor po, tumatanggap siya ng mga tagapagsilbi"
Aarte pa ba ako? Kahit anong trabaho basta mabuhay ako, pambayad ko na lang kasi dito sa tricycle tong natitirang pera eh
"Sige po, ihatid niyo na lang ako doon"
Kalahating oras ng byahe ay nakarating na kami sa napakalaking gate
"Anong kailangan niyo?" tanong nung guwardiya, lumabas naman ako sa tricycle at nagpakita sa kanya
"Mag-aapply po sana akong magtrabaho" ngumiti pa ako sa kanya pero poker face lang si kuyang guard
Ayyt, serious si kuyang guard
May kinuha naman siya sa bulsa niya
"Señor.. opo..sige papapasukin ko na siya"
Tinago niya na yung telepono niya saka ako binalingan
"Maaari ka ng pumasok, nag-aantay na si señor sayo sa loob" at binuksan naman na niya yung gate
Woah! Mansyon pala to, grabe sa super duper extra megang laki
Pagkapasok ko sa gate ay sumara agad ito
'Siguro marami silang nakatira dito kaya malaki' sabi ko sa isip ko pero salungat nito ang nakita ko
As in parang walang tao sa loob
Napakatahimik pero nakakapagtakang napakalinis
"Ikaw ba ang mag-aapply?"
napagitla naman ako sa gulat ng may magsalita, wala namang tao pero bakit may naririnig akong nagsasalita, akala ko makaluma itong mansyon pero high-tech pala
Tumango ako ng wala sa sarili
"May experience ka na ba sa pagtatrabaho"
Umiling naman ako
"May alam ka bang gawaing bahay?"
May alam naman ako kahit papano kaya tumango ako
"Tanggap ka na, sa pinakadulong kwarto sa kaliwa sa pangalawang palapag ang magiging kwarto mo, bukas na bukas rin ay magsisimula ka ng magtrabaho, maaga kang magising para magluto ng pang-agahan pagkatapos ay lampasuhin mo ang buong mansyon"
Pagkatapos non ay wala ng nagsalita kaya nagtungo na ako sa kwartong sinabi niya
Maglinis ng buong mansyon? Parang imposible naman iyon, napakalaki nito tapos ipapalinis niya sa akin
Haist! Oo nga pala, tagapagsilbi ako rito kaya wala akong magagawa kundi sumunod
Maliit na kama at isang drawer lang ang naroroon, at dala ng kapaguran ay nakatulog agad ako
..
..
..Nagising ako sa ingay ng nagsasalita
"Ang sabi ko ay maaga kang gumising para makapagluto pero bakit tulog ka pa rin hanggang ngayon?"
Napabangon ako dahil doon, saka ko inikot ang paningin sa paligid pero wala namang tao
Pero kahit na wala namang tao ay pakiramdam ko ay may mga matang nanonood sa bawat galaw ko kaya kinilabutan ako
"Magluto ka na"
Napakalamig talaga ng boses niya
Tumayo na nga ako sa pagkakaupo sa kama saka nagsalita
"Maliligo lang ako saglit, pero wala akong damit na maisusuot"
Lagkit na lagkit na kasi ako ngayon sa sarili ko dahil mausok ang naging byahe ko kahapon at ngayon ay amoy usok pa rin ako
"May damit diyan sa drawer, ang banyo naman ay nasa pinakadulong kwarto sa kaliwa sa unang palapag"
Grabe, isa lang ang cr nila sa laki nitong mansyon?
Binuksan ko na nga lang ang drawer at tumambad sa akin ang damit ng pangkatulong at twalya, may undies rin na mukhang bago at hindi pa gamit
Kinuha ko ito at nagtungo na doon sa banyo na sinasabi nung nagsasalita
..
..
..
Pagkatapos ko ng mabilisang ligo ay nagtungo na ako sa kusinang sobrang lakiNapakaraming ref at mga kasangkapan sa pagluluto
Wala akong nakikitang tao pero bakit ang daming pagkain dito?
Nagsaing na lang ako, nagluto ng itlog, manok, hotdog, tapa at bacon
Hindi ko naman kasi alam kung pang-ilang katao ang iluluto ko kaya dinamihan ko na
Naghain na ako sa lamesa ng marinig ko na naman ang nagsasalita
"Pagkatapos mo riyan ay maglampaso ka na ng mansyon, simulan mo sa pinakadulong kwarto sa kanan, siguraduhin mong malinis na malinis iyon kapag tiningnan ko"
"Pero hindi pa ako nakakakain ng almusal" sabi ko saka ngumuso
"Can you please stop pouting, nakakasuka" ayt grabe siya, cute raw kaya ako kapag ngumunguso "And wala kang karapatang magreklamo dahil ako ang amo, tagasunod ka lang ng mga utos ko"
Hindi na ako umimik, grabe naman kasi siya eh gutom na gutom na kaya ako
"Fine, if natapos mo ng lampasuhin ang buong mansyon ay maaari ka ng kumain"
Wahhh, huhuhu anlaki laki neto eh, lugi ako pero wala naman akong magagawa dahil nga tagapagsilbi lang ako kaya tinapos ko na lang ang paghahain saka nagtungo doon sa unang kwartong pinapalinis niya dala ang mga kagamitang panlinis,
Timbang may tubig at sabon at basahan
Malinis naman ah
Gusto niya bang shining shimmering bright pa tong sahig niya?
Okay, if yun ang gusto niya ay gagawin ko
Nag-umpisa na akong maglampaso at sa kabuting palad ay napashining shimmering bright ko na yung tiles, sinunod ko naman ang kabilang kwarto, parang magkakapareha lang tong mga kwarto rito maliban doon sa tinutuluyan ko
I wonder kung anong nasa third floor ng mansyon na ito, hindi pa kasi ako nakakaakyat doon
Pero imbes na isipin ko iyon ay naglampaso na lang ako pero nakakakalahati pa lang ako ng paglalampaso ng makaramdam ako ng sakit sa aking katawan at ulo
Sheez! nabitawan ko ang basahan saka napahawak sa ulo kong napakasakit
"Ahhh!" sigaw ko at bago ako mawalan ng malay ay may nasilayan akong isang lalaking tila anghel
..
..
Who's the prince kaya? Comment niyo lang po kung sino ang hula niyo?
Choices
A.houl(someone)
B.flix
C.(unknown)
D.mr.sakabilangbuilding
E.señor
F.all of the above
G.none of the aboveYayks! Andami palang choices, bawasan ko kaya sa susunod na chapters para malinawan na, hihihi patayin ko na lang yung ibang choices